Chapter 32 - Lanzones

17.2K 874 111
                                    

BAKIT nga ba na kapag ang dalawang labi ay nagdikit sinasabayan natin ng pagpikit ng ating mga mata?

Syempre yung iba sasabihin dahil hindi kayang iprocesso ng utak natin na pagsabayin ang nakikita at sensasyon at sa kung ano ano pang siyentipikong explinasyon. Pero bukod nito, ano pa ba? Teka nga, bakit nga ba ako naghahanap ng iba pang dahilan.

Pwede naman sana akong humakbang patalikod kung gugustuhin, o di kaya gagamitin ko ang aking dalawang kamay para pigilan siya, o gamitin ang aking mukha para umiwas. Bakit nga ba hindi ko ginawa? Bakit nga ba na sa halip na gawin ko ang sandamakmak na pigil ay hinayaan ko nalang? Bakit kaya eto lang ang nasabi ko sa isip ko..

'I'm going to close my eyes and let it be.'

Araw araw simula ng makilala ko si Clarke, I keep on asking myself, sino ito sa buhay ko? Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa kanya. Bakit parang kilalang kilala ko siya. Bakit parang ang gaan gaan ko sa kanya. Pero nagmumukha lang akong tanga sa iniisip ko. Dahil si Clarke ay si Clarke. Babae, mabait, mapagbigay, matulungin, malambing at higit sa lahat mapagmahal. Sino ba naman hindi gagaan ang loob, diba?

So I almost stop asking myself..

.. but not until tonight.

Ngayong gabi, I think I know the answers to my questions. Sa tanging pagpikit ng aking mga mata, naramdaman ko ang mga sagot na ito.

Sa pagpikit ng aking mga mata, mas lalo kong naintindihan ang aking nararamdaman. Mas lalo kong napagtuunan ng pansin ang kasalukuyan. At mas lalo kong nabigyan ng sapat na attensyon ang taong nasa harap ko at bawat galaw niya.

Damang dama ko ang init na dulot ng mga labi ni Clarke sa labi ko. Kahit ang mainit na paghinga nito ay ramdam na ramdam ko. Nasurpresa man ako sa nangyari pero hindi ko man lang magawang kumiwalas sa pagkakatayo at sa pagkakalapat ng mga labi namin.

Bawat segundong lumipas ay dinadamdam ko ang sensasyong dulot nito. Pero matapos nun ay naramdaman ko nalang napadulas na ang mga labi ni Clarke pababa at maging siya ay dahan dahan ng bumagsak. Bago paman ito tuluyang bumagsak ay agad kong iminulat ang aking mga mata at madaling sinalo siya gamit ang dalawang kamay ko.

Si Clarke nahimatay.

"Clarke?" Sabi ko sabay yugyog.

Putlang putla siya at mainit na mainit.

"Tulong!" Sigaw ko ng paulit ulit.

Agad naman silang lumabas lahat at gulat pang tiningnan kami ni Clarke sa posisyon namin.

"Anong nangyari?!" Sigaw ng isa naming kasama.

"Tulungan niyo po ako! Ipasok natin si Clarke sa loob!" Sigaw ko at hindi na nasagot ang isa ko pang kasama. Nagsimula na akong kabahan.

Binuhat ng mga lalaki si Clarke at pinasok sa loob ng kwarto at pinahiga. "Lexa hubarin natin damit niya dahil basang basa siya!" Utos ng barkada niyang babae.

"Kukuha kami ng bimpo at gamot!" Sigaw ng kasamahan namin na lalaki at lahat ng lalaki ay lumabas ng kwarto.

Minadali naming hubaran si Clarke dahil basang basa ang mga damit niya. Ni hindi ko na nga inisip ang hitsura niya basta nagmadali na kaming tinanggal ang bawat suot niya at tanging underwear nalang ang natira.

"Lexa ikaw na magtanggal ng bra."

Napatigil ako saglit at napatingin sa kanila. Ngunit lahat ng babae abala sa paligid. Kaya kahit nakakagulat, dahan dahan ko nalang tinanggal ang bra ni Clarke. Habang ginagawa iyon ay napatitig ako sa kanya. Sobrang naaawa ako, ang putla ng mukha niya lalong lalo na ang labi niya at halatang napagod siya. Nakaramdam tuloy ako ng pagsisisi, kasalanan ko 'to.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon