Chapter 216

903K 31.3K 44.3K
                                    

A/N: May humahabol. Ayaw daw nila ng Mais dahil mabuhok... Talong 🍆 nalang o kaya saging 🍌. Swabe! Hahahahaha tapos kumana ang Jay-jay.

 Swabe! Hahahahaha tapos kumana ang Jay-jay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang totoo... Si Jay-jay ang naghahanap ng Upo.

Broken

Jay-jay's POV

Sinungaling! Hindi na ko maniniwala sayo. Hindi mo na ko maloloko. Huling huli na to!

"Oh!" Sabi ni Percy habang inaabot sakin ang ice cream na binili.

Kinuha ko yun at sinimulang kainin. Kahit tulala at parang wala sa sarili kumakain pa rin ako.

Kasalukuyan kaming nasa park nitong Stepbrother kong baliw. Nagpasundo ako sa kanya dahil walang tao sa bahay maliban sa mga maid.

Namasyal sila ng wala ako. Iniwan ako!

"Kwento mo nga ulit. Hindi kita maintindihan kanina, panay ang turo mo sa ice cream." Sabi ni Percy habang kinakain ang ice cream nya.

Nagbuntong hininga ako at inumpisahan ulit ang kwento ko tugkol sa naging usapan namin ni Keifer. Hindi ako pinatulog ng mga sinabi nya. Hindi ko nga rin alam kung panu ako naka-labas sa unit na yon at naka-uwi mag-isa.

Ubos na ni Percy ang ice cream nya ng matapos akong mag-kwento.

Takaw! Tsk!

"Naniniwala ka ba sa sinabi nya?" Tanung nya.

Umiling ako. "H-hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam?"

Napabuga ako ng hangin. "Syempre! Wala pa kayang isang buwan yung nalaman ko yung pang-ga-gago nila sakin. Malay ko kung nagsi-sinungaling na naman sya."

"Pero may chance na naniniwala kang nagsasabi sya ng totoo."

Taka nya kong tinignan. "Hindi no!"

Bahagya syang ngumiti. "Edi dapat ang sagot mo sakin 'hindi naniniwala'." Natigilan ako. "...pero ang sinagot mo sakin ay 'hindi mo alam', dahil may part sayo ang umaasang totoo."

Kung tutuusin tama sya. Kung hindi nga ako naniniwala dapat ang sagot ko sa tanung nya ay 'hindi'. Kasi nga siguro may bahagi ko nga ang umaasa.

Umaasa na totoo ang sinasabi nya.

Akmang isusubo ko na ang ice cream sa kamay ko pero napahinto ako ng makitang wala na kong hawak sa kamay. Tinignan ko yung paanan ko at sahig baka kasi nalaglag.

Napatingin ako kay Percy at ang walanghiya may kinakain na ice cream kahit ubos na yung sa kanya, kanina pa!

"Akin yan! Animal ka!" Inis na sabi ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon