Chapter 21 - Movie

16.6K 739 154
                                    

SIMULA nung nag motel kami ni Lexa at tulog kain ako sa bahay niya ay madalas na kaming mag ka chat. No specific reason din kung bakit araw araw kaming nagkokontakan. Kahit ano lang din naman pinag-uusapan namin. Pero hindi ko binigyan ng malisya kasi ganito naman talaga ang magkakaibigan na babae palaging nag-uusap.

Past 6PM na ako nang maka-out sa trabaho. Andami kasing deadline lalong lalo na kung month end. Pinagsabihan pa ako ng boss ko na mag 2 hours OT buti nalang natapos ko ng 30 minutes after shift.

Nag time out ako sa biometrics at nagpaalam sa guard dahil kilala naman ako at sumakay na ng elevator pababa ng building. Naglakad ako palabas at habang naglalakad ay hinanap ko yung cellphone ko sa bag.

"Clarke!"

Napalingon ako bigla sa kung saan saan dahil hinahanap ko yung tumatawag sa akin.

"Clarke?" May biglang tumapik sa likod ko at lumingon ako agad.

Si Lexa!

Kinabahan ako bigla. Akala ko kasi ka trabaho ko lang ang tumatawag sa akin. Tapos sumalubong pa yung ngiti niya na parang walang problema at ang ganda niya lang tingnan. Dumagdag lalo sa kaba ko dahil nahiya ako sa hitsura kong haggard na.

"Le-lexa. I-ikaw pala yan."

Yumuko siya at hinawi ang buhok mula tainga gamit ang hintuturo. Grabe ang ganda niya talaga. Muli siyang nag angat ng tingin at ngumiti. "Nag dinner kasi kami kasama mga ka trabaho ko diyan lang sa kabilang kanto kaya naisipan kong puntahan nalang kita dito pagkatapos. Diba 6 out mo?"

Alam niya office hours ko kasi nagpalitan kami ng impormasyon tungkol dito.

Napahimas ako sa batok ko. "Oo pero nag OT ako eh. Hinintay mo ba ako?"

"Medyo." Sagot niya pero yung mga mata niya naka tingin lang sa gilid ko at hindi sa akin.

"Anong oras ka dumating dito?"

"Mga ano, 15 minutes before 6PM. Nag chat ako sayo. Kaya pala hindi ka nakapag reply kasi nag OT ka pala."

"Naku sorry ha. Oo eh, busy ako kanina. Tara? Hatid na kita sa apartment mo." Hinawakan ko ang braso niya at aaktong lalakad na pero siya hindi gumagalaw kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Wait. May dala akong food para sayo." Pinakita niya dala niya, naka recycled paper bag.

"Ha? Nag take out ka pa?" Binitawan ko siya at napahawak ako sa braso ko. Ganito ako minsan kapag nahihiya o kinakabahan.

"Oo, alam kong hindi ka pa kumakain."

"Uy sobra na yan ha. Nakakahiya na."

"Wala 'to noh. Kainin mo 'to pagdating ng bahay mo." Sabay abot niya ng pagkain.

Tiningnan ko lang yung pagkain. "Lexa nakakahiya naman."

"Sige na." Kinuha niya talaga kamay ko at pilit na pinatatanggap yung pagkain. Ako naman kahit nahihiya na tinanggap ko na. Nahiya talaga ako sa ginawa niya kaya napatayo na muna kami sa labas.

"Salamat dito ha?" Sabi ko at inangat ang pagkain sabay ngiti sa kanya, ngumiti din siya at nag-ngitian lang kami.

"Siyanga pala, wala akong work bukas. Labas tayo?" Aya niya.

"Pwe-pwede. Weekend naman." Napatingin ako sa may gilid baka kasi pinagtitinginan na kaming dalawa dito.

"Sige! Nuod tayo ng sine? May magandang palabas ngayon." Sumigla yung awra niya.

"Sige okay lang."

At nagsimula na kaming maglakad papunta sa waiting shed para maghintay ng jeep.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon