Part 28

1.7K 32 0
                                    


LUMIPAS ang mga araw at hindi na muling nagpakita pa sa kanya si Daniel. Magandang senyales iyon sa kanya at lihim niyang ipinagpasalamat kaya naman hindi na niya binanggit kay Paul ang tungkol sa pagbabantang binitiwan nito nang gabing huli niyang makausap ang dating nobyo.

Nagbukas na ang klase at gaya ng gusto niyang mangyari noon pa man, maayos na siya at masaya. Kaya naman tuwang-tuwa ang kaibigan niyang si Eloisa dahil doon. Lalo nang ipagtapat niyang engage na sila ni Paul at kasalukuyan na nga nilang sinisimulan ang pag-aayos ng kanilang kasal.

Ang mga magulang nila ng binata ay nagkaroon narin ng pagkakataong magkakilala ng personal. At iyon ay nang gabi ng wedding anniversary ni Tito Manuel at Tita Beth kung saan isina-pribado ng mga ito ang hapunang para sa kanila lang talaga. Masaya siyang nakikitang magkasundo ang mga ito kaya naman wala na siyang nakikitang pwedeng maging problema nila ng binata.

Habang si Paul? Kung may nagbago man siguro sa binata, iyon ay nararamdaman niyang mas minamahal siya nito araw-araw. Hindi ito nagpapagod na padalhan siya ng purple roses araw-araw, sa eskwelahan, kaya naman kinikilig ang mga co-teachers niya para sa kanya.

Lunes nang hapon nang bumuhos ang malakas na ulan. Napangiwi siya nang mula sa paghahagilap sa loob ng kanyang bag ay hindi niya nakita ang hinahanap na payong. Napabuntong hininga siya saka minabuting gumawa nalang ng lesson plan para sa kinabukasan niyang klase.

Nalibang siya ng husto sa ginagawa kaya naman tamang tumila ang ulan ay noon naman siya natapos. Sa labas ng eskwelahan siya nag-abang ng masasakyang traysikel at saktong may huminto agad sa harapan niya. Noon naman tamang tumunog ang telepono sa loob ng kanyang bag. Dahilan kaya hindi niya nakuhang kilalanin ang driver ng traysikel na nasulyapan niyang may takip ng panyo ang kalahati ng mukha. Hindi naman na bago sa paningin ng mga taga-roon ang ganoon ayos ng mga traysikel driver lalo na kung mainit ang panahon o kaya naman ay maalimuom ang lupa. Gayun pa man nagawa niyang sabihin ang lugar na paghahatiran nito sa kanya.

"Pauwi na ako" ang masaya niyang tinig habang kausap ang nobyo na nasa kabilang linya. "sige hihintayin kita, kung sa bahay ka maghahapunan ako nalang ang magluluto para sayo" ang excited niya pang turan bago pinatay ang kanyang cellphone at saka iyon ibinalik sa loob ng kanyang bag para lang mapakunot noo nang mapunang ibang daan ang tinatahak ng traysikel.

"Manong, hindi ito iyong way papunta sa sinabi kong address sa inyo" sita niya sa lalaking nakatakip ng panyo ang kalahati ng mukha.

Hindi ito sumagot kaya minabuti niyang kunin ulit ang atensyon nito. "Manong! Naririnig naman ninyo ako bakit hindi kayo sumasagot?" kinabahan siyang bigla nang mapunang hindi na pamilyar sa kaniya ang dinaraanan nila. At kapansin-pansin rin ang biglang pagbilis ng kanilang takbo na nang hindi maglaon ay parang lumilipad na iyon, kumapit siya sa handrail ng traysikel, pero hindi niya mapigilan ang matakot lalo matutuling jeep at maraming pribadong sasakyan ang kasalubong at kasama nila sa kalsada.

"Sinabi ko naman sa'yo hindi ba? Akin ka lang at walang ibang pwedeng makinabang sa'yo!" matapos iyon ay noon hinubad ng lalaki ang panyo sa mukha nito. Noon nagtuminding higit ang takot sa dibdib niya.

"D-Daniel!" nanlalaki ang mga mata niyang bulalas.

Tumawa muna ng malakas ang binata bago muling nagsalita. "Bakit parang takot na takot ka? Dati kapag nakikita mo ako kakaibang kislap sa mga mata mo ang nakikita ko, ngayon bakit parang nakakita ka ng multo?" anitong pagkasabi niyon ay muling tumawa.

Nanakit ang lalamunan ni Jessica sa narinig dahil sa pagpipigil niyang mapahagulhol ng iyak gawa ng matinding takot. Pakiwari niya'y tawa iyon ng demonyo na gusto siyang itulak sa kumukulong langis ng impyerno.

"Parang awa mo na Daniel, alam ko hindi mo kayang gawin ang ganito. Hindi ka masama" tuluyan na nga siyang napaiyak nang pumasok sa isip niya ang lahat ng pwedeng gawin sa kanya ng dating nobyo.

"Tama ka, hindi nga ako masama. Pero para sayo kaya kong maging masama. Hindi naman mahirap ang hinihingi ko hindi ba? Bumalik kana sa akin, kasi ayokong mawala ka! Pero nagmatigas ka! Ano nalang ang mangyayari sa buhay ko? Magmumukha nalang akong talunan at kaawa-awa!" anito sa galit na tinig saka siya mabalasik na sinulyapan, naramdaman din niyang higit pang bumilis ang kanilang takbo kaya lalong dinaluyong ng kaba ang kanyang dibdib.

"Ikaw naman ang nang-iwan sakin Daniel! Ikaw ang unang nanakit!" ang galit narin niyang sigaw nang mapuna nasa isang malaking highway na sila.

"Kasalanan mo iyon! Kung pumapayag ka lang na mag-sex tayo sana hindi ko ginawa iyon!" bulyaw nito sa kanya.

Natigilan siya sa narinig. Kung iyon lang ang dahilan ni Daniel ay tama lang na nagkahiwalay sila, nangangahulugan ngang hindi siya talagang mahal ng binata. "Please, tama na. Hayaan mo na akong maging masaya, mahal ako ni Paul" ang nagsusumamo niyang iyak matapos ang lahat ng narinig mula rito.

Umiling si Daniel. "Hindi! Sinabi ko nama__" hindi na naituloy pa ni Daniel ang iba pang nais sabihin nang biglang sumulpot sa unahan nila ang isang rumaragasang FX. Sa kaibigan ng binatang iwasan iyon ay kinabig nito ang manibela pakaliwa. Pero huli na dahil nasagi na ng FX ang tagiliran ng sidecar kung saan siya nakasakay.

Parang nananaginip siyang napatili nang bumaligtad ang traysikel na nagmistulang trumpong umikot ng umikot sa gitna ng highway. Iyon lang ang natatandaan niya dahil mabilis naring nilamon ng kadiliman ang kanyang paligid.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now