Chapter 221

748K 31.2K 38.6K
                                    

The real King

Jay-jay's POV

"Eto first aid kit." Sabi ni Eman habang inaabot ang isang pulang pouch kay Ella.

"S-salamat." Sabi ni Ella habang tinatanggap ang pouch.

Binuksan nya yun at kinuha ang bulak at alcohol. Inumpisahan nyang dampian ang muka ni Aries.

Muka akong ewan na nanood sa kanila. Gusto kong tawagan si Tita o kaya si Kuya pero natatakot ako sa sasabihin nila. Alam ko kasi na ako ang may kasalanan nito.

"Jay..." Tawag sakin ni Ci-N habang nauupo sa tabi ko. "...bakit andito sila?"

Tinignan ko sya. "Hindi daw kasi sila tatanggapin sa clinic kaya dito ko nalang sila dinala."

"Baka magalit si Keifer." Bulong nya sakin.

"Wala naman yung Kumag na yon dito."

Niyakap ko ang tuhod ko at dumukdok. Hindi ko alam ang gagawin. Nahihiya ako kila Kuya dahil sa nangyari'ng to. Unti-unti'ng nawawala ang ang lahat sa kanila ng dahil sakin.

"Jay-jay..." Tawag sakin ng Mica kaya naman tinignan ko sya.

Umupo sya sa tabi ko at inalok sakin ang hawak na bottled water. Umiling ako at muling dumukdok sa tuhod ko. Hindi pa rin nagkakamalay si Aries.

Walang Horoscope for today!

"Sa tingin ko kailangan na nating dalhin sa ospital to." Sabi ni Kit habang nakatingin kay Aries at Ella.

Tinignan ko si Ella na nakatingin din pala sakin. Para bang hinihintay nya ang pagsang-ayon ko. Gusto kong umo-o dahil yun ang kailangan ni Aries pero may bahagi ko ang natatakot. Magagalit sakin si Kuya.

"A-anu... Sa t-tingin ko----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa unti-unti'ng pagtaas ng kamay ni Aries.

Halos pagapang akong lumapit sa kanya. Meron syang binubulong na hindi namin maintindihan. Hinawakan ni Ella ang kamay nya at halos sabay kaming yumuko para marinig sya ng maayos.

"S-si Jay-jay... W-wag..." Sabi nya at huminga ng malalim. "...p-palapitin... M-m-mykel."

Nagkatinginan kami ni Ella. Ayaw nya kong palapitin kay Mykel. Hindi ko alam ang dahilan pero wala akong balak sundin sya. Hindi pa sapat yung ginawa ni Ci-N sa kanya kanina. Dapat makaganti ako sa kanya.

Bigla nalang lumalim ang paghinga nya. Nataranta si Ella at hindi malaman ang gagawin. Pati ako kinabahan sa pagtaas at baba ng dibdib nya.

Shit! May sakit nga pala si Aries....sa utak----ay sa baga!

"Dalin na natin sya sa ospital!" Umiiyak na sabi ni Ella.

"Sa kotse ko! Ngayon na!" Sigaw ni Yuri at agad na binuhat nila Felix at Eren si Aries.

Sumunod naman kami agad sa kanila. Buti nalang at nay klase na kaya walang masyadong istudyante sa daan. Pagdating sa parking, sinakay agad nila si Aries sa backseat ng kotse kasama si Ella.

Sa passenger naman ako sa tabi ni Yuri na syang driver. Agad nyang pina-andar ang makina ng sasakyan. Panay ang iyak ni Ella habang pilit kinakausap si Aries.

Pati ako parang malapit na ring maiyak dahil sa itsura ng kapatid ko. Malalim ang bawat paghinga, puro dugo, sugat at pasa. Oo magkagalit kami pero hindi ko naman itatanggi na nag-aalala pa rin ako.

"Aries! Malapit na tayo sa ospital!" Umiiyak na sabi ni Ella.

"Hold on Dude! Malapit na tayo!" Sabi ni Yuri at napatingin ako sa kanya.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon