Chapter 14 - It's Time

16.6K 659 69
                                    


NAGLALAKAD ako sa isang napakahabang kalsada. Walang tao, hayop, bahay o mga sasakyan. Nagtataka ako kung bakit ang tahimik ng lugar. Lingon dito, lingon doon. Kahit saan ako nakatingin wala akong ibang makita kundi ang mga kahoy sa paligid na wala ng dahon ang mga sanga. Halos dalawang kulay lang ang nakikita ko, kayumanggi at kulay abo.

Sa tingin ko, mahaba na ang nilakad ko pero walang pinatutunguhan. Parang paikot ikot lang ako. Ngunit kahit matagal na akong naglalakad, hindi ako napapagod. Ni hindi nga ako nauuhaw o nagugutom.

Nasaan ba ako?

Naisip ko sapagkat pabalik balik lang ako ng nilakad subukan ko kayang pumasok sa gubat. Kumiwalas ako agad sa nakagawiang landas at nagtungo sa madilim na parte ng kagubatan. Nakakatakot ang naging decisyon ko dahil pagkapasok ko pa lang sa gubat, paglingon ko sa likod, nawala agad ang daanan. Naging gubat na lahat ang nakikita ko at wala ng bakas ng dinaanan ko kanina. Pakiramdam ko nawawala na ako o pinaglalaruan na ng tadhana. Agad kong hinubad ang suot kong t-shirt dahil sabi nila kapag nawawala ka, hubarin lang ang suot na panibabaw.

Matapos kong hubarin ang t-shirt at binaliktad ang pagsuot nito, bumungad sa akin ang dagat. Napakaaliwalas nito. Kagaya kanina, wala pa din akong nakikitang tao o naririnig na ingay. Lingon dito lingon doon. Dagat lang ang nakapalibot sa akin at isang maliit lang na buhangin ang aking pinatungan.

Bakit ganito?

Biglang may malakas na kidlat at lubos na takot ang aking nararamdaman. Kasunod nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Basang basa ako at unti unti kong napapansin na ang tubig ay umaapaw na sa buhangin na pinatungan ko kanina.

Malulunod ako nito.

Agad akong lumangoy patungo sa dagat palayo sa kinatatayuan ko at kitang kita ng mga mata ko na unti unti ng nawawala ang buhangin at walang katapusang dagat na ang aking nakikita.

Mamamatay na ako.

Kaba at awa sa sarili ang aking nararamdaman. Ito na talaga ang aking katapusan. Pero mawawalan na sana ako ng pag-asa ng biglang may sumigaw sa 'di kalayuan.

"Clarke! Clarke!"

Boses ni Mama. Lumangoy ako patungo sa kung saan sa tingin ko andun ang tumatawag sa akin. At hindi nga ako nagkakamali, si Mama nga yun. Nakatayo siya at nakatapak sa isang malapad na buhangin. Nagkaroon ako ng lakas at nagmadali akong lumangoy. Wala akong kapaguran na nararamdaman. Nang makarating ay agad akong naglakad patungo sa Ina ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mama!"

"Clarke."

Tumulo ang luha ko matapos ko siyang yakapin. Pakiramdam ko ang tagal ko na siyang hindi nakita, nayakap at nakausap dahilan para ma-miss ko siya ng ganito. Ang sarap sarap sa pakiramdam na yakapin ang iyong Ina at yakapin ka din nito ng mahigpit.

"Mama, buti nalang andito ka." Sabi ko na humihikbi na.

"Andito lang ako anak. Kapit ka lang."

Pinunasan ko ang aking mga luha at dahan dahan na bumitiw sa pagkakayakap. Ngunit pag harap ko sa kanya mukha ni Lexa ang nakaharap ko. Umiiyak at nagmamakaawa.

"Clarke, 'wag mo akong iiwan."

Kalungkutan ang nakikita ko sa kanya.

"Lexa, bakit?" Takang tanong ko. "Hindi kita iiwan." Sabi ko.

Bigla siyang tumalikod at tumakbo patungo sa isang napakaputing paligid sa harap ko. Sumisinag ang kaputian nito dahilan para mapatakip ako ng bahagya sa mga mata ko.

"Lexa, asan ka!" Sigaw ko.

Walang ano ano'y tumakbo ako kung saan papunta si Lexa. Para akong sumabak sa kawalan. Sa sobrang puti ng paligid bigla akong nawalan ng hangin at napaluhod ako dahil hinihingal na ako at feeling ko.

.. feeling ko. Mahihimatay na ako.

•••

Nagising ako sa isang tunog sa paligid ko. Hindi ako sigurado kaya unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Unang tingin ko sa harap, isang napakalabong lugar. Pinikit ko ulit ang mga mata ko at dahan dahan itong ibinuka. Naging malinaw sa akin na ang harap ko ay isang maliit na TV. Napatingin ako sa magkaisang gilid at ang tumutunog pala ay galing sa isang machine.

"Na-sun ak?" Mahina kong sambit pero hindi na ako halos marunong magsalita. Medyo garalgal pa ang boses ko. Ako lang ata ang nakakarinig sa sinabi ko.

"Anak?! Clarke?!" Biglang tayo ni Mama sa kinauupuan niya at nilapitan ako. "Anak gising ka na! Dios ko po salamat! Teka lang, tawagin ko muna ang nurse." Umalis si Mama at naiwan pa din akong nagtataka.

Anong nangyari?

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko kaya ang mga daliri ng kamay ko nalang muna ang dahan dahan kong pinagalaw.

"Anak, kumusta pakiramdam mo?" Tanong ni Mama ng makabalik na kasama ang dalawang nurse at isang doctor. Ngayon ko lang napansin na nasa hospital pala ako.

Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil ang dami ko ng nararamdaman. Masakit ang buong katawan ko na para bang binugbog ako ng todo. Nauuhaw, nagugutom at kung anong klase pang pakiramdam.

"Angya-ri su-kin, Ma?" Tanong ko while trying my very best to talk. Dahil sa totoo lang wala akong maalala ni hindi ko na ata alam paano magsalita.

Hinawakan lang niya ang kamay ko at hinimas ang buhok ko. "Tsaka ko na sagutin yan, ang mahalaga gising ka na." Ngumiti siya at halata sa mukha niya ang pagkagalak.

Pansin kong busy na ang mga nurse sa akin. Check doon at check dito. Marami din tinatanong ang doctor.

"I-lan o-ras tu-log?" Tanong ko ulit kay Mama ng makalabas na ang doctor at mga nurses.

"Halos isang linggo, anak."

Isang linggo?! Sumakit tuloy ulo ko.

•••

MATAPOS ng isang linggo simula ng magising ako ay sa wakas nakalabas na din ako ng hospital. It has been almost three weeks na namalagi ako doon. Pilit din ni Mama at kapatid ko na ipaalala ang nangyare sa akin. Turned out that I had a near-fatal car accident. Nakasakay daw ako sa isang taxi at yung taxi driver was beating a red light. Hindi na niya namalayan na may humarurot na sasakyan sa gilid at binangga kami. Sabi nila okay na daw ang taxi driver at nakalabas na ng hospital after a week pero iniimbestiga pa din nila Mama dahil galit na galit sila doon sa pagka-reckless.

Ako naman walang maalala sa mga time na yun. Ang tanging naalala ko lang is the day before that happened. Wala naman major thing nun dahil nagtatrabaho lang ako. Sa totoo lang ayoko muna alalahanin ang nangyare kasi sa tuwing pilit kong iremember sumasakit ang ulo ko.

"Ate. Alam mo bang may magnanakaw na pumasok sa apartment mo last two weeks ago." Sabi ng kapatid ko habang kumakain kami. For the mean time dito na muna ako nakatira sa bahay nila Mama. Medyo malayo sa work place ko pero okay lang kasi nagpapagaling pa ako.

"Oh?" Reaksyon ko habang kumakain. "Tapos?" Dugtong ko.

"Pumunta ako sa apartment mo nun para pakainin si Sprite bago iuwi dito sa bahay pero nagulat ako ng biglang may lalaking lumabas galing sa kwarto mo at ang nakakapagtaka kilala niya ako."

"Huh? Kilala ka niya?"

"Oo, Ate!"

"Tapos?" Natigil ako sa pagkain at nakinig nalang. Medyo na curious ako dito.

"Tapos sabi pa niya si Clarke daw siya. Parang may sira ata yun sa ulo. Pero wala naman nawala sa apartment mo, ewan ko dun. Sayang gwapo pa naman din."

Pa simple pa talaga 'tong kapatid ko. May pa comment pa na gwapo ang magnanakaw. Hindi ko na ininda pa dahil wala naman nanakaw pero paano siya nakapasok?






A/N:
Okay, relax lang tayo ha. Alam kong madami kayong tanong. Hehe :)

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon