Chapter 5 - That Kiss

20.2K 737 48
                                    

THE night is about to end and here I am locking myself up in the rest room past 30 minutes already. I just can't focus in processing what is happening.

Bakit ako?

Hindi naman ako masamang tao para parusahan ng ganito. Sa pagkakaalam ko masunurin akong anak, mabait akong kaibigan at lalong lalo na maaasahan ako sa trabaho. I just couldn't believe this is happening to me. Sa movie ko lang nakikita 'tong ganitong pangyayari. I didn't even thought this will ever happen! It's too far from reality.

Pero eto ako ngayon, nasa katawan ng isang lalaki na hindi ko kilala, not even the surrounding and the people this guy is with. How am I suppose to figure this out?

"Babe! Inaantok na ako, bilisan mo naman diyan."

Isa pa 'tong babaeng 'to.

"Wait lang!" Sigaw ko. Nagpatuloy ako sa paghagod sa katawan ko. Ni hindi ko nga alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Kung sa katawang babae ang dali lang kasi malambot eh sa katawang lalaki medyo matigas. May nakasabit pa sa baba ko ni hindi ko alam paano linisin. Nakahawak na ako ng ganito sa lalaki at sa first boyfriend ko yun kaya lang nag promise ako nun na hindi na uulit. Ewan ko ba pero hindi ko kasi feel.

"Babe! Ano ba kasi ginagawa mo?!"

Ugh. Nakaka-pressure pa 'tong isang 'to. Bahala ka nga diyan.

Pagkatapos kong mag toothbrush at mag half bath ay lumabas na ako. Isang babaeng nakasimangot ang sumalubong sa akin paglabas ko.

"Ang tagal mo." Tsaka ako nilampasan at malakas na sinara ang pinto.

Pumunta ako sa kabinet at naghanap ng masusuot. Actually konti lang ang nakikita kong gamit ng lalaki dito so that left me thinking na hindi talaga sila totally live in, dito lang siguro natutulog paminsan minsan.

Nagsuot ako ng brief tsaka boxers tapos t-shirt. Not sure kung tama ba 'tong ginagawa ko. Yung babae naman kasi kapag susuot ng boxer syempre mag pa-panty din kaya ganun din siguro sa lalaki, whatever. Humiga nalang ako pagkatapos at nag cellphone. Pagbukas ko nito mga pictures naming dalawa ni Lexa kanina sa mall ang nakikita ko. Naalala ko tuloy.

-=flashback=-

"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ni Lexa sa akin habang nakaupo lang ako sa sofa.

Honestly, WALA AKONG ALAM. Wala akong idea saan ako nagta-trabaho at kung ano ang trabaho ko. Heck, pati na din bahay ko hindi ko alam o pamilya ko. In short, si Lexa lang ang meron ako ngayon.

"Uhh, nakalimutan mo ba? Holiday ngayon." Buti nalang umaayon ang araw. Totoo namang holiday ngayon, kabisado ko na yun dahil paborito kong araw ang holiday. Palatandaan na walang pasok.

"Ay oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Papasok sana ako."

Sana pumasok ka nalang para maiwan akong mag isa dito at makakapag-isip ako.

"So ano gagawin natin today?"

Ewan ko sayo pero ako marami akong gagawin.

"May lalakarin ako." Pagdadahilan ko.

"Saan lakad mo?"

"Uhh, sa mall?" Wala akong maisip eh.

"Good! Sa mall din punta ko. Sama ako?"

I don't think it's a good idea.

"Eh baka dumiretso ako sa bahay ko." Another lame excuse.

"Okay lang pwede naman ako umuwi mag isa." May halong lungkot na sagot niya. Pero bigla siyang umusod sa tabi ko at niyakap ako. "Pero sama ako ha?" Lumabi pa siya na ikinagulat ko. My God, ang clingy mo talaga girl.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon