Chapter 19 - Deja Vu

17.9K 781 162
                                    

BUONG gabi pagising gising ako dahil every now and then ang ingay at ungol sa magkabilang kwarto ay dinig na dinig pa namin. Ewan ko lang kay Lexa kung nakatulog ba siya ng mahimbing pero ako kulang.

Sabi nila kaligayahan ang makukuha kapag pumapasok sa ganitong kwarto pero ako stress lang yung dulot.

Pagkalabas namin ng kwarto, nag presenta akong magbayad pero pinigilan naman ako ni Lexa.

"Ako na, ako nag invite sayo dito eh."

Invite talaga? Parang may nangyari lang.

"Hati nalang tayo." Pilit ko.

"Wag na."

Firm talaga siya sa decisyon niya na siya na magbayad kaya hindi ko nalang pinilit sarili ko. Nasa likuran lang ako at hinihintay siya magbayad.

"Thank you, Mam! Nag enjoy ba kayo?" Tanong ng receptionist. Ewan ko ba kung matatawa ako o magagalit sa timing ng tanong niya.

Nagulat naman si Lexa. "Ha? Ah. Eh. Okay lang." At na awkward pa siya dun kahit ako. Inakala talaga ng receptionist may ginagawa kaming kababalaghan.

Paglabas ng motel umaninag talaga yung sikat ng araw. Napakuha tuloy ako sa bag ko ng shades at sinuot ito.

"Nakakatawa talaga. Wala akong idea na motel pala 'tong pinasukan natin. Napaka-memorable." Sabi niya na kasabay ang mahinang tawa.

"First time mo nakapasok?" Tanong ko. Narealized ko naman na parang disrespectful yung tanong ko, respect the privacy ika nga. "Ay sorry, hindi mo na kailangan sagutin yun."

"Okay lang noh." Sabay hampas niya ng light sa braso ko. "Oo, first time. Hindi naman ako pumapasok sa mga ganyan."

"Ohh." Sumigla ako ng konti sa sagot niya. It's nice to know na hindi siya gaano ka active sa ganyang mga bagay pwera lang sa hindi ko alam.

Tahimik kaming naglalakad pero panay tingin ng mga tao sa paligid. May isa ngiting ngiti pa. Hindi ko alam kung nagagandahan ba siya sa kasama ko o dahil kalalabas lang namin ng motel at kung ano ano na nasa isip nila. Bahala na nga. "Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko na hindi tumitingin sa umaaninag niyang mukha.

Bigla siyang napakapit sa braso ko. "Gutom na, kain tayo?"

Kinilig ako dun sa totoo lang. Bakit ganun? Konting dikit lang niya sa akin o tingin tumatambol tambol na yung puso ko sa kilig. Normal pa ba 'to?

"Si-sige." Nakakautal yung kamay niyang nakahawak sa braso ko giving justice sa paglabas namin sa motel. Mukha tuloy kaming galing honeymoon. Lalong lumapad ang mga ngiti ng tao sa paligid. Mga manyak talaga.

Pumasok kami sa isang silogan malapit sa motel na tinuluyan namin at umorder. Tapa sa akin at longganisa naman yung kanya.

"Alam mo bang paborito ko yung silog nila dito. May branch kasi sila nito malapit sa amin. Masarap din yung bangus nila." Kwento niya. Magkaharap kami ngayon. Nakakahiya man pero natutuwa akong nakikita ko siya ng harapan.

"Talaga?" Sagot ko na may halong ngiti. Nakakaloka isipin na magkasama lang kami ng overnight at ganito na nararamdaman ko.

"Dati paborito ko yung bangus nila. Pero lately hindi ko bet yung amoy. Ewan ko sa pagkaluto siguro pero ayaw ko ng amoy. Ngayon nasasarapan ako sa longganisa. Halos every week na ako kumakain niyan."

Nakikinig lang ako habang nagkukwento siya. Yung parang feeling close talaga. Parang matagal na kaming magkasama.

"Mag kwento ka naman." Sabi niya sabay himas ng braso niya. Napapansin ko talaga lage niyang ginagawa yan, ang paghimas ng braso niya. Siguro mannerism niya.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon