Part 19

1.5K 37 0
                                    


NAPANGITI si Jessica sa nakitang reaksyon ng binata. Kaya naman sa pahapyaw na paraan ay minabuti niyang ikwento sa binata ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa matatandang nagmamay-ari ng transient house na tinutuluyan niya.

"Kaya pala Casa de Esperando?" si Paul matapos ang kanyang kwento.

Tumawa siya ng mahina saka humigop sa kapeng nasa kanyang tasa. "Nakakapanghinayang lang na hindi sila tumanda ng magkasama" aniya.

Tumango si Paul. "Pero naging masaya sila, at iyon ang importante. Sana lang hindi matulad sa kanila ang kwento nating dalawa kung sakali, kasi mas gusto ko paring makita lahat ng magiging pagbabago sa itsura mo habang tumatanda tayo ng magkasama" titig na titig sa kanya si Paul habang sinasabi iyon.

Inirapan niya ang binata bagaman nakangiti. "Ilang araw ka nga pala sa Manila bago bumalik rito?" nang hindi makatiis ay naitanong rin niya ang kanina pa niya gustong malaman.

Nangislap ang mga mata ng binata dahil doon. "Miss mo na ako agad huh" anitong nangingiti.

"Oy hindi ah! Para nagtanong lang naman ako ah!" aniyang nahawa narin sa reaksyon ng binata kaya hindi niya napigilan ang mapabungisngis at kiligin.

Nagkibit ng balikat si Paul saka umangat ang sulok ng labi nito. Halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Two days, saglit lang iyon" anito.

Tumango siya at tinapos na ang pagkain. Sa isip niya, alam naman niyang totoo ang sinabi ni Paul, mami miss niya ito. Pero kahit iyon pa ang talagang nararamdaman niya, at kahit pa sinabi ng binatang willing itong maging rebound husband niya. Hindi tamang aminin na niya ang lahat dito. Dahil kung tutuusin, nakuha na nga ng binata ang pinaka-iingatan niya ng walang kahirap-hirap. Hindi naman siguro masama kung magpapakipot siya sa ibang paraan.

"OH, nakabalik kana agad from Baguio eh kanina lang tayo nag-usap sa phone?" ang nasorpresang ni Beth kay Paul nang mapasukan niya ang ina na nagbabasa ng magazine sa sala kinagabihan.

Mula Baguio ay sa opisina na siya nagtuloy. At dahil nga ilang araw narin niyang hindi nakikita ang mga magulang niya ay minabuti niyang sa mansyon na maghapunan bago umuwi sa unit niya at doon magpahinga. Kinabukasan ang balik niya ng Baguio after ng lunch meeting na kaniya pang dadaluhan.

Yumuko siya saka hinalikan ang pisngi ng ina. "May inayos lang ako sa opisina" aniyang ibinagsak ang sarili sa malambot na sofa katapat ng okupado ng kanyang Mama.

"So I guess you're joining us for dinner?" ang ina niyang sinulyapan ang suot na relo. "tamang-tama, on the way narin niyan ang Papa mo, teka kung sa opisina ka nanggaling, hindi ba kayo nagkita doon kanina?"

Tumawa siya ng mahina. "Siyempre nagkita kami Ma. Baka may tinatapos lang na trabaho kaya ganoon. Anyway, sinadya kong hindi ipaalam sa kaniya ang pagpunta ko rito to surprise him" sagot niyang kinindatan pa ang ginang.

Umiiling na ibinaba ni Beth ang magazine sa ibabaw ng center table at tumayo. "Sige, ipahahanda ko na ang mesa. Kung bakit naman kasi kailangang sa condo na iyon ka pa maglagi eh ang laki-laki nitong bahay mo" anang kaniyang ina.

Nangalatak siya. "Alam naman ninyo ang dahilan ko hindi ba? Ayoko ng naiipit sa traffic" paalala niya sa ina.

Umikot ang mga mata ni Beth. "Mainipin ka pero nagagawa mong bumiyahe ng mahabang oras pa-Baguio? Ewan ko ba sa'yong bata ka" ang naiiling nitong sabi.

Lumapad ang pagkakangiti ni Paul dahil doon. "Ibang usapan naman kasi ang Baguio, Ma" aniyang hindi naitago ang kasiyahan sa tinig nang maalala si Jessica.

"Eh kailan ka pa titira dito sa bahay? Kapag pareho na kaming wala ng Papa mo?" ang Mama niyang humimig na tila nagtatampo.

Noon niya nakangiting nilapitan ang ina saka inakbayan at saka sinabayan patungo ng kusina para ipahanda sa mga katulong ang hapunan. "Wala namang ganiyanan Ma, siyempre kapag nag-asawa ako dito na ulit ako titira" totoo iyon sa loob niya.

"Kailan naman ang pag-aasawang iyan?" ang Mama ulit niya.

Makahulugan ang titig na ipinukol niya sa ina. "Malay ninyo next year? Basta hindi na magtatagal" aniya ng may katiyakan sa tinig.

Hindi na kumibo pa ang Mama niya at sa halip ay ngumiti nlang kaya hindi narin siya nagsalita. Habang sa loob-loob niya naroon ang matinding pangungulila niya para sa babaeng gusto niyang isiping naghihintay sa pagbabalik niya bukas sa Baguio.

Ang sarap isiping ilang taon mula ngayon ay ang mukha nito ang unang bubungad sa kanya pag-uwi niya ng bahay galing sa trabaho. Ang babaeng katabi niya sa pagtulog at babatiin niya kinabukasan pagkagising. Ang paglalanan niya ng buong buhay niya. Ang magiging ina ng mga anak niya. 

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now