Chapter 22 - Sinigang na Hipon

16.6K 770 232
                                    

LUMIPAS ang dalawang araw at tanging okay, yup, good morning at good night lang ang nakukuha kong reply sa kanya. Hindi pa din kami nagkikita matapos nung nanuod kami ng sine. Sobrang naging busy kasi ako sa Sunday dahil family day at Monday na tinuloy ko pa ang pending tasks ko nung Friday.

Me: Good morning, Lexa! Kumain ka na ba?
Her: Yup. Good morning too.

Me: Uy, pansin ko parang hindi ka okay.
Her: Bakit mo naman nasabi?

Me: Kasi matatamlay yung mga reply mo.
Her: Ahh.

Me: Okay ka lang ba?
Her: Oo.

Me: Sure ka?

Past 11AM na at pag check ko ng phone wala pa din reply galing kay Lexa. Siguro nga hindi siya okay o baka naman nagalit siya sa akin nung nakatulog ako sa sine.

"Kel, sa labas na muna ako kakain. Magkikita kasi kami ng kaibigan ko. Paminsan minsan lang mag aya yun." Pagdadahilan ko sa ka close ko sa office na si Kelly. Baka kasi mag tampo sa akin. Most of the time siya kasama ko sa lunch break.

"Talaga? Sige. Sasama nalang ako kay Maddie." Sagot niya. Buti nalang naintindihan niya agad. Mahirap na lalo na kung dalawang tao ang magtatampo sa akin.

"Thanks, balik ako agad."

Nagmadali akong lumabas ng office at sumakay ng taxi. Bumaba ako sa YellowCab at bumili ng pistachio ice cream. Naglakad ako matapos kong mabili ang pakay ko. Malapit lang kasi ang destinasyon ko.

Habang naglalakad ay tinawagan ko agad ang taong gusto kong makita, si Lexa.

"Hello." Parang wala sa mood niyang boses.

"Hi. Ano, uhmmm. Labas ka."

"Anong labas?"

"Nasa labas ako."

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Basta, dali." Pasensiya na Lexa kung napaka bossy ko ngayon.

Ilang minutong paghihintay ay nakita ko na siya. Naging slow mo tuloy ang paglalakad niya papunta sa akin. Nagsuot siya ng puting uniporme at nag compliment talaga ang suot niya sa liwanag ng araw. Mukha tuloy siyang anghel na naglalakad papunta sa akin tila susunduin ako papuntang langit, dios ko 'wag naman po, bata pa ako.

Kitang kita ko sa reaksyon niya na gusto niyang matawa pero nag pupumigil siyang tumawa kaya nagkagat nalang siya ng labi dahilan para mapatigil saglit ang paghinga ko.

Naku, Lexa. 'Wag kang ganyan.

"Bakit ka naparito, Clarke?"

"Lunch break ko ngayon." Sabi ko habang yung dalawang kamay ko nakatago lang sa likod ko hawak hawak ang malamig na ice cream.

"Oo, alam ko. Pero bakit ka andito?"

"Tara, kain tayo!" Agad kong binitawan ang isang kamay ko sa pagkakahawak ng dala ko at hinablot ng bihira ang isang kamay niya.

Napatingin lang siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Bakit ang lamig?" Sabi niya.

Hiyang hiya ako sa ginawa ko. Sa sobrang hiya nagpakita lang ako ng napaka plastic na ngiti at dahan dahan siyang binitawan. "He he, oo nga noh." Tanging sagot ko.

"Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya sabay hawak sa magkabilang braso ko. Parang nagsitayuan tuloy ang mga balahibo sa braso ko sa haplos niya.

"Okay lang ako, promise. Tara na?"

"Sorry, Clarke. Tapos na kasi yung scheduled break ko eh." Malungkot na sabi nito. Kahit ako nalungkot din.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon