Chapter 35 - Police Station

12.7K 702 74
                                    

LEXA

Lumabas ako ng Police Station na dismayado dahil hindi ko nakuha ang report na hinihingi ko tungkol sa pagkakulong ni Finn noon. Hindi daw ako allowed kumuha unless ako ang taong involved kahit ako ang nagpyansa. Kahit anong explain ko doon ayaw talaga eh, kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na tawagan si Finn at papuntahin siya dito.

Ang rason kung bakit ako andito ay dahil may mga tanong akong naghahanap ng kasagutan. Nabanggit kasi ni Clarke these past few days yung tungkol sa kanyang bestfriend at kapatid na kilala si Finn. Matagal ko na din kasing iniisip ito at bumabagabag na din sa isip ko. Gusto ko din talaga malaman ang totoo at para masimulan ko, ipapamukha ko kay Finn na totoo ang sinasabing kong nakulong siya dati dahil sa trespassing.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Finn nang dumating na siya.

"Sasamahan kitang kumuha ng Police Report tungkol sa pagkakulong mo dati." Sagot ko.

Laking gulat ang pinakita niya. "What?! Are we really doing this stupid bullsh*t?!"

"Kung gusto mo pang makita ang anak mo, tutulungan mo ako dito."

"And for what? Saan mo gagamitin ang report na yan?"

"To prove to you.. na nakulong ka talaga."

Mahahalata mo talaga sa mukha niya na gulong gulo siya at galit na. "Akala ko ba tapos na 'tong issue na 'to! I never made a crime, Lexa." Ngunit tinaasan ko lang siya ng isang kilay kaya naman tinaas na niya ang dalawang kamay 'tila sumusuko na sa arguement. "Whatever! Let's do this!"

MAKALIPAS ang halos isang oras at lumabas na kami ng Police Station. Kailangan na din naming lumabas dahil halos magwala na si Finn sa loob. Hindi pa din siya makatanggap na may ganoon siyang report. Na nangyari talaga iyon.

"I can't believe what's happening here! Hindi ko ginawa 'yun. Why would I even be there in the first place? Ni hindi ko nga kilala nakatira dun. Fvck!" Napahawak na siya ng ulo at halos sabunutan na niya ito.

"Drugs, maybe? Alcohol? Peer pressure?" Suhestyon ko sa kanya. Pero lalo lang niya akong tiningnan ng masama.

"I may have done that in the past but not now, not even at this moment. I swear!"

"Weh." Yun lang talaga nasabi ko. Maniwala talaga ako sa lalaking 'to. Ang laking sinungaling kaya nito. "Do you really swear to God na hindi mo kilala si Clarke?"

"Nop, I swear." Sabay taas niya ng isang kamay. "I don't even really know what's happening lately. Jason even told me I attended his son's birthday but I don't even remember. I was puzzled, wala akong maalala. May mga kaibigan din ako telling me they saw me somewhere but I really don't remember at all. All those days I thought I was sleeping, unwell maybe." Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng maigi. "Look, everything seemed blurry. I REALLY DON'T KNOW. Napaisip din ako, but what I do know is.. I came to a party I was invited to, a day maybe those events mentioned occurred at sobrang nalasing ako, maybe a little drugs too and for what I remembered may nakabangga akong babae which is also blurry and poof, I don't know. The next thing I know, I feel unwell, not on my best state, and I thought was just sleeping the entire time. I thought it's all because of drugs."

"Wait.. what?" Kahit ako hindi ko magets ang nangyayari sa kanya. "Hindi mo maalala na magkasama tayong pumunta sa birthday sa anak ni Jason?"

"Wala talaga akong maaalala, Lexa, I swear."

"So wait.." I was really thinking so deeply and I'm really puzzled in every thing he said. "All those times, hindi mo maalala? Like even yung sinugod ka ng babaeng nabuntis mo?"

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon