Chapter 28 - The Revelation

17.5K 773 123
                                    

BIRTHDAY ng Mama ko at naisipan kong umuwi sa amin kasama si Lexa. Pinakilala ko siya dahil na kwento ko naman sa pamilya ko na may panandalian akong kasama sa bahay.

"Te, penge naman ng load!" Request ng kapatid ko. Palagi nalang talaga siya nanghihingi ng load. Binibigyan ko naman kasi iba na ang load ngayon pwede na online gamit ang debit card o online banking.

"Salamat, 'te! Tara laro tayo ng ROS!"

Adik talaga 'tong babaeng 'to sa ROS pero kahit ako na aadik na din. Masaya kasi laruin ang RPG.

"Sige." Lumingon ako kay Lexa na katabi ko lang at busy sa pakikipag usap sa Mama ko. "Maglalaro muna ako ng ROS, okay ka lang diyan?" Sabi ko putol sa pag uusap nila. Tumango lang din siya at bumalik sa pakikipag usap sa Mama ko.

Buti nalang talaga at hindi masyadong mahiyain si Lexa at hindi naman ako mahihirapan na palagi siyang ientertain.

Pagkatapos naming maglaro, kumain ulit kami at dumating yung iba kong relatives dahilan para maiwanan ko muna si Lexa kasama kapatid ko at makipaghalubilo muna ako dahil matagal ko na silang hindi nakikita.

"Kumusta ka na, 'neng?" Yun kasi tawag nila sakin simula bata pa ako kaya na sanay na din ako dun.

"Okay naman po." Sagot ko.

"Buti nalang at nagising ka kagad. Natakot kami ng mabalitaan namin ang nangyari sayo at naka-coma ka pa nun." Halata ko ang pag-aalala nila para sa akin.

"Oo nga po eh. Pangalawang buhay ko na talaga 'to." Sabi ko.

"Pasalamat talaga tayo sa Poong Maykapal 'neng. Bihira lang ang chansa na mabuhay kapag naka coma."

Everyday tuwing nagigising ako naglalaan talaga ako ng oras para mag pasalamat sa Dios. Alam kong 2nd chance ko na 'to sa mundo at dapat mas pahahalagahan ko na ang buhay ko.

Matapos kami mag usap ng isa kong kamag-anak ay lumapit yung pinsan ko sa akin. Mga edad late 20's na.

"Clarke. Ano feeling ng naka coma?" Tanong niya. Hindi na bago sa akin ang tanong na 'to dahil halos lahat ng tao tinatanong ako nito.

"Yung feeling na natutulog ka lang talaga. Pero nung time naka coma ako may mga naririnig ako sa paligid. Pero alam kong tulog ako. May mga panaginip din ako na akala ko totoong nangyayari." Seryoso ko 'tong shinare sa kanya kasi yun din naman totoo.

"May nakita ka bang Dios?"

"Hmmm, wala naman."

"Kasi yung iba nakita daw nila ang Dios at yung langit. Tapos may mga anghel pa sa paligid." Kwento niya.

"Hindi ko alam eh. Wala naman akong natatandaan na ganung set up." As far as gusto ko naman ma experience yun eh wala talaga. Ang ganda kaya na makausap mo ang Dios at matanong mo kung ano talaga purpose mo dito sa lupa.

Sa gitna ng paguusap namin ng pinsan ko ay biglang may batang cute na sumingit at hinarap ako. "Ate Clarke, have you experienced astral projection?"

Siya si Jio ang cute na anak ng pinsan ko. "Baby, what are you talking about? Diba I told you to eat there with your Mom?" Awat ng pinsan ko sa cute niyang anak. Mga edad 8 years old na siguro. "Pag pasensyahan mo na 'tong pamangkin mo, kung ano ano kasi nakikita sa youtube eh."

"Okay lang."

Pero kahit bata pa si Jio, napakalawak ng kanyang imahenasyon. Biruin mo? May mga ganun siyang nalalaman. Yung sinabi niya nagmamarka na ng katanungan sa isipan ko. Ano nga ba ang astral projection? At dahil hindi na masyadong busy sa paligid at si Lexa busy pa sa pag ce-cellphone ay sinearch ko kung ano yun.

Base sa nababasa ko online, basically, isa itong ability ng kaluluwa natin na biglang iniiwan ang physical na katawan at lumipat sa iba. Tinatawag din itong out-of-body experience. May mga nagsasabi na may nakakaranas na nito. Sa mga ibang level na, na e-experience ito o nagaganap kapag tulog, high on drugs o under hypnosis. Kaya nga lang walang scientific proof kung paano imeasure ng body spirit ang iwan ang physical body at pumasok sa iba.

May isang paragraph akong nabasa na sa sobrang deep hindi ako mapakali dahil natamaan ako dito ng hindi ko alam.

"We are not the physical body, we do not have one life only, we also do not exist in one dimension only. Our existences and lives are multiple, and only a lucid out of body experience can show this reality to the individual directly. It is through a personal experience that one can truly understand what our lives really are as well as what the objective is for us to become human beings for a certain time period in each life."

Na-experience ko kaya 'to during coma?

"Okay ka lang?" Tanong ni Lexa. "Nakakunot na kasi noo mo eh."

Bumalik ako sa ulirat nung kinalabit niya ako. "Ay, okay lang. May binabasa lang ako."

Inimbitahan ko ulit si Lexa sa mesa para kumain ng desert. Kasama namin kumain yung kapatid ko si Carissa. At dahil kami lang naiwan dito, nakiki pagchikahan na ako.

"Nabusog ka ba, Lex?" Tanong ko sabay ngiti. "Nabusog ba si baby?" Tingin ko din sa tiyan niya.

Tumawa siya. "Ikaw talaga. Oo naman, sarap ng mga pagkain eh. Salamat nga pala sa pagdala sa akin dito."

"Ate, may baby ka?" Singit ni Carissa. Nakakainis din 'tong kapatid ko. Kita mo ng nagmo-moment pa kaming dalawa ni Lexa eh.

"Oo." Sagot ni Lexa na may ngiti sa mukha.

"Wow! Hindi halata, Ate!" Natuwa naman si Lexa at namumula pa ang pisnge sa sinabi ng kapatid ko.

"Salamat ah, nakakahiya tuloy."

"Ate for sure cute ang magiging baby mo. Maganda ka kasi. Gwapo din ba Papa ni baby?" Dagdag tanong nito, feeling close.

Siniko ko agad ang kapatid ko. Kung saan saan na kasi napupunta mga tanong niya. Tapos mukhang bugbog na si Lexa sa mga tanong na ganyan, makulitan pa sa kapatid ko.

"Medyo may hitsura naman." Sagot ni Lexa.

"Papakasal ka na, Ate?"

Hindi ko na napigilan at sumingit na ako sa usapan. "Uy, Carissa. Chismosa ka na ah."

"Okay lang, Clarke noh." Tumingin siya sa kapatid ko at sinagot ito. "Pero hindi pa ako magpapakasal."

"Ay, Ate Clarke, na kwento ko na ba sayo yung magnanakaw na pinasok apartment mo?" Biglang nag lihis ng tingin ang kapatid ko from Lexa to me.

"Oo, bakit?" Sagot ko.

"Gwapo siya."

"Huh? Loka ka." Nakakainis na talaga 'tong kapatid ko kung ano ano pinagsasabi. Pagdating talaga sa lalaki na gwapo tumitili, lakas maka korean.

"Totoo, gwapo! Hindi halata sa mukha na magnanakaw. Alam ko nga pangalan nun eh."

"Carissa, tama na noh. Nakakahiya sa Ate Lexa mo oh. Gwapo man o hindi, magnanakaw pa din, masama pa din yung ginawa niya."

"Ano ba pangalan niya, Car?" Singit na tanong ni Lexa.

"Finn ata yun? Finn Reyes?"

Finn. Finn na naman.

Napatingin ako kay Lexa na kanina'y puno ng ngiti pero ngayon hindi na maipinta ang mukha.

"Natatandaan mo pa ba mukha niya, Car?" Dugtong ni Lexa.

"Oo, Ate."

Tumigil sa pagkain si Lexa at kinuha ang phone niya tapos may pinakita sa kapatid ko.

"Siya ba?"

Nagulat ang kapatid ko at kinompirma ang nakita. "Oo, siya nga yun Ate! Magkakilala kayo?"

Isang napakalaking rebelasyon.

"Sure ka, Car?" Tanong ko.

Sabay kaming natahimik kami ni Lexa matapos ang usapang yun. Ang lalim ng iniisip niya. Kahit anong gawin ko 100% sure ang kapatid ko na si Finn at ang magnanakaw sa apartment ko ay iisa.

•••

Lexa's POV next.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon