Chapter 2 - It's Not A Dream

22K 827 57
                                    

"Babe? Huy babe."

Mahinang pukaw sa akin ni Lexa. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Sh/t! Nakatulog pala ako.. sa simbahan. Agad kong inayos ang pagkakaupo ko at napahilamos.

"Napuyat ka ba kagabi?" Inis na sambit ni Lexa. Yumuko lang ako habang may sinasabi pa siya. Napatahimik nalang ako dahil langya lalaki pa din ako. Hindi nga ito panaginip.

I'm not really sure what exactly happened and what sorcery is this but I'm not enjoying it. Akala ko sa movie lang nangayayari 'tong ganito. Ughh, sumasakit na tuloy ulo ko sa kakaisip.

"Ano ba Finn?? Kanina pa ka ah! Ano ba nangyayari sayo?? 'Pag ako napuno iiwan kita dito!" Napasigaw na si Lexa na humarap sa akin. Halatang inis na inis na siya. Buti nalang wala masyadong tao sa parking area.

"I'm sorry. Kahit ako hindi ko alam ang nangyayari sa akin. At kahit naman siguro sabihin ko sayo hindi mo din maiintindihan."

"Ipaintindi mo sa akin. I will try my best to understand. Wag yung andito ka nga pero yung utak mo kahit saan saan na napapadpad." Frustrated niyang sabi sa akin. Nakatayo pa din kami sa labas ng kotse.

"I'm a girl, okay?! Babae ako. I don't know how I fvcking came to this body. Hindi ako ang boyfriend mo. Yung kaluluwa ko andito sa katawan ng lalaking 'to. Babae talaga ako. Alam kong mahirap paniwalaan pero yun talaga ang totoo eh." Frustrated ko ding sagot. Nahihirapan pa akong mag explain dahil ang hirap talaga ng sitwasyon na 'to. Hindi kapani-paniwala.

Napakunot ang noo niyang nakatingin lang sa akin at umatras ng bahagya, trying to examine me from head to foot. Then all of a sudden she laughed. "Nababaliw ka na. Sumakay ka na nga lang! Ikain nalang natin 'to." Tsaka siya naunang pumasok ng kotse. Pumasok na rin ako.

"I'm saying the truth here, it's up to you." Sabi ko sabay fasten ng seat belt.

"You know what, if you're gay just tell me straightly. Wag yung paligoy ligoy ka pa. Hindi tatalab sakin yung story mo." Nakaharap lang siya sa akin waiting for my response.

"I'm not gay, Lexa. But the truth is, I'm not who you thought I am. Hindi nga ako itong nasa katawan, and your boyfriend? I don't know where he is now but I'm telling you, babae ako at hindi ako ang boyfriend mo." Pagdadahilan ko.

"So you're gay?" Tanong niya.

"For god's sake I am not, okay?" Grabe nakaka-frustrate talaga ang magpaliwanag. "Alam kong mahirap 'tong paniwalaan pero yun talaga ang totoo eh, hindi ako nagsisinungaling."

"Oh my god. Ba't di ko agad na gets 'to?" She said looking at me furiously.

Thanked God, mukhang gets na ng babaeng 'to na hindi talaga ang boyfriend niya sa katawang 'to.

Napaharap siya habang nagsasalita. "All along I thought you love me." At lumingon sa akin. "Why can't you say directly to my face that you want to break up with me? Is that it huh?"

I released a heavy sigh. GOSH. "Lexa, I am not breaking up with you. I'm not in the right position to do so. Kalma, okay? I don't want to meddle in your relationship and most specially I don't want to be the cause of the break up. The truth is, hindi ako si Finn or si babe mo. Babae ako sa totoong buhay, it's like my soul has been placed in this body for a reason I don't know."

"Gutom lang yan." Patay niyang sagot at inistart ang makina ng sasakyan. And me? Napa-shut up nalang. Left me hanging right there.

Walang imik kami habang nagba-byahe. Pagpasok namin ng restaurant agad siyang umorder ng mga pagkain.

"I ordered your favorites. Para kumain ka ng marami at bumalik ka na sa katinuan. Honestly finn, are you high on drugs?"

"Of course not!" Definitely not. I have never use that substance in my life.

"Good! Let's eat."

Gutom na rin ako kaya hinayaan ko nalang at kumain. At least when I'm full I'll still talk to her on the same manner and reasons. By then baka matanggap na niya. Baka matulungan niya pa akong bumalik sa orihinal kong katawan. This is so funny, I won't get over this.

Habang kumakain may komosyon na nangyayari sa katabi naming table. Napalingon kami pareho at mukhang may nacho-choke. Tiningnan ko ng maigi pero parang hindi eh, more like inaatake sa puso?

"Tulong, tulong!"

Hindi ko na namalayan at si Lexa ay tumakbo na pala sa katabi. Ako napatungaga lang na tinitingnan silang nagkakagulo. Honestly, I don't know what to do.

"Babe tumawag ka ng ambulansiya, dali!" Sigaw na utos sa akin ni Lexa habang tinutulungan niya yung inaatake sa puso.

Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang emergency hotline number. Matapos kong tawagan ang emergency, nakatayo lang ako sa gilid. Actually, takot na takot ako. Nag flashback sa akin ang nangyari sa Papa ko years ago, he died because of heart attack. Nanginginig din ako sa takot.

In that scene, nakita ko si Lexa nag c-CPR. Everything went blur dahil may malaking trauma ako sa ganitong scene. I lost my father without doing anything to help him and I don't want to see another person die in front of me again.

"Babe! Hawakan mo 'to dali!" Bumalik ako sa kasalukuyan at pinuntahan si Lexa. May pinahawak siya sa akin while she's doing the CPR. Yung katabi kong dalawang babae humahagulgol na sa pag iyak. Nanlalamig din ako sa nangyayari.

While looking at Lexa, hindi ko alam kung ano at bakit ko nararamdaman 'to. But I was just closely staring at her while she's doing the best she can to revive the person. Hindi ko alam kung bakit biglang nag stop nalang ganun ang paningin ko sa kanya at hindi ko na namalayan ang mga taong nakapalibot.

"Papa! Papa!" Napatingin ako sa likod at sa may gilid. Bumalik na pala ako sa realidad, naging maingay at mainit.

Sa harap ko bumalik na sa conscious state ang taong inatake kanina leaving Lexa to relax on the side, smiling. Kahit ako nahawa sa ngiti niya. This girl just saved a person from dying. And this guy where I'm at is a one hell of a lucky guy.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon