Chapter 29 - Lexa

18.1K 822 88
                                    

Lexa

BIGLA akong natahimik sa natuklasan ko. Paulit ulit kong tinanong si Carissa kung si Finn nga ba ang tinutukoy niyang pumasok sa apartment ni Clarke. Ngunit siguradong sigurado siya na si Finn yun.

"Sure ka talaga, Car?" Tanong ko ulit.

"Sure ako Ate siya yun. Pinuntahan pa nga namin siya ni Mama sa Police Station eh."

Lumingon ako kay Clarke na 'tila malalim ang iniisip. Alam kong si Finn talaga yun dahil sa pagkaalala ko pinuntahan ko siya nung time na yun sa Police Station para pyansahan. Pero hindi ko alam ang mga detalye dahil magkaaway kami ni nun.

"Anong ginagawa niya dun?" Tanong sa akin ni Clarke. Kunot na ang kanyang noo at makikita mo talaga nalilito siya.

"Wala akong idea, Clarke." Sabi ko in an honest way dahil yun naman talaga ang totoo. "Sa naalala ko, nung nabalitaan ko na nasa Police Station siya pinuntahan ko ka agad siya at nagpyansa. Trespassing lang ang nabasa ko dun sa complaint."

"Tapos?" Dugtong pa niya.

"Tapos nung nakalabas na siya tinanong ko ka agad kung anong nangyari pero bago pa nun nanghinala ako na may babae siyang pinuntahan. Tapos sabi niya kaibigan daw niya yung pinuntahan niya at.." Sinubukan kong iremember yung sinabi niya. "..at hindi daw siya kilala ng kapatid kung saan andun sa bahay nung panahon na yun."

"Kaibigan? Ka-kami magkaibigan ni Finn?" Mautal utal na tanong ni Clarke. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kahit din naman ako.

"Oo, pero lalaki yung kaibigan na tinutukoy niya eh." Grabe ang sakit sa ulo. Ngayon ko lang napag dugtong na nagsisinungaling lang si Finn sa akin. Bakit siya nasa bahay ni Clarke at bakit siya magsisinungaling? "Hi-hindi ba talaga kayo magkakilala, Clarke?" Tanong ko.

"Hindi!" Napataas ang boses ni Clarke at napatingin ang mga tao sa amin pero nagpatuloy din sila sa pinaggagawa nila. "Sorry dun. Pero hindi ko siya kilala not until nung time na pinuntahan ka niya sa bahay. Dun ko lang siya nakita." Sagot niya. "And if you're thinking isa ako sa mga babae ni Finn, nagkakamali ka."

Pansin kong iba na ang tono ng boses ni Clarke. Hindi ko alam kung naiinis siya o nagagalit sa nalaman niya. Kahit din naman ako naiinis ka kay Finn sa mga pinaggagawa niya. Ayoko naman isipin na may namamagitan kay Finn at Clarke pero ano ba kasi ginagawa niya dun?

"Hindi noh. Hindi ko naisip yun, Clarke. Nagtataka lang ako kung bakit nag trespassing siya sa apartment mo."

"Ayokong mag isip ng masama sa ibang tao pero baka may balak lang talaga siyang magnakaw o ewan, who knows? Hindi kami magkakilala at it doesn't give him the right na pasukin ang bahay ko."

Oo nga naman.

"Sa totoo lang ha, sa buong buhay na magka-relasyon kami ni Finn hindi ko akalain kasi hindi naman siya nagpapakita ng mga ganyang ugali o motibo. O siguro blinded lang ako sa taong yun."

"Ganun kasi kapag mahal mo." Sabi ni Clarke na may halong inis o ewan. Napapansin ko kasi sa reaksyon niya.

"Dati oo."

Natahimik kaming dalawa. Ako nakatingin lang kay Clarke at pilit na binabasa kung ano man ang iniisip niya ngayon. Baka kasi kung ano maisip niya makakaapekto din sa pagkakaibigan namin.

"Sisingit ako mga Ate ha?" Biglang salita ni Carissa. Buti nalang dahil nagiging awkward na kami ni Clarke. "Pero nung nahuli ko siya may sinabi siya."

"Ano?" Sabay naming tanong ni Clarke.

"Sabi niya bahay daw niya yun. Ang nakakatakot kasi kilala niya ako at sabi niya siya daw si Ate Clarke."

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon