Chapter 37 - Walang Forever

13K 550 27
                                    

Clarke


ANG pag-uusap na nangyari kaninang umaga ay napaka mind boggling at the same time a relief that I finally know now the answer to all my questions and dreams. Mahirap man paniwalaan lahat pero dahil ang tadhana na mismo ang nag presenta at ang mga documento na mismo ang nagpatunay na ito ay nangyayari sa totoong buhay.

Masinsinan naming pinag usapan ni Lexa ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko yun kay Lexa, na may nangyari pala sa kanila nung nasa katawan pa ako ni Finn, na ikinabubuntis niya. Pero humingi ako ng sincerong pasensya.

"Naguguluhan lang ako Clarke kasi diba may nangyari nga sa amin physically ni Finn. Pero kasi alam ko din emotionally ikaw yun, diba?" Tanong niya.

Parang na caught off guard ako sa tanong ni Lexa pero may point din siya. "I think, it's not about who is responsible but it's more like who is there filling the responsibility." Lumunok ako ng laway at tiningnan siya mata sa mata tsaka hinawakan ang kamay niya. "And for this, I am willing to take up the role."

Ngumiti si Lexa sa akin, may butil ng luha sa kanyang mga mata. "We're partners, right? And partners support each other for as long as they can, even if it's forever." Dagdag ko.

Napangisi siya sa sinabi ko sabay wasak ng moment. "Walang forever, Clarke."

Magsasalita pa sana ako pero tinakpan ng hintuturo niya ang labi ko. "Shh. Walang forever, pero tayo? Meron." Boom. Natamaan ako bigla sa pasabog niya. Hiyang hiya tuloy ako at tinakpan ko nalang ang mukha ko sa sobrang kilig.

"Gutom ka na ba? Ipagluluto kita." Sabi ko kay Lexa pag iba ng usapan, malulunod na kasi mukha ko sa kapulahan at kilig. Buti nalang at tumango lang siya.

Matapos naming mag usap ay parang pagod siya. O hindi kaya iniisip pa din niya kung sino talaga ang tunay na Ama ng bata. Naiintindihan ko naman na magulo talaga ang pangyayari at lalo na mahirap paniwalaan lahat. Kaya naman hindi ko na siya masyado pinush i-topic yun dahil baka mas lalo pa siyang ma stress.

As for me, I'll stick to what I've said. I will stand the Father to Lexa's child. Andami dami kayang batang walang Ama o Ina sa mundo dahil hindi sila pinagutan ng parents nila. Andaming single mom/dad dahil tinalikuran sila ng partner nila. Lalong lalo na andaming nag pa abort dahil takot sa responsibilidad. My point is, wala sa kung sino ang may karapatan yun, kundi kung sino talaga ang gumanap na Ama at Ina sa bata. Dahil para sa akin, yun ang pinaka importante. Ang ipa feel mo sa anak mo na kahit anong mangyari, iiwan ka man ng lahat, pero never ang Nanay o Tatay mo.

Knowing your real Father or Mother maybe important but knowing who really stood the whole time along with you is much more important.

•••

After namin kumain ni Lexa ay nag aya ako sa kanya na samahan ako.

"Good afternoon po, Doc. Mau." Bati ko sa Doctor ko. Medyo matagal tagal na din since the last time I was here.

"Good afternoon, Clarke. How are you?" Tanong ni Doc.

"I'm feeling better than before, Doc." Sagot ko sa kanya.

"Oh? Dahil ba ito sa kasama mo ngayon?" Turo niya kay Lexa. Muntik ko ng makalimutan na andito pala si Lexa sa tabi ko.

"Ay, oo nga pala Doc. Si Lexa nga pala. Siya yung tinutukoy ko dati kung naalala mo pa."

"Hello po." Bati ni Lexa. Ngumiti lang din si Doc. Mau sa bati niya.

"Of course, I do Clarke. Mukhang alam ko na kung bakit ka feeling better na." Pagtutukso pa ni Doc. "So case closed na ba ito?" Sabay tawa niya ng marahan.

"Parang ganun na nga po Doc. Sinunod ko kasi yung advised mo sa akin dati na gumawa ng journal at isulat ko ang mga panaginip ko. And I think I kind of know the answer to all my questions na nakapagbagabag ng aking isip dati through that journal po and the help of Lexa."

"Yes, that's good. I'm happy you've finally get the answers you've been looking for." Dagdag niya.

"Pero may tanong sana ako Doc."

"Yes?"

"Do you believe in Astral Projection? Or yung body switch?" Tanong ko.

Napaatras siya ng bahagya sa kinauupuan niya at nag iisip ng mabuti. "Uhmm. I think mostly call it out of body experience or travel. Before, I don't believe it. I think for me it was just some sort of illusion. However, may mga neuroscientists and researcher kasi na tinatry nilang iprove na hindi iyun illusion. And they even have a better explaination about it. Which left me to believe that it might be true. Bakit Clarke, do you have an out of body experience?"

Lumagok muna ako ng tubig. "I know Doc na mahirap man paniwalaan pero I think I did experience it."

"Can you tell me more about it, Clarke?"

Nagsimula akong magshare ni Doc tungkol sa experience ko nito during and after my accident. Pero hindi masyado lahat dahil may mga pangyayaring mas gugustuhin ko pang ikeep privately.

Tumango lang si Doc matapos akong magshare sa kanya. "Well, OBE or out-of-body experience may occur during near death experiences or what they call light at the end of the tunnel. A great example of this is Pam Reynolds. I'm not sure if alam mo na 'to but he was diagnosed of brain tumor and he undergone a surgery. But after the surgery, Reynolds was able to describe in detailed how the surgey goes and how the Doctors do it. And he doesn't even have any background about surgeries. So with that, like I said, it can happen."

"Salamat po, Doc. That's all I want to know."

"Your welcome, Clarke. Now, can you promise me that you'll stay fine and if not, can you visit me again here?" Sabi ni Doc. Kahit kailan ang bait niya talaga at napakagaling na Doctor na nakilala ko.

•••

"Oh? Dinig mo ang sabi ng Doctor sayo kanina, dapat daw you'll stay fine." Sabi sa akin ni Lexa habang nasa taxi kami ngayon on our way to Lexa's apartment. May kukunin daw siyang gamit.

"Oo naman. Lalong lalo na ngayon na andito ka na." Sabi ko sa kanya.

"Naks." Hindi maitatanggi na kinilig kaming dalawa. Kaya naman nag galawang hokage ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Holding hands huh?" Dagdag niya.

Ngumiti lang ako. "Remember mo yung nasa van tayo? Nung ininvite kita na sumama sa mga friends ko para hindi ako third wheel? I remembered back then we were just pretending to be lovers. Pero look at what we are now? Pretending no more."

Umabot kami ng apartment niya na mag ka holding hands pa din at may ngiti sa aming mga labi. Pero bago paman kami makaabot sa pinto ng apartment ay may biglang tumawag.

"Lexa!!"

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon