Chapter 4 - Girls Rest Room

19.2K 756 34
                                    

NAWINDANG ako sa mga nabasa kong resulta sa Google. Sabi nila 'wag masiyadong mag papaniwala sa nababasa online pero hindi talaga maalis sa isip ko. Ano ba kasi nangyari at bakit ako napunta sa katawang 'to. Ang nakakainis kasi wala talaga akong maalala. Sure naman akong hindi ko talaga pagmamay-ari 'tong katawan dahil babae talaga ako.

This is just so hard!

Ihing ihi na ako sa kakaisip kaya tumungo ako sa CR at pumasok sa girls rest room. Unang ginawa ko syempre nag unzip ng pants at hinubad halfway tsaka umupo. Pag-upo ko biglang may parang bumagsak sa baba.

Oh my, yucky! Yun na ba yung tinatawag nilang ari at itlog ng lalaki?! Ano ba 'to! Mukhang mali ata 'tong ginagawa ko leche naman oh.

Tumayo ako para umihi at pilit na hinahawakan ang saging. Let's say saging nalang para hindi malaswa. Mga ilang minuto din ako dun at paglabas ko isang babaeng hindi makapaniwala na reaksyon ang bumungad sa akin. Anong meron? I politely got out of the rest room pero sinundan lang niya ako ng tingin.

"Excuse me, you're in the wrong CR."

Napalingon ako sa kanya at agad tumingin sa pinto. Shet! Lalaki pala ako, dapat pala sa pang-lalaking CR ako pumasok, kahiya tuloy.

"Sorry." Sabi ko.

Umalis ako ng cafe sa kahihiyan at bumalik ulit sa bahay. Maghihintay ako kung kailan babalik yung tunay kong katawan at baka masosolusyonan ko na ang problema ko.

...

Nagising ako dahil sa cellphone kong kanina pa ata may tumatawag. Tiningnan ko kung sino gamit ang isang bukas na mata lang.

Babe Lexa ♥️

Calling...

"Sinong Lexa ba 'to?" Wala naman ako kakilalang Lexa at babe pa talaga huh? Nanaginip lang ata ako kaya pumikit ako ulit. Pero distorbo talaga dahil nagri-ring na naman.

Walang gana ko itong sinagot. "Hello. Sino 'to?" Medyo bedroom voice pa ko.

"Asan ka ba? Sabi mo saglit ka lang aalis? Anong oras na? Tsaka saan ka ba ngayon? Bakit parang kagagaling mo lang matulog? Saan ka natulog?"

Andami niyang tanong tuluyan para magising talaga ako ng lubusan. Agad akong napaupo sa kama at kinapkap ang katawan ko. Waaa lalaki pa din ako! At hindi yun panaginip.

"Ano ba? Sagutin mo ko." Dugtong na tanong niya sa kabilang linya.

"Andito ako sa bahay ko natutulog." Sagot ko.

"Anong oras ka ba uuwi?" Tiningnan ko relo ko at 7:13 PM na pala.

"Teka lang, kailangan ba talaga diyan ako uuwi at matulog?" Takang tanong ko. Ano ba kami, live in?

"Nakalimutan mo na naman ba? Hindi ka masyado umuuwi sa inyo dahil ayaw mo diyan nag sti-stay!"

Ang clingy ng babaeng 'to. "Dito na muna ako ngayon, bukas na ako babalik diyan." Sabi ko.

"Bahala ka."

Yun lang nakuha kong sagot at binaba na niya ang tawag. Mabuti nalang at gumaan ang aking pakiramdam. Atleast hindi ako magugulo, kapag andiyan kasi siya hindi ako makakapag-concentrate.

Umabot na ng 1:00 AM at hindi pa din dumadating ang katawan ko, asan na kaya yun? Tiningnan ko na halos ano pwedeng tingnan sa apartment at lahat ng social media accounts ko pero wala talaga akong madiskubre, parang ilang days hindi ko ginamit ang social media accounts ko. Nakakapagtaka naman. Maliban lang sa nakita kong invitation letter na nasa desk ko dated 2 days ago but I don't remember going there. Kaya natulog nalang ako ulit.

Kinabukasan as promised bumalik ako sa apartment ni Lexa. Ewan ko ba kung bakit bumalik pa ako, na aawkwardan kasi ako sa kanya, iba yung feeling ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Eh hindi ko naman katawan 'to kaya tuloy nalang ang pagpapanggap.

Tok tok tok.

Pagbukas ng pinto parang may kaluluwa na umalis sa katawan ko. Nabigla lang ako kay Lexa. Hindi ko alam pero bakit ang ganda niya? Kahit bagong gising. Tsaka halatang alagang alaga niya yung katawan niya, ang kinis kasi.

Omg wait, bakit ako nagiisip ng ganito? Erase erase erase! Babae ka Clarke, remember?

"Good morning." Bati ko.

Tiningnan lang niya ako at umalis na rin sa harapan ko. Anyare don? Dumiretso siya ng lakad pero ako pumunta ng kusina, nagugutom ako. Wala kasing pagkain sa apartment. Nagluto ako ng breakfast, yung prito prito lang like spam, egg and bacon tsaka rice.

"Nagluluto ka?"

Ang laking gulat ko sa kanya at muntikan akong mapaso ng hot water, lalagyan ko sana ng kape. "Ano ba yan, nagulat ako dun."

"Mas nakakagulat ka. Ngayon lang kita nakitang nagluto. Akala ko ba hindi ka marunong?" Sabi niya.

"Luhh siya, ang dali lang kaya mag prito ng pagkain."

"Ang alam ko kasi kahit prito hindi ka marunong."

"Umupo ka nalang at kumain." Aya ko. Ang dami pa kasing satsat eh. Ba't di nalang iappreciate?

Half way through eating, bigla siyang nagtanong. "Saan ka ba pumunta kahapon? Anong ginagawa mo?"

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Nagkita kami ng kaibigan ko tsaka umuwi ako ng bahay, natulog lang."

"Sinong kaibigan ang ka meet mo?"

'Tong babaeng to ang daming tanong. "You don't have to know. Wala naman akong ginagawang masama."

"Si Jason ba?"

"Oo." Kahit hindi ko kilala oo nalang bahala na. Buti nalang at tumahimik lang siya hanggang sa matapos kaming kumain.

Niligpit ko yung mga plato at ilalagay sana sa sink para hugasan ng biglang hinawakan niya kamay ko dahilan para matigilan ako. At sa hindi maipaliwanag na pangyayari napatingin lang ako sa kamay namin.

"Akin na, ako na maghuhugas."

What the hell just happened? Ano yun?

Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Akin na." Ulit niya pa.

Binitawan ko nalang yung plato sa kanya at hindi na nakapagsalita. Sabi ko na nga ba nakaka-awkward talaga siya.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon