Part 30

3.8K 101 24
                                    


HINDI siya pwedeng magkamali, alam niyang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Agad niyang naramdaman ang matinding pangungulila para sa taong nagmamay-ari ng tinig. Kaya naman sa kabila ng pamimigat ng kaniyang mga mata ay pinilit niyang idilat ang mga iyon. Agad na hinaplos ng mainit na damdamin ang puso ni Jessica nang matanawan ang taong pakiramdam niya ay hindi niya nakita sa loob ng mahabang panahon.

"P-paul?" ang salitang namutawi sa mga labi ni Jessica sa pamilyar na bultong nakatayo malapit sa may pintuan.

Mabilis siya nitong nilingon. At kitang-kita niya ang tila pagsikat ng araw sa mukha nito nang ngumiti sa kanya ang binata at sa malalaking hakbang ay nagmamadali siyang nilapitan. "Jessica! Salamat sa Diyos at gising kana!" anitong ginagap ang kamay niya saka hinaplos ang kanyang noo. "sandali lang, tatawagin ko ang doctor" anitong nagmamadali siyang niyuko at hinalikan muli sa noo.

Hindi nagtagal at nagbalik ang binata kasama ang isang doctor at dalawang nurse. Saglit siyang tiningnan ng manggagamot bago nakangiting nilingon si Paul at saka iginiya sa may pintuan at masinsinang kinausap.

"Ililipat kana sa isang regular private room, tapos ang sabi ng doctor dalawa o tatlong linggo pwede ka ng umuwi. Wala siyang nakitang anumang diperensya pero he suggested physical and psychological therapy for a year para mas makatiyak na walang problema" si Paul ilang sandali matapos ang pakikipagusap nito sa manggagamot.

Ngumiti siya. "A-Anong nangyari?" nang maalala ang huling tagpong natatandaan niya bago nilamon ng kadiliman ang paligid niya ay agad siyang nakaramdam ng takot. "si Daniel? Nasaan siya? Dinukot niya ako, gusto niya akong ilayo sayo!" ang takot na takot niyang bulalas.

"Shhh, tama na" awat ng binata sa kanya. "w-wala na siya, hindi siya nakaligtas sa aksidente" sa kabila ng galit na nararamdaman para sa dating nobyo ay naramdaman parin niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Nakaramdam parin naman siya ng awa para rito pero minabuti niyang magkontrol ng sariling emosyon.

"May ibibigay ulit ako sa'yo" saka nanginginig ang kamay na inabot ni Paul ang kanyang kamay. Walang anumang salitang muling isinuot sa kaniya ni Paul ang singsing na natatandaan niyang ibinigay nito sa kanya noon. "alam mo bang kahit minsan hindi ko ito inalis sa bulsa ko? Kasi alam ko babalik ka" at tuluyan na ngang napaluha ang binata. "alam ko hindi masasayang ang paghihintay ko kasi mahal mo ako. Iba sa sinasabi ng maraming tao sa paligid ko na baka paggising mo hindi mo na ako kilala" nakita niya ang pagyugyog ng magkabilang balikat ni Paul gawa ng pag-iyak nito. At iyon ang dahilan kung bakit hindi man niya namalayan ay basta nalang namasa ang kaniyang magkabilang pisngi.

"Thank you for coming back. Kasi ang totoo, nakahanda akong maghintay gaano man katagal para sa'yo. Alam kong hindi ko makakayang mabuhay kasama ang iba kaya kung sakali man, iisipin ko nalang na baka hindi pa ito ang panahon para sa atin. Na baka sa ibang panahon pwedeng maging tayo, at iyon ang pipiliin kong dahilan para magpatuloy. Maghihintay ako hanggang sa panahong pwede na, pero salamat, kasi nandito ka" pagpapatuloy ng binata saka marahang pinisil ang kamay niyang hawak nito.

"G-Gaano ako katagal na parang tulog?" ang naitanong niya sa nobyo nang maikalma ang sarili.

Umiiyak paring itinaas ni Paul ang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing saka iyon hinalikan. "I-Isang taon" ang maikli nitong sagot.

Impit siyang napahagulhol sa narinig. "G-Ganoon katagal mo akong hinintay?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumango si Paul. "Alam mo namang mahal na mahal kita hindi ba? At kaya kong maghintay nang kahit ilang libong taon pa, para sa'yo" anitong hinaplos ang luhaan niyang pisngi.

"I-I love you too, so much" ang ganting sagot niya.

Mabait na ngumiti si Paul at nagpahid narin ng mga luha. "Magpagaling ka ng husto, bago ang kasal dadalawin natin si Lola" anitong inabot ang ang kanyang pisngi saka masuyong hinaplos. Natawa siya ng mahina dahil sa naramdamang kilig saka niyuko ang singsing sa kanyang daliri at hinaplos ang bato niyon.

"Rose cut and purple meaning, love at first sight?" aniyang tinitigan ng tuwid ang mga mata ni Paul.

Tumango ito. "Yes, kaya ganiyang kulay lang ang ibinibigay ko sa'yo ever since."

Lalong lumapad ang pagkakangiti niya dahil doon. "Talaga bang na-love at first sight ka sa akin?" ang naglalambing niyang tanong.

Magkakasunod na tumango. "Dati" anito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jessica sa naging sagot ng nobyo. "Dati?"

"Because now, I am falling for you in every sight" ang madamdamin nitong hayag saka siya niyuko at hinalikan.

Kung gaano siya kasaya, hindi niya alam. Pero naniniwala siyang hindi man naging madali ang naging simula ni Paul, ang ngayon nila ang magsisilbing simula para sa mas maliwanag na hinaharap. Kinikilig siyang hindi makapaniwalang sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, magkasama parin sila ngayon. Kaya sinong makapagsasabing hindi totoo ang pag-ibig sa unang pagkikita? Well, gaya nga naman ng sinabi ni Paul noon sa kanya, hindi mo mapapatunayan hangga't hindi mo nararanasan.

"hindi lahat ng hinihintay bumabalik. Pero ang lahat ng naghihintay, siguradong nagmamahal"

Nang maalala ang sinabing iyon ni Lola Loreta ay muli nanamang nag-init ang kanyang mga mata, pero nagkontrol siya. Naiiyak siya hindi sa kung ano pa mang kadahilanan kundi dahil pinatotohanan ni Paul ang sinabing iyon ng matanda. Mahigpit silang nagyakap ni Paul pagkatapos.

Love can wait, kahit walang assurance, kahit masakit. Ang magic pa, kapag mahal mo, hindi ka naiinip. Matapang lang ang kayang maghintay sa isang pagmamahal na mayroon man ay suntok parin talaga sa buwan. Pero mas masarap maghintay kaysa magsisi habang buhay dahil hindi mo iyon ginawa. At nagpapasalamat siya dahil ginawa iyon ni Paul, para sa kanya.

"WAKAS"

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now