Chapter 16 - Fate

16.4K 683 62
                                    

"Miss, wait!" Sigaw nito.

Lumingon ako assuming na ako ang tinawag.

"Yes?"

Saktong pagharap ko sa kanya agad naman siyang nawalan ng malay at bago paman siya bumagsak ay nasalo ko ka agad.

"Miss?!"

Mas lalo siyang pumuti at ang putla ng labi niya. Sinubukan ko siyang itayo pero ang bigat at para siyang isang marshmallow sa lambot ng katawan.

"Miss?!" Pukaw ko ulit sa kanya.

Nakaluhod ang kaliwang tuhod ko at ang kanan naman ay ginawa kong pansandal sa likuran niya. May mga taong nagsilapitan at ang iba naman ay pinapaypayan siya.

"Anong nangyari?" Tanong nung Ale.

"Hindi ko po alam. Bigla nalang siyang nahimatay." Sagot ko at yung kanang kamay ko hahawakan na kamay niya para masahiin.

Unang lapat ng mga kamay namin ay biglang may nag flashback. Para kasing napaka familiar ng kamay niya, tila bang nahawakan ko na 'to dati. Nakatitig lang ako sa kamay nito at napaisip ng malawak.

"Miss, bubuhatin ko siya. Ilipat natin dun."

Napatingin ako kay Kuya na nag-alok buhatin yung babaeng nahimatay.

"Sige po."

Binuhat ni Kuya yung babae at inilagay sa gilid na medyo malawak ang space area.

"Eto white flower oh." Alay nung isang Ale sa gilid. Nilagyan niya ng parang menthol yung ilong at pinainom ng tubig. Nasa tabi lang din ako at nag-oobserve.

"Kaibigan mo ba?" Tanong nung lalaking tumulong.

"Hindi po, katabi ko lang siya kanina."

Minamasahe na ngayon nung Ale ang kamay nung babae. Dahil dun medyo nagkamalay na siya.

"Miss?" Tawag ko. "Ano pakiramdam mo?"

Pumikit lang siya ulit at ngayon namimilipit sa sakit. Mukhang naramdaman na niya bawat masahe nung Ale.

"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong nung Ale.

"Me-medyo o-okay na po." Sagot niya. Mag asawa pala yung tumulong sa kanya.

"Gusto mo ba tumawag tayo ng ambulansiya para maihatid ka sa hospital?" Dagdag na tanong niya.

"Hindi na po. Okay na po ako. Wala lang kasi laman tiyan ko." Mahinang sagot niya.

Mga 15 minutes din siyang inoobserbahan bago umalis yung mag asawa at wala na din tao pang nakatingin sa amin. Inassure niya kasi na okay lang siya at kaya na niya. Ako nasa tabi lang niya, parang nahihiya kasi akong umalis at iwan siya. Nakakaawa naman kasi.

"Salamat ha." Sabi niya.

"Okay ka na ba talaga? Bigla ka nalang kasing nahimatay. Buti nalang nasalo kita." Sabi ko.

"Salamat talaga."

"Gusto mo hatid na kita sa hospital?" Kahit wala akong sasakyan basta masiguro ko lang okay siya.

"Naku wag na. Okay lang ako. Siguro dahil wala akong kain kanina umaga."

Tinulungan ko siyang makatayo ng akmang tatayo na siya. Para kasing matutumba na naman.

"Kailangan mong kumain. Specially yung mainit na sabaw para magkalaman tiyan mo." Suhestyon ko.

"Oo, salamat."

Looking at her, mukhang matamlay pa talaga siya. Nakakaawa naman mag isa lang.

"Samahan na kita kumain, Miss."

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon