Part 27

1.6K 31 0
                                    


MATAPOS nilang ipaalam sa mga magulang niya ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Paul ay minabuti niyang pauwiin narin ang binata. Malalim narin kasi ang gabi at alam niyang pagod na pagod narin ito. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho" paalala niya sa nobyo saka tinapik ang balikat nito.

Nakangiti siyang niyuko ng binata saka hinalikan. "Pumasok kana sa loob, good night" anitong binuksan ang pintuan ng kotse pagkatapos.

Tumango siya saka pa kinawayan ang nobyo bago nito pinatakbo palayo ang kotse. Ilang sandali rin siyang nanatili doon hanggang sa tuluyan na ngang naglaho sa paningin niya ang kanyang tinatanaw. Umakma siyang papasok na pero napigil ang kanyang paghakbang nang marinig ang isang pamilyar na tinig mula sa kanyang likuran. Noon umahon ang takot sa kanyang dibdib saka ito hinarap.

"Daniel!" aniya sa dating nobyo.

Alanganin ang ngiting pumunit sa mga labi nito. Humakbang palapit sa kanya saka umakmang aabutin ang kamay niya pero mabilis niya iyong iniiwas sa binata. "Kumusta kana? Miss na miss na kita" anito sa tinig na tila maiiyak pa.

Nagtaaas-baba ang dibdib niya nang magpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Saka saglit na pinakatitigan si Daniel. Ang ayos nito, nanlalalim ang mga mata at malaki ang ipinayat. Parang sampung taon ang itinanda nito dahil sa mga bigoteng nagtubuan sa buo nitong mukha.

"Okay lang ako" aniyang humakbang paatras. Nakita niyang nakatitig ang binata sa suot niyang singsing kaya nahagip ng paningin niya ang tila pagngangalit ng mga bagang nito dahil doon.

"Ikakasal kana sa lalaking iyon? Bakit ang bilis naman yata?" ang tila nang-uusig nitong magkakasunod na tanong.

"Wala akong dapat na ipaliwanag sa'yo. Makakaalis kana" aniyang tinalikuran ito pero mabilis nitong nahagip ang braso niya na agad din niyang binawi.

"Bumalik kana sakin, miss na miss na kita. Hindi ko ginusto ang mga nasabi ko, I'm sorry" sumamo nito.

Marahan niyang binawi ang sariling braso kay Daniel. "Hindi ko magagawa iyan, mahal ko si Paul."

"Ano? Eh ako? Hindi mo na ba ako mahal? Dalawang taon tayo, hindi ka ba nanghihinayang doon?" giit sa kanya ni Daniel sa tila napipikon pang tono.

"Hindi nasusukat sa tagal ng pinagsamahan kung gaano katotoo ang isang pagmamahal Daniel. Masaya na ako ngayon kay Paul, at isa pa wala na akong planong makipagbalikan sa'yo dahil lately na-realize kong hindi nga siguro ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa'yo" alam niyang masakit pero mabuti narin iyon. Kaysa hayaan niyang patuloy itong umasa na pwede parin nilang ibalik ang dati.

"Bakit? Dahil ba mayaman siya? O mas magaling sa kama?" ang galit na turan ni Daniel na kanyang ikinabigla.

"Minahal kita sa paraang alam ko, pero tapos na tayo. Kaya sana hayaan mo na ako" aniya saka ito tinalikuran na. Alam niyang kung hindi niya gagawin iyon ay patuloy lang na hahaba ang usapan at kapag nagkagayon malaki ang posibilidad na makatawag sila ng atensyon ng mga kapitbahay.

"Kung iniisip mong ganito kadali ang lahat nagkakamali ka Jessica" napigil ang mga hakbang niya sa narinig. Nilingon niya si Daniel at noon niya nakita ang panganib sa mukha nito. "babawiin kita sa kanya, akin ka at kung hindi rin lang kita mababawi, titiyakin kong hindi ka pakikinabangan ng kahit na sino. Tandaan mo iyan!" pagkasabi niyon ang mabilis na naglakad palayo.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now