Chapter 3 - Astral Travel

19.6K 734 61
                                    

"Bakit anlamig ng kamay mo?" Hindi ko na namalayan na napunta na pala sa kamay ko ang kamay niya na ngayon ay hawak hawak na niya.

Lumingon ako at tiningnan siya sa kanyang mga mata. "What you did right there was something you should be proud of."

Napa-roll eyes siya sa sinabi ko at ngumiting nakayuko. "Wala yun noh. Isa pa, it's my job." Siya pa ba may ganang mahiya sa ginawa niya?

"Ano nga pala trabaho mo?"

Klarong klaro sa mukha niya ang pagkalito while still holding my hand. "You forgot? I'm a nurse. Ano ba finn ha, nakakainis ka na."

"I told you I'm not finn."

Gusto pa sana niyang magsalita pero may lumapit sa amin. Yung dalawang babae na kasama nung inatake sa puso kanina.

"Maraming maraming salamat." Sabi ng babae towards Lexa. "Hindi mo alam kung gaano kalaki ang utang na loob namin sa iyo."

"Naku wala po yon." Hiyang sagot niya.

"Pwede bang ma add kita sa facebook at ma message kita? Balang araw gusto sana kita imbitahin sa aming tahanan." Dugtong ng matandang babae. Siguro asawa ito nung inatake.

"Oo naman po, Lexa Castillo yung pangalan ko sa facebook." Magalang na sagot ni Lexa habang hawak pa din ang kamay ko. Teka? Bakit ba paulit ulit ko nalang napapansin kamay niya.

"Sige ia-add kita. Salamat. Sasabay na kami sa ambulansiya." At umalis na sila.

"You must be proud." Mahinang sabi ko. Kudos to all the nurses and doctors who do this on a daily basis.

"Then I am everyday proud." Sabay ngiti niya sa akin which leaves me breathless for a second. That smile, I don't know what's with that smile. Nakakaloka, nakakalimutan ko na ata pagkababae ko.

She intertwined our hands and held it tightly. I don't know but I'm feeling a connection between us. Yung tipong mapapa-smile ka nalang sa ganoong gesture. What's happening?

"By the way, saan tayo after?"

"Uuwi na." Sagot niya.

"Okay good. Kasi may lalakarin pa ako saglit lang." Sabi ko. Kailangan ko na talagang makaalis muna kasi madami pa akong katanungan at gustong malaman sa mga nangyayari ngayon and obviously hindi si Lexa ang sagot.

Pagkatapos makauwi ay agad akong nagsuot ng hoodie at shades, dala ang cellphone and wallet bago makaalis which I was having hard time. Hindi ko kasi kabisado mga gamit ng lalaki at isa pa, ang hirap kaya ng ganito.

After nun, pumunta ako sa apartment ko. Pagdating ko, kinuha ko agad ang susi sa gilid ng pinto kasi may extra akong iniiwan dun.

"Sprite! Shhh?"

Nabigla pa ako pagpasok kasi tahol ng tahol si Sprite yung aso kong frenchie. Nasa ibang katawan ako na hindi niya kakilala kaya malamang tatahol ng bongga yun.

Nagmamadali akong pumasok ng kwarto pero pagdating ko doon, wala yung katawan ko. Hinanap ko kung saang sulok sa apartment pero wala. Gusto ko sanang maiyak, naisip ko kasi baka patay na yung katawan ko at second life ko na 'to.

Huwag naman po sana Lord!

Umupo muna ako sa kama at nag isip isip. Actually wala naman pumapasok sa utak ko na maganda. As in, wala. At unti unting tumulo na ang mga luha ko hanggang sa napahagulhol nalang ako. This may be my 2nd chance already and there's a big possibility that I'm already dead. Pero paano nangyari yun?

I immediately logged in to my facebook account and scanned my profile. I found nothing, walang RIP or goodbyes sa wall ko even sa messages. So baka buhay pa ako? Bigla akong nabawasan ng tinik sa dibdib at dali daling minessaged bestfriend ko. Kikitain ko siya baka sakali may makukuha pa akong ibang impormasyon.

"Destiny!" Tawag ko sa bestfriend ko nung makita ko siya dito sa usual pinagkakainan namin. Agad kong nilapitan pero malaking question mark lang ang reaksyon niya.

"Do I know you?" Of course hindi niya ako kilala. Nasa katawang lalaki ako eh!

"I know this is hard to understand pero ako si Clarke ang bestfriend mo." Sabi ko sa kanya. Pero umatras lang siya at tumitingin tingin sa may gilid.

"Weh? Keh lalaki mong tao. Pasensiya na pero nagmamadali ako. Kikitain ko pa yung totoo kong kaibigan na si Clarke." At nagmadali siyang naglakad.

"Destiny ako lang yung taong may alam na may malaking nunal ka sa pwet." Sabi ko habang nilampasan niya ako. Gulat siyang lumingon sa akin. "Well aside from your family of course." Nilapitan ko siya. "Ako 'to si Clarke, your bestfriend."

Instead na makilala niya ako mukhang takot pa siya ngayon at bigla nalang tumakbo. Hinabol ko bestfriend ko pero bigla naman siya sumakay ng taxi. Bushet talaga.

So what now?

Habang nakatayo ako may biglang lumapit sa akin na babae.

"Omg, finn?!" Sabay yakap sa akin. Nag abot ang mga kilay ko at napatanong, sino 'tong babaeng 'to? "Kumusta? Busy ka pa din ba?"

"Uhmm." Palingon lingon ako sa may gilid. I'm pretty sure this girl kakilala 'to ng may ari ng katawang 'to but I'm not in the mood for a chitchat. "Uhh sorry I have to go." At nagmadali akong umalis.

Pumasok ako sa isang cafe at umorder para maka-wifi. Kailangan ko isearch 'to. Ginamit ko yung phone para maghanap ng kasagutan sa mga tanong ko. Unang tinype ko sa Google ay 'is it possible to switch souls with another person?'

May mga results naman.

Astral projection (or astral travel) - A supposed form of telepathy that assumes the existence of a soul or consciousness called an "astral body" that is separate from the physical body and capable of travelling outside it throughout the universe.

Some researchers that have been studying Astral Travel said it is about the ability to go into another person's body. It is possible to leave the soul by the time the person is dreaming or sleeping. In theory, you could go over to someone who is sleeping and then go inside their body instead of yours and have it as your own.

And KEEP that body forever.

One person said, that both people most have consent. They also said that it's possible for it to be automatically reversed because of the subconscious mind being able to detect that you are in the wrong body. Solution to this? Very easy. Influence your subconscious mind that this is your correct body.

Napa nga nga ako sa binasa ko. Ano daw? Pero mas tumatak sa isip ko yung 'And KEEP that body forever.'

Hindi pwede 'to. Ayokong manatili sa katawang 'to!

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon