Part 23

1.7K 35 0
                                    


MATAGAL nang tulog si Paul pero gising parin si Jessica. Gaya noong una, mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata na tila ba ayaw nitong pakawalan siya. Napangiti doon ng dalaga saka pinakatitigan ang perpektong mukha ng lalaki. Ilang sandali rin iyon, pagkatapos ay kinapa niya ang sariling damdamin. Sinubukan niyang hanapin doon ang dating nobyo, si Daniel. Pero nabigo siya dahil iba ang nakita niya, at noon na nga nag-init ang mga mata niya.

Hindi niya napigilan ang mapa-hikbi na sa kalaunan ay nauwi narin sa mahinang pag-iyak. Pagkatapos ay minabuti niyang isiksik ang sarili sa dibdib ni Paul na siya namang dahilan kaya nagising ito.

"Hey, are you crying?" ang nag-aalalang tanong ng binata saka siya pinakatitigan. Hindi siya sumagot at sa halip ay isinubsob lang muli ang sariling mukha sa dibdib nito kaya awtomatiko siyang niyakap ng lalaki.

"P-Paul?" makalipas ang ilang sandali ay tumahan narin siya ay saka sinalubong ang mga titig ng binata.

"Yes?" anitong ngumiti saka siya niyuko at hinalikan sa noo.

"Do you think I have to change?" hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng insecurity. O kung insecurity nga ba ang nararamdaman niyang iyon dahil ang totoo natatakot siyang baka maulit nanaman ang ginawa sa kanya ni Daniel noon.

"Ikaw? Para akin wala ka ng kailangang baguhin, gusto kita sa kung ano ka at higit sa lahat, ikaw iyan. Ang kung ano ka ngayon ang totoong pagkatao mo na nagustuhan ko na noon pa mang una kitang nakita sa university four years ago" paliwanag ni Paul saka tinuyo ang mukha niyang ngayon ay binabasa nanaman ng masagana niyang mga luha.

Suminghot siya saka muling nagsalita. "P-Pero, kung sakaling pumayag akong magpakasal sa'yo anong assurance na mamahalin mo ako? Na hindi mo ako sasaktan kagaya ng ginawa ni Daniel?"

Sa sinabi niyang iyon umaliwalas ang bukas ng mukha ni Paul kaya maganda ang pagkakangiti itong muling nagsalita. "Hindi kita sasaktan, magtiwala ka lang. Alam kong mahirap gawin iyon para sayo but you have to believe me that this time hindi ka magsasayang ng panahon sa akin" may katiyakang sagot ni Paul.

Napangiti siya sa narinig. "Really? Are you sure about that?"

Tumango ng magkakasunod si Paul. "I know masyado pang maaga pero yes, sigurado ako."

"Mapag-aaralan mo akong mahalin?" ulit niyang tanong.

Noon nakangiti siyang kinabig ng binata saka hinalikan ang ulo. "Hindi mo ba talaga nararamdaman ang totoo sa mga ikinikilos ko? O nagdududa ka lang kaya gusto mong manggaling mismo sa akin?"

Napakagat-labi si Jessica sa narinig. "Iyong totoo, sabihin mo. May nararamdaman at napapansin ako sa mga kilos mo oo, pero gusto kong sa'yo manggaling."

"Maniniwala ka?" ang binata.

Tumango siya. "Sure."

Noon huminga ng malalim si Paul na tila ba nag-iipon ng sapat na lakas ng loob bago nagsalita. "The truth is, hindi ko na kailangang pag-aralan pa ang mahalin ka. Kasi nangyari na sa'kin iyon sa una nating pagkikita."

"W-What?" ang hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

Tumango si Paul. "Tama ka, that night sa club pinatotohanan lang nito sa akin ang kasabihang love at first sight. Although hindi iyon ang unang beses na nakita kita pero iyon ang unang pagkakataong kinausap kita. And to think na four years ago iyong feeling na mayroon ako sayo, iyong sayang naramdaman ko habang pinagmamasdan kitang bumababa ng hagdan na may librong nakapatong sa ulo mo. Iyon din ang naramdaman ko habang pinanonood kita noong tinititigan mo ang lamang alak ng baso mo."

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon