Part 9

1.8K 49 0
                                    


UMABOT naman siya sa oras at hindi nahuli sa kabila ng pagkakaipit sa traffic ng sinakyan niyang taxi kanina. Sa classroom niya siya nagtuloy at noon bumati sa kanya ang maraming trabahong naiwan nga niya noong nakaraang Biyernes. Ilang sandali narin siyang busy nang makarinig ng magkakaunod na katok sa pinto.

"Hi!" ang masigla at ngiting-ngiting bati sa kanya ni Eloisa. Co-teacher niya at siya ring pinakamalapit sa kanya.

Taka at nangingiti siyang tumayo saka nilapitan ang kaibigan. "Ang saya naman ng ngiti mo?" bungad niya para lang matigilan nang makilala kung sino ang kasama ni Eloisa at sa tingin niya'y dahilan ng maganda nito ngiti.

"Hello" ang masiglang bati ni Paul sa kanya.

"Maiwan ko na kayo" ang nanunukso pang kindat sa kanya ng kaibigan saka nginitian si Paul.

"Thank you again Ma'am" si Paul kay Eloisa na tumango lang pero nakangiti parin.

Mabilis na nabalot ng tensyon ang paligid makalipas lang ang ilang sandali. "What are you doing here? At paano mo natunton na dito ako nagtuturo?" pormal niyang tanong saka nagpatiuna sa pagpasok.

Narinig niya ang mahinang tawang pinakawalan ng binata. "Very ungrateful" maikli nitong saad saka siya muling tinawanan.

Noon niya ito inis na hinarap. "Anong bang pinagsasasabi mo?"

"I came here to give you this" at mula sa likuran ng suot nitong maong pants ay iniabot sa kanya ng binata ang isang pamilyar na bagay.

Nagsalubong ang mga kilay niyang hinablot sa kamay ni Paul ang kanyang ID. "Bakit nasa iyo ito? Hinalungkat mo ang bag ko kagabi ano? Para nga naman may dahilan kang makita ulit ako!" inis niyang paratang saka tinitigan ng masama ang lalaki.

Umangat ang sulok ng mga labi ni Paul saka walang anumang hinila ang silya sa harapan ng mesa niya at naupo. "That's a good idea actually, but no" anitong malagkit siyang pinakatitigan pagkatapos.

Napasinghap siya saka nagbawi ng tingin mula rito. "I'm sorry" hingi niya ng paumanhin sa inasal niya.

Ngumiti ang binata. "Okay lang, kapag hindi ka nagtaray parang hindi na ikaw iyon" anito pa.

Noon siya napangiti. "Kung magsalita ka parang kilalang kilala mo na ako eh kagabi lang naman tayo nagkita" ang nasabi niya.

"Bakit hindi ba? What we did last night ay mas higit pa yata sa kayang gawin ng dalawang taon nang magkasintahan" makahulugang sabi ni Paul. "at baka gusto mong ulitin ko pa iyon sinabi mo sa akin kaya sobra akong nagliyab?" noon tumayo ang binata at nagsimulang humakbang palapit sa kanya.

Naalarma niyang binitiwan ang hawak na gunting saka wala sa loob na tumayo saka napaatras. Habang ang dibdib niya ang mabilis nang niraragasa ng matinding kaba. "W-What are you talking about?" aniyang hindi napigilan ang panginigan ng tinig.

"Kung gusto mo pwede nating ulitin ito, kahit ilang beses pa" nang maalala ang sinabing iyon ng binata ay mabilis na nag-init ang kanyang mukha.

"L-Lasing ako kagabi, hindi ko alam na nasabi ko iyon" pagsisinungaling niya sa kagustuhang isalba ang sarili sa matinding kahihiyan. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nasukol ng dingding.

"Really?" si Paul na umangat pa ang sulok ng labi. "paano kung sabihin ko sa'yong gusto ko iyong sinabi mo at gusto kitang angkinin ngayon mismo?" ang halos bulong na ng binata saka nito inilapit ng husto sa kanya ang sarili nitong mukha.

Napapikit siya nang malanghap ang mabangong hininga ng binata. "P-Please, alam mong mahina ako ngayon. Hindi ko na tinitingnan iyong nangyari kagabi kasi ako ang nag-seduce sayo pero huwag ngayon, please?" pakiusap niya sa kabila ng kagustuhan niya matikman ulit ang maiinit na halik ng binata.

Sa sinabi niyang iyon ay mabilis na lumambot ang aura ng mukha ni Paul. "Nag-lunch kana ba?" mayamaya ay tanong nito sa kanya saka bumalik sa kaninang kinauupuan.

Umiling siya. "I'm not hungry, isa pa kumain ako sa bahay kanina" aniya.

"Maganda itong classroom mo," compliment sa kanya ng binata.

Napangiti siya, sa kauna-unahang pagkakataon may lalaking naka-appreciate ng mundo niya. Ilang beses narin naman niyang naisama doon si Daniel dahil may mga pagkakataong sinusundo siya ng binata doon mismo pagkatapos ng klase niya. Pero kahit minsan man ay hindi niya ito nakaringgan ng ganoon.

"Salamat" aniyang nasisiyahang sinulyapan si Paul.

"Ngumiti ka lang palagi, siguradong titigil ang ulan kahit sa kalagitnaan pa mismo ng isang malakas ng bagyo" ang lalaking titig na titig sa kanya.

Iba ang naramdaman niya sa sinabing iyon ng binata. "If you don't mind, marami pa akong tinatapos na trabaho" pagtataboy niya sa rito.

Malapad na muli siyang nginitian ni Paul saka tumayo nang makuha marahil ang ibig niyang sabihin. "Okay" anitong nagpatiuna na sa paglabas ng classroom na minabuti niyang sundan. "okay lang ba kung hingin ko ang cellphone number mo?" nabakas niya sa tono ng binata ang pag-aalangan nito doon.

Nagyuko siya saka nag-ipon ng hangin bago muling nagbuka ng bibig at nagsalita. Tiningala niya ang binata at tinitigan ng tuwid sa mata sa kabila ng matinding kabog ng kanyang dibdib sa hindi rin naman niya maipaliwanag na kadahilanan.

"L-Look, hindi sa walang anuman sa akin ang nangyari between us, pero mas magiging okay ako kung hindi na tayo magkikita" prangka pero mahinahon niyang sagot.

Noon rumehistro sa mukha ni Paul ang matinding pagkabigla. "W-What?"

Magkakasunod ang ginawa niyang pagtango. "Magulo ang isipan ko. Ayoko nang idetalye sa'yo ang lahat dahil kung tutuusin hindi mo naman kailangan nang malaman ang tungkol doon. At isa pa, what happened between us last night ay ginagawa naman na nang kahit sino hindi ba? Sa modernong panahon ngayon? So charge it to experience, sana ito na ang huli nating pagkikita" aniyang inilahad ang kamay sa binata.

Nakita niyang nagsalubong ng husto ang mga kilay ni Paul saka niyuko ang kamay niya. Pagkatapos ay nagbuka ito ng bibig nang hindi tinanggap ang shake hands na iniaalok niya. "Ganoon ba? So I guess mali ako nang pagkakakilala sa'yo. Sige huwag kang mag-alala dahil ito na ang huli nating pagkikita. Goodbye" saka na siya tinalikuran ng lalaki.


ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum