Part 3

2.3K 42 0
                                    


AFTER FOUR YEARS

"HAPPY birthday" nang maisuot ni Daniel sa kanya ang isang simple pero magandang bracelet ay nakangiti pa nitong kinurot ang kanyang pisngi.

Iyon ang gabi ng twenty first birthday ni Jessica. Katatapos lang nilang kumain noon ng hapunan at kasalukuyan silang nasa loob ng kotse ng binata na naka-garahe parin sa malawak na parking space ng kainan. "Ang ganda, thank you" nangingislap ang mga matang sabi ni Jessica.

Hindi sumagot si Daniel sa halip ay niyuko siya saka maalab na hinalikan, tinugon naman niya ang halik na iyon ng binata. Dalawang taon na silang mag-nobyo ni Daniel. Nakilala niya ang binata sa isang party ng common friend nila at noon siya sinimulang ligawan ng lalaki na nagtagal rin ng halos isang taon.

Maayos ang lahat sa kanila ni Daniel. Okay siya sa pamilya nito at ganoon rin naman sa pamilya niya ang binata. Kaya alam niyang wala nang iba pang dahilan na pwedeng sumira sa kanilang dalawa. Sa kasalukuyan ay empleyado sa isang bangko si Daniel.

"Halika na?" anitong pinakawalan muna ang kanyang mga labi saka muling inangkin pagkatapos.

Tumango siya. "Sige" aniyang tumango.

Ilang sandaling nakiraan ang katahimikan. Noon niya pagod na isinandal ang ulo sa head rest saka ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. Ilang sandali pa hindi niya namalayan ay dinala na siya sa dako pa roon ng matinding antok na nararamdaman niya.

"Jessica" ang halos paanas pang boses ni Daniel kaya siya napipilitan pang nagdilat ng mga mata. "mahal kita" anitong muling inilapit ang mukha sa kanya saka dinampian ng halik ang kanyang mga labi.

Hindi maunawaan ng dalaga kung bakit sa halip na tumugon sa halik ng nobyo ay salubong ang mga kilay niya itong bahagyang itinulak palayo sa kanya. Pagkatapos ay kinakabahan niyang ibinaling ang paningin sa labas ng bintana para lang matigilan nang mahagip ng kanyang paningin ang signage na nagsasabi kung nasaan sila.

"B-Bakit mo ako dinala dito?" hindi niya napigilan ang kabahan kahit pa dalawang taon na niyang nobyo si Daniel.

Nakangiting hinaplos ng binata ang kamay niya saka iyong hinalikan. "Akala ko ba mahal mo ako?" anito sa tila nang-aakit pang tinig saka siya tiningnan ng makahulugan.

Nakuha ni Jessica ang ibig sabihin ng titig na iyon kaya naman mabilis niyang binawi ang sariling kamay sa binata saka nagmamadaling bumaba ng kotse at naglakad palayo sa lugar na iyon. Pero agad rin namang nakapag-maniobra si Daniel at mabilis siyang nahabol.

"Ano ba, bakit mo ginawa iyon?" anitong hinawakan ang braso niya nang makababa ito ng kotse.

Masama ang titig niyang tiningala ang nobyo. "I'm sorry pero hindi ko kayang ibigay ang gusto mo" aniya sa malumanay na tinig saka nagyuko ng ulo.

Nakakaloko ang tawang pinakawalan ni Daniel. "Sige nga, sabihin mo sa akin ngayon, bakit hindi?" anito sa napipikon naring tono.

"Dahil hindi pa tayo kasal!" mariin niyang sagot.

"Tangina! Lahat ng magboyfriend ngayon ginagawa na iyon Jessica! Mag-move on ka! Napaka-manang mo! Kaya bored na bored ako sa relasyon natin dahil diyan sa pagiging sobrang conservative mo!" anitong galit siyang sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Sa ginawi ng nobyo ay mabilis na nakaramdam ng panliliit sa kanyang sarili si Jessica. "How dare you!" ang tanging nasabi niya sa sobrang sama ng loob.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now