Chapter 11 - Sexy Time

20.8K 681 42
                                    

"Ang swerte mo na kay Lexa, bro."

Karga ko ngayon ang inaanak ko daw at nagpumiglas dahil gusto ng bumaba at makipaglaro sa ibang bata. Dahan dahan ko nalang itong binaba at hinarap si Jason.

"Oo, swerte talaga." Sagot ko.

"Eh bakit hindi mo siniseryoso?"

"Seryoso naman ako ah."

"Sino niloloko mo? Ako? Kakasabi mo lang last week kinama mo yung may ari ng bar."

Nagulat ako dun sa sinabi niya. Totoo pala yung sinabi ng isang babae kagabi, may nangyari nga sa kanila habang may girlfriend si Finn.

"Ganun ba." Tanging sagot ko.

"Bro, may mga babae tayong kinakama at meron ding siniseryoso. Si Lexa kasama na dun sa mga babaeng dapat siniseryoso."

"Alam ko." Loko pala 'tong may-ari ng katawang 'to. Nanloloko ng mga babae.

"Kaya kung ako sayo, magbago ka na. Tigilan mo na yang mga chicas mo tutal may Lexa ka naman. Kung hindi mo naman matigilan, hiwalayan mo nalang para hindi ka nakakasakit."

Kung alam mo lang. Kung pwede nga lang makialam ng relasyon matagal ko ng sinabi kay Lexa ang tungkol sa mga lakad ng lalaking 'to. Pero ayoko talaga makialam ng buhay ng ibang tao. Dapat ang desisyon nanggagaling sa kanila para walang sisihan.

"Lumalayo na ako sa kanila."

"Buti naman. Tingnan mo ako nakatikim na ng karma. Panay laro lang ako dati tapos nung nakilala ko na si Erica akala ko siya na pero yung ginagawa ko dati sa babae ginagawa na niya sa akin. Alam mo namang willing na sana akong pakasalan siya matapos ko mabuntis."

Habang nagpatuloy si Jason magkwento, napatingin ako sa direksyon kung saan nakaupo si Lexa. Tumatawa siya habang kausap ang mga kasamahan niya sa trabaho. Nakikita ko yung tawa niyang nakakahawa, siguro kung babalik na ako sa orihinal ko na katawan, namimiss ko siguro 'tong babaeng 'to. Kahit papaano naging parte din siya ng buhay ko. Maybe we can be good friends or best friends or not?

Pero paano naman kung hindi na ako babalik sa dati kong katawan? Anong mangyayari sa akin? Pagpapatuloy ko pa ba ang buhay ko sa ganitong pamamaraan o kahit ganito katawan ko uuwi pa din ako sa pamilya ko at gagawin ang nakasanayan. Ang hirap diba?

Kung babalik ako sa amin na ganito ang hitsura, matatanggap kaya nila ako? Maniniwala kaya sila na ako 'to, si Clarke? Magagawa ko pa ba mga gusto kong gawin sa buhay na ganito ang kalagayan ko? O ibabaon ko nalang sa limot si Clarke. Pero kung mananatili naman ako sa katawang ito kaya ko bang ipagpatuloy kung ano man ang meron si Finn?

Kaya ko bang panindigan si Lexa? Pakakasalan, magkaanak at makasama habang buhay? Oh my god, kaya ko ba talaga mahalin ang isang babae? Pero kung lalaki talaga gusto ko, kaya ba ng sikmura ko ang magmahal ng isang lalaki ngunit lalaki din ang katawan ko?

Ang hirap nga diba. Hay naku.

"Bro sandali lang. Bantayan ko muna anak ko, ang kulit eh."

"Sige bro."

Dumating ang gabi at nababagot na ako. Wala naman akong maintindihan sa usapan ng kasamahan ni Lexa sa trabaho tsaka nagiinuman sila kanina pa. Hindi na ako nakisali kasi parang may alcohol pang natitira sa katawan ko.

"Babe, samahan mo naman ako mag CR." Napansin ko kay Lexa lasing na. Namumula na mukha niya tapos hindi na makatingin sa akin ng diretso.

"Tara."

Ang tagal pa niyang lumabas sa CR. Nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala. Mukhang hindi naman yata siya sanay mag-inom.

Paglabas niya halos hindi na siya makalakad. Ang dali niyang malasing, red horse lang naman ininom nila.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Agad ko siyang inilalayan maglakad.

"Okay lang noh. Pero gusto ko ng umuwi. Pwede na ba tayong umuwi?"

"Sige."

Pinaupo ko siya sa may gilid at nilapitan ko si Jason. "Bro, alis na kami ni Lexa. Lasing na kasi tsaka nag aya na din umuwi."

"Oh sige bro. Ingat kayo."

"Salamat bro."

"Mag taxi nalang tayo." Sabi ko kay Lexa ng makalapit. Magta-taxi nalang siguro kami dahil mapano pa kung magda-drive siya.

"Bakit? Kaya ko naman mag drive."

"Eh lasing ka na kaya. Hindi ka na nga makalakad ng maayos."

"Kaya ko pa noh. Tara na."

Actually natatakot ako sa kalagayan naming dalawa pero habang nagda-drive siya okay naman, ramdam ko namang kaya pa niya.

"Bakit ka pa kasi nag lasing. Alam mo naman magda-drive ka pa."

"Hindi ko na napansin madami na pala nainom ko. Nakakapagtaka nga eh, usually hindi mo naman ako pinapayagan mag inom kahit isang baso pero kanina ni isa wala akong narinig na reklamo galing sayo."

"Is it a bad thing or a good thing?" Tanong ko.

"Both?"

Nalito ako dun sa sinabi niya. Dapat ba talaga pigilan ko siya kanina? Paano mo naman pipigilan ang taong nag-eenjoy. Dun ko pa una nakita si Lexa na masaya.

"Hindi na kita sinita mukhang nag-enjoy ka eh."

"Ikaw ba talaga yan Finn?" Nagkatinginan lang kami saglit at hinarap na niya ang daan.

Pagdating ng bahay, dumiretso na ako ng kama at humiga. Gusto ko ng matulog.

"Babe? Babe?" Nagising ako sa mahinang yugtog sa akin ni Lexa. Nakaidlip yata ako.

"Bakit?"

"Sexy time?"

Ayan na naman po siya.

"Ano?" Ulit ko.

"Wala. Matulog na nga lang tayo." Sabay talikod niya sa akin.

"Matulog ka na. Lasing ka lang."

"Hindi na ako lasing." Sagot niya.

Tumahimik lang ako at hindi na sumagot. Pinikit ko ang mga mata ko at magpapatuloy sana matulog.

"Babe." Mahinang tawag niya ulit.

"Ano?" Sabi ko habang nakapikit pa din.

"Alam mo na yun."

Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kung hindi ko papatulan baka hindi na ako kausapin or worst awayin pa ako. Baka nga ganito silang dalawa ni Finn, active na active ang sex life.

In a man's perspective, kaya naman pala gustong gusto nila maka-score kasi masarap naman talaga. Pangalawang beses ko na 'tong magpakalalaki and I won't deny, masarap siya. Kaya lang, sa kawalang alam ko nito dahil bago pa nga eh nairaos ko na naman sa loob.

"Tinanong kita kanina kung itutuloy ba natin kasi wala akong condom sagot mo okay lang." Maktol ko sa kanya ng matapos kaming dalawa. Nakakahiya ulit kasi hindi ko na napigilan at lumabas na naman sa loob.

"Ano ba yan. Nakalimutan mo na ba kahit man lang i-withdraw?"

Jusko. Hindi ko nga alam paano gawin yan.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon