Chapter 13 - Responsibility

16K 624 56
                                    


AFTER I saw my unconscious body lying in the hospital bed with tubes connected to my face, wires connected to the back of my right hand, and a clip like device clamped onto my index finger. My world almost turned dark.

How did that happen?

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko. It was surreal, seeing your body face to face. Para akong nananaginip na nakatayo lang ako sa harap ng katawan ko. Ang hirap pala kapag nakita mo yung walang malay mo na katawan. Kung masakit para sa akin, paano nalang sa mga taong nagmamahal sa akin gaya ng pamilya ko?

Nakatunganga lang ako ngayon habang iniisip yung sandaling yun. Nakakaawa, nakakasakit sa puso. Dapat gawin ko ang lahat ng makakaya ko makabalik lang ako sa dati kong katawan at gumising.

Laban lang, Clarke!

Muli akong tumayo at akmang papasok ulit pero hinarang ako ni Manong guard.

"Hindi ka pwedeng pumasok." Striktong pagkasabi nito.

"Sir, baka naman kahit saglit lang. Kailangan ko lang makausap yung Mama ko." Halos maluha na ako sa pagmamakaawa. Gustong gusto ko talaga pumasok. Andami kong tanong na kailangan ng sagot. Ilang araw na akong ganito.

Hindi na ako pinansin at sinagot ng guard kaya nagpasiya muna akong umuwi. Ang gagawin ko, si Lexa ang papapasukin ko sa loob at siya ang uutusan ko humarap sa Mama ko at magtanong.

Sounds like a good plan.

Pagkadating na pagkadating ko ng apartment ni Lexa, naabutan ko siyang nakatayo sa gilid ng sofa katabi ng babaeng hindi ko kilala na nakaupo.

"Lexa?" Tiningnan niya lang ako ng matulis.

Lumapit ako dito. "Lexa, pwede mo ba akong samahan sa hospital." Hinawakan ko siya sa balikat pero iniwakli lang niya ang kamay na nakahawak dahilan para matigilan ako sa pagsasalita.

"Ang kapal ng mukha mo." Anas niya through gritted teeth.

Damang dama ko ang galit nito kaya I took a step back sabay lunok. Nakakatakot si Lexa ngayon. Lumingon ako sa isang babae na ngayon nakatayo na.

"Syanga pala, nakalimutan ko. May bisita tayo ngayon. Kailangan ko pa bang i-introduce?" Sarkastikong sabi ni Lexa.

Ako nakatunganga lang. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat ireact. Honestly hindi ko naman kilala yung babaeng kaharap ko ngayon. Malamang kilala ni Finn pero ako hindi.

Tiningnan ko ang babae at nakakunot lang din ang noo na tumingin sa akin. Parang galit din. Jusko po. Ilang babae pa ba ang haharapin ko?

"Ma-may ka-kasalanan ba ako?" Pa utal utal kong tanong.

"What do you think?" Nagsalita na yung babae.

"Siguro naman Finn alam mo na." Dagdag ni Lexa.

No idea. Pabaling baling lang ako ng tingin sa dalawa.

"You got me pregnant, Finn. Sinabihan na kita nito pero binaliwala mo lang." Sabi nung babae.

"Ikaw pala yun?" Si Ellie, yung babaeng tumawag sa akin para sabihin na buntis siya.

"May balak ka pa atang lusutan 'to kaya inunahan na kita. You think I don't know." Nakahalukipkip na siya ngayon.

I'm sure I'm not equipped with this kind of situation and I don't know how to start. Paano ba 'to. It seemed that I'm trapped.

"All along, Finn. Akala ko nagbago ka na. Akala ko, iniwan mo na ang dating nakagawian mo. Ngayon, bakit mo ginawa sa akin 'to?" And right at that moment, tears started to rush down Lexa's cheeks. Pero agad din niya itong pinunasan and showed me a look na matapang.

"I'm so-sorry. Promise wala akong alam." Sagot ko. Naaawa talaga ako kay Lexa, wala siyang kaalam alam na ginagago na pala siya ng totoong boyfriend niya.

"I've kept you updated, Finn. Alam na alam mo ang sitwasyon ko." Sabi ulit ni Ellie.

God, please take me now.

"I'm really sorry. Ano bang dapat kong gawin?" I'm completely puzzled.

"My God, Finn! Magpakalalaki ka." Napasabunot na sa buhok si Lexa.

Hinarap ko si Ellie. "Ano ba gusto mo, Ellie? Papanagutan ko naman yan eh. Financially, physically, ano pa?"

Narinig ko nalang ang paghikbi ni Lexa sa gilid habang kaharap ko si Ellie. "I want you back in my life, Finn." Sagot ni 'to.

"Hindi yan pwede. Si Lexa ang girlfriend ko ngayon." Mahinahon kong sabi. "I can still give you what you needed for the baby except for what you're asking."

Napahawak si Ellie sa dibdib niya at yung ekspresyon niyang hindi makapaniwala. "Ano sabi mo? Last two weeks ago I remember you assuring me na hihiwalayan mo na siya pero kailangan mo lang ng oras which I gladly gave."

Ay may ganun pala sila na committment? Pasensiya hindi ko alam 'to. Ako lang naman si Clarke na walang muwang na napunta sa lecheng katawan na 'to na kadami daming problema. Fvckboy pa more.

Isang napakalaking drama ang nangyari kanina. Si Lexa umiiyak the whole time habang si Ellie galit na nakikipag usap sa akin. Ako naman sobrang lito na sa nangyayari. Ang gusto niya maliban sa pinansiyal na supporta gusto din niya magkabalikan kami para mabuo ang pamilya. Later did I know si Ellie pala ang first love ni Finn. What a dramatic love story.

Umalis na si Ellie which took me all the strength in the world na pauwiin siya at eto ako ngayon naghihintay buksan ang pinto ng kwarto ni Lexa.

"Lexa please. Papasukin mo ako."

Halos isang oras din akong naghintay at panay katok bago niya binuksan ito at tinapon ang dalawang malalaking bag sa akin. Mukhang mga gamit ko ito. "Lumayas ka na, bwisit ka. Wala ng tayo at please lang huwag na huwag ka ng magpapakita ulit."

"Lexa wait!" Akmang isasara na niya sana ang pinto pero hinarang ko. "I'm sorry, pero kailangan ko talaga ng tulong mo ngayon."

Galit siyang tumingin sa akin. "Ang kapal din talaga ng mukha mo noh?"

"Lexa ikaw lang ang meron ako." Totoo talaga 'to. Si Lexa lang makakatulong sa akin. Pakapalan na talaga 'to ng mukha.

"Ako lang? Ako lang ba talaga, Finn?! You're out of your mind! Get out!"

"Lexa, makinig ka." Hinawakan ko balikat niya at pilit pinapakalma dahil galit na galit na siya talaga.

"Bitawan mo ko."

"Please?" Pagmamakaawa ko.

"Bitawan mo sabi ako eh!"

Isang napakalakas na suntok ang nakuha ko dahilan para biglang magdilim ang paningin ko at mawalan na ako ng malay.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon