Chapter 27 - Destiny

14.7K 685 27
                                    

SIMULA nung binigyan ako ni Doc Mau ng gagawin ay sinimulan ko ng isulat yung mga panaginip ko. Kung babasahin ko nga pagkatapos ay napaka weird. Iba yung sequence ng mga panaginip. Hindi ako sigurado kung may maitutulong pa 'to o may sense pero ganun naman talaga ang mga panaginip hindi tugma tugma ang mga pangyayari. Isang scene nasa bahay ka tapos bigla nalang nasa ibang lugar ka na.

"Ano sinusulat mo? Diary?" Tanong ni Lexa. Kakapasok niya lang sa kwarto. Ako naka upo pa kasi at tinatapos ang pagsusulat.

Agad kong tinigil ang pagsusulat at sinara ang notebook pagkatapos ay inilagay sa drawer. "Wala. Calendars at schedules ko lang."

"Okay." Nag kibit-balikat lang siya at umupo sa tabi ko. "By the way, may gagawin ka ba mamayang gabi?" Tanong niya.

"Wala, bakit?"

"Wala naman, ipagluluto lang kita."

"May okasyon ba?" Takang tanong ko. Baka kasi birthday na niya o promotion.

"Wala naman." Sabay ngiti niyang napaka tamis tingnan. Lexa na Lexa.

Hindi ko idedeny na kinilig ako sa sinabi niya. Nakakatuwa talaga ano? Kapag ipagluluto ka ng taong alam mong hindi lang kaibigan ang tingin mo, napaka espesyal lang para sa akin.

Kinahapunan ay nakipag kita ako kay Destiny, bestfriend ko. Nagtatampo na kasi siya sa akin dahil napaka busy ko na daw at hindi na kami nakakapag usap. Nakakatuwa lang isipin na may mga kaibigan talaga tayong kahit ilang araw, buwan o taon na nating hindi nakikita o nakakausap pero alam nating andiyan sila palagi kapag kailangan natin. No distance and time can kill a true friendship, ikanga.

"Clarke!" Sigaw niya sabay tayo sa kinauupuan niya. For the first time hindi siya late. Andito kami sa isang coffee shop na usual namin pinagtatambayan dati.

Sinalubong naman niya ako agad ng isang napaka comforting na yakap. Iba talaga kapag matalik na kaibigan mo na ang kasama mo.

"Grabe na miss kita, Destiny!" Sabi ko.

"Ikaw kaya busy diyan ang hirap mahagilap!"

Umupo kami at thankfully napa ka blessed ko lang dahil nilibre na naman niya ako ng maiinom.

"Kumusta ka na ba?" Tanong niya. "Mga reply mo sa chat kulang kulang."

"Okay naman ako." Sabi ko sabay inom.

"Okay ba talaga, ha? Hindi ka okay eh!" Tingnan mo, bestfriend ko nga 'to kahit hindi mo direktang sinasabi alam na alam. "Kumusta na ulo mo? Mababaliw ka na ba sabi ng Doctor?" Sabay tawa, funny ba yun?

"Nasabi ko na sayo diba, ni refer ako ng neurologist ko sa isang psychiatrist kasi okay na naman daw yung ulo ko walang abnormalities or something baka kasi sa pag iisip ko lang o trauma. "

"Tapos ano sabi ng psychiatrist mo?"

"May pinapagawa lang siya sa akin ngayon na ginagawa ko naman, I hope nga lang may sagot 'to."

"Ano ba kasi yun? Ano ba mga iniisip mo? Baka anxiety lang?" Curious na tanong niya.

"Hello? Magpapa doctor ba ako kung normal lang 'to? Basta, ang hirap pa kasing i explain for now eh. Pero Destiny may tanong ako, gusto ko sagutin mo ako ng totoo ah?"

"Nakakakaba ka naman, ano yun?" Tumigil siya sa pag iinom at nakatingin lang sa akin nag hihintay ng sasabihin.

"Dati ba nakitaan mo ako ng pagka tomboy?"

"Ha?" Tumawa siya ng malakas dahilan para tumingin sa amin yung mga katabi naming table. "Loka ka talaga, wala noh! Bakit mo naman naisip yun? Don't tell me?" Nanlaki ang mga mata niya nung sinabi yun.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon