Chapter 31 - Trip

18.4K 877 168
                                    

"Uhmm."

Tahimik lang akong naghihintay sa sasabihin niya.

"Gusto mong sumama sa akin?" Tanong niya.

"Saan?"

"Sa Tagaytay. Mga kasama ko sa work nagpa-plano sila mag relax this weekend. Overnight lang. Kanya kanya kasing dala ng partner. Eh ako wala naman partner, naisip ko baka gusto mo?"

"Maging partner mo?"

Pansin kong lumaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Pero nagbaling din ng tingin saglit sa baba tsaka tumingin ulit sa akin. "Ye-yes?"

Actually natatawa ako sa usapang 'to. Mukhang hindi naman 'ata alam ni Clarke pinagsasabi niya pero ang cute lang tingnan.

"Oo naman." Sabay kong ngisi.

"Nayswan! Salamat. Buti nalang hindi ako third wheeler niyan."

Napangiti nalang ako sa reaksyon niya dahil biglang umiba ang mood nito.

•••

"Okay ka na? Wala ka ng naiwan?" Tanong ni Clarke sa akin. Kakalabas lang namin ng bahay at saktong naghihintay na din ang sasakyan namin papunta sa destinasyon.

Tumango lang ako at hinawakan ni Clarke ang pulso ko, naglalakad kami papuntang sasakyan. Binuksan naman agad ang pinto at bumungad ang mga taong nasa loob nito.

"Hi Clarke! Good morning!" Sabi ng kasama niya. Ang sigla, halatang excited lahat.

"Si Lexa nga pala, kasama ko sa bahay. Partner ko ngayon para hindi ako third wheeling."

Tumawa sila lahat at binati ako. Ganun din ang ginawa ko. Halata namang friendly ang lahat at game na game.

Pumasok kami ng sasakyan at sa likod ng driver seat kami naupo. Mukhang sadyang binakante ito ni Clarke para sa akin.

Medyo maingay sa loob dahil kabi-kabila ang usapan at tawanan. Mga apat na pares siguro ang nasa loob nito. Habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana ay kinalabit ako ni Clarke at humarap naman ako.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman, ikaw ba?" Pabalik ko ding tanong.

"Syempre! Diba sabi ko sayo kung ako lang mag isa kawawa talaga ako. Tingnan mo oh." Sabay lingon niya sa magkabilang gilid. "Lahat sila may partner."

Napangiti ako. "Oo nga eh. Wag kang magalala partner mo'ko ngayon." Sabay hawak ko sa kamay niya. Napatingin siya agad sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya at nag balik ng tingin sa akin. Mga ilang segundo din kaming nagkatitigan at ngumiti siya.

"Kaya nga gusto kita eh, lage mo akong sinasalba." Sabi niya with a playful smirk. Wow? Parang nag iba ata si Clarke ngayon.

Ako naman si palaban. "Sige, since mag partner naman tayo, gagawin natin ang ginagawa ng mag partner." Sabi ko at nag smirk pabalik.

Nagulat siya dun at ngumisi. "Sige ba!" Sabay hawak niya sa kamay ko. Yung hawak na pang jowa.

Halip na matawa ako sa ginagawa naming kakalogan ay bigla naman akong nagulat sa ginawa niyang paghawak. Sure hindi na bago sa akin ang holding hands kahit sa babae dahil may mga matalik naman akonb kaibigan na nagagawa ko 'to. Pero bakit kay Clarke iba ang nararamdaman ko?

Buong biyahe ay magkahawak kami ng kamay. Medyo awkward na siya at the same time satisfying and comforting. Na miss ko yung ganito. Na kahit walang salita pero mararamdaman mo kung gaano ka ka-secured. Kaya nga habang ine-enjoy ko ang moment ay napansin ko namang tumawa ng mahina si Clarke. Napalingon tuloy ako sa kanya.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon