Chapter 12 - Hospital

19.1K 621 18
                                    


PANGLIMANG araw na ngayon na hiwalay ako sa totoong katawan ko. Hindi man kapanipaniwala pero medyo nasanay na ako. Ngunit gusto ko pa ding bumalik sa tunay kong katawan as soon as possible.

"Anong gagawin mo ngayon, a-absent ka na naman ba? Naku 'pag tumagal yan mapapaalis ka talaga sa trabaho mo." Umagang sermon ni Lexa sa akin habang umiinom ako ng kape.

"Papasok na ako mamaya, chillax lang." Sabi ko at kinindatan siya. Actually hindi ako papasok. Sa katunayan pupunta ako sa office ko at kukuha ng impormasyon tungkol sa akin.

"Okay. Pwede mo ba akong samahan mamaya sa mall? May bibilhin akong gift para kay Mama. Birthday na niya next week at ngayon lang 'ata yung time ko bumili."

"Pwede naman."

Buong araw akala ni Lexa pumasok na ako ng trabaho. Pero eto ako ngayon naglalakad papuntang building sa office na pinagta-trabahuan ko. Habang naglalakad para akong hindi mapakali. Parang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko ma explain.

Pagdating ko ng building as usual hinarang ako ng guard dahil wala daw akong ID. Kahit naman ako na 5 years ng nagta-trabaho dito kapag nakalimutan ko suotin hinaharang pa din ako.

"Asan na ID mo?" Tanong ni Manong Guard.

"Sa totoo lang Sir nakalimutan ko sa loob. Bago lang kasi ako sa companyang ito." Pagrarason ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin may pupuntahan lang ako sa loob dahil alam kong tatawagan niya sa taas yung taong sadya ko at pababain.

"Ngayon lang kita nakita, dito ka ba talaga nagta-trabaho?" Isa pang tanong niya.

"Oo, sir."

Nagda-dalawang isip pa din siya at ang ending hindi ako pinapasok. Sabi niya maghintay lang daw ako dahil ive-verify pa niya. Sigurado naman akong hindi talaga ako makakapasok neto kaya naghintay muna ako sa gilid, baka may kakilala akong makikita at magtatanong nalang ako.

Ilang minuto ang lumipas at nakita ko na agad ang isa kong kasamahan sa trabaho na nagmamadaling pumasok. Tumakbo ako at tinawag siya.

"Kuya, kuya!" Lumingon naman siya sa akin at tumigil sa paglalakad at hinitay lang ako. Nagtaka pa siyang nakatingin sa akin. Hindi kami close sa totoong buhay dahil sa ibang department siya naka assign pero bahala na. "Kilala niyo po ba si Clarke?" Tanong ko agad.

"Oo, bakit?"

"Alam niyo po ba kung pumasok siya sa trabaho ngayon?"

Nakatingin lang ulit siya sa akin for like 5 seconds pero sumagot din. "Kaibigan ka niya?" Sinagot niya ako ng tanong.

"Opo."

"Nasa hospital siya ngayon."

Laking gulat ko sa narinig ko. Yung katawan ko nasa hospital? Paano nangyari yun? Kinakabahan ako lalo sa nalaman ko at halos hindi na makapagsalita.

"A-anong nangyari po? Saang hospital?"

"Mahabang kwento. Hindi ko din alam kung anong pangalan ng hospital. Pasensiya na pero nagmamadali ako, male-late na ako." At nagmadali na siyang umalis.

Naiwan akong tulala. Pilit kong inalala kung ano ang posibleng nangyari sa akin. Inaala ko din kung ano ba talaga nangyari bago ako gumising sa katawang 'to. Pero sa kasamaang palad, wala talaga akong maalala.

Ilang oras din akong nakatambay dahil naghihintay ako ng iba ko pang kakilala na pwede kong pagtanungan. Nakatulala lang ako sa gilid. Gusto kong umiyak, gusto kong magwala. Baka yun ang rason kung bakit andito ako ngayon sa ibang katawan dahil mamamatay na ako? Hindi na ako makapaghintay at naisip kong umalis nalang dito at isa isahin ang hospital sa syudad na 'to.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon