Chapter 8 - Trespassing

19.7K 643 22
                                    

ANG sarap ng tulog ko matapos ang nakalalaswang pangyayari kagabi. Sobrang napagod ako dun kaya ang haba ng tulog ko.

Pagkagising wala na si Lexa sa tabi ko. For sure nag-aayos na yun kasi magta-trabaho pa. Ako wala lang, hindi ko naman kasi alam kung saan 'tong katawan ko nagta-trabaho eh. Ayoko din naman irisk sarili ko pumunta ng trabaho baka makagulo pa ako dahil wala akong alam. I'm just gonna stay here and figure things out.

"Good morning, babe. Breakfast na tayo." Si Lexa while preparing the food. Mukhang maganda ang mood niya ngayon. Medyo gutom na din kaya pumwesto na ako.

"Anong oras duty mo?" Tanong ko.

"9 to 6. Baka may lakad ako mamaya kasama barkada ko."

"Okay." Aalis din ako dito at hahanapin ang katawan ko. 3rd day na ngayon at wala pa din akong balita.

Habang kumakain nakatingin lang si Lexa sakin. Nakakailang pero patuloy pa din ako sa pagkain.

"Babe?"

I stopped eating and looked at her.

"Naninibago ako sayo."

Buti naman at napansin mo. Dati ko pa sinasabi sayo na babae ako pero ayaw mo maniwala.

"Like anong pagbabago?" Tanong ko.

"I don't know. Siguro kasi dati sobrang sweet mo. Pagkagising kinikiss moko agad. Pag naglalakad tayo sa labas ikaw yung unang clingy, ngayon hindi na. Tapos sa bed kapag magkatabi tayo hindi mo na din ako niyayakap. And lastly, kagabi umaayaw ka na. May problema ba? May iba ka na?"

Napalagok muna ako ng kinakain ko. "Uhmm, I feel weird too. I don't know kung ano talaga nangyayari sakin but I'm still figuring it out. Pero sure ako, na ano.. na uhmm walang babae."

"May sakit ka? May dinadamdam ka ba?"

"Hindi ako sure pero magiging okay din ako. Babalik din ang totoong finn mo."

Kumunot ang noo niya at nagpatuloy kumain. Nakahinga din ako matapos yun. Nakakapagod kaya iexplain 'tong nangyayari sa akin. Pero bakit nga ba ako nanatili dito? Pwede naman ako umalis at doon nalang muna tumambay sa bahay habang hinihintay ko yung totoong katawan ko o maghanap ng kung sino man ang makakatulong sa akin. Kung wala lang akong konsensiya hindi talaga ako magpapaka-boyfriend kay Lexa. Kaya lang hindi naman niya deserve yun ang basta lang iwanan at makasira pa ako sa relasyon nila. Respeto nalang sa magjowa.

Eh yung katawan ko kaya? Kung sino man nagco-control dun ganun din ba gagawin niya? Magsa-sakripisyo? Buti nalang wala akong jowa iwas lito din yun para sa kanya kung sakali.

"Siguraduin mo lang na wala kang babae dahil kung meron lahat ng gamit mo dito pupulutin mo nalang sa labas."

Jusko, nakakatakot naman pala 'tong babaeng 'to. Kung alam lang niya ang dami daming babae sa cellphone ng totoong boyfriend niya pero kung ano man yun labas na ako doon. Speaking of cellphone, pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto.

"Aalis na ako babe, text nalang tayo." Paalam ni Lexa at umalis na.

Binuksan ko cellphone ko at tinry mag log in sa Facebook messenger, na sign out kasi 'to kahapon for no reason. Kaya lang nung tina-try ko na ilog in nag two 2 way authentication na siya in which yung code dun sa cellphone number ko na send. Hindi na tuloy ako maka log in sa Facebook. Pero paano nangyari yun?

Umalis na ako ng bahay matapos mag ayos. Pupunta ako sa totoo kong bahay at baka may makuha na akong impormasyon doon. Pagdating, as usual, tumatahol pa din sa akin si Sprite, yung aso ko. Buti nalang naka dog leash siya.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon