Chapter 34 - Unveiling of Truth

18.9K 729 124
                                    

NAGING busy ako sa pagsusulat ng aking dream journal mula madaling araw hanggang halos alas sais ng umaga. Madami na din ang nailagay ko kaya napagpasyahan kong tumigil at basahin na muna simula una.

Habang nagbabasa ay bumibilis ang tibok ng aking puso sa bawat pahina ng notebook. Nanlaki ang aking mga mata sa pagkalito. Hindi ko kasi lubos maisip na bawat panaginip ko halos andiyan ang isang lalaki. Nabasa ko na ito dati pero ngayon ko lang narealize na itong lalaking ito ay mukhang si Finn. Siya ang lumabas sa panaginip ko kanina at malakas ang kutob ko ang lalaking palagi kong napapanaginipan ay siya.

"Anong meron kay Finn?" Tanong ko sa sarili at nagtagpo na ang aking mga kilay. Napamasahe na din ako sa sentido ko sa kakaisip kung anong koneksyon ni Finn sa buhay ko. Kaya pala nung una ko siyang nakilala ibang iba ang kutob ko. Parang may koneksyon kami na hindi ko maipaliwanag.

Lexa at Finn.. at ako?

Isa pa si Lexa sa kinaguguluhan ko. Anong meron sa aming tatlo na nakakapagpabagabag sa isip ko.

"Good morning." Biglang yakap sa akin. Yung dalawang kamay niya naka yakap sa may balikat at leeg ko. Habang ang ulo niya nasa gilid ng ulo ko. "Ano yan?"

Agad kong itiniklop ang notebook ko. "Wala. Nag sulat lang ako ng mga listahan ko ng mga bayarin at nag budget na din." Pagdadahilan ko. But I don't usually write it in a notebook, my notes naman at reminders sa cellphone.

"May problema ba?" Tanong niya at kumiwalas sa pagkakayakap at umupo sa tabi ko.

"Wala." Ngumiti ako ng pilit dahil medyo nabigla ako sa presensiya niya. "Good morning." Bati ko.

Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi at nakaramdam ng hiya. Yumuko ako at hinawak hawakan nalang ang notebook.

Pansin ko din ang pagiging tahimik ni Lexa kaya mas lalo akong nahiya. Ano kaya iniisip niya matapos mangyari yung halikan namin kagabi? Matatawag ko na ba siyang girlfriend dahil sa nangyari? O isa lang din yun experimento para sa kanya.

"Kanina ka pa gising?" Tanong niya at pambasag katahimikan.

"Medyo. Hindi kasi ako makatulog after ko magising ng maaga. Kaya nag sulat nalang ako." Palipat lipat ako ng tingin sa pagitan ni Lexa at nang sa harap ko.

"Gutom ka na ba?" Typical Lexa. Caring at matanong.

"Medyo."

Bakit parang wala lang si Lexa ngayon? Akala ko matapos ang mangyari kagabi maiilang na siya sa akin o di kaya hindi niya ako papansinin. Gusto din ba niya yun?

"Sige pagluluto kita breakfast."

"Tulungan na kita." Alok ko at tumayo na ako.

Tumayo din siya agad at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Upo ka na muna. Ako na magluluto. Mukhang pagod ka eh o kulang pa sa tulog." Sabi niya na hindi pinuputol ang tingin sa aking mga mata. Dahan dahan naman akong umupo at muling nahiya.

Ibang klase ka talaga Lexa.

HINDI ako mapakali buong araw kaya napagpasyahan kong makipagkita sa kaibigan ko na si Destiny. May gusto din akong malaman.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon