Part 4

2K 46 0
                                    


HINDI napagilan ni Paul ang mapangiti habang pinagmamasdan ang isang napakagandang babaeng nakaupo sa may bar counter. Ang totoo parang hindi iyon ang unang pagkakataon niya itong nakita. Parang pamilyar ito sa kanya, kung kailan at saan, iyon ang hindi niya matandaan. Mestisahin ang kulay ng balat nito habang itiman naman ang buhok mahaba nitong buhok na nakapusod. Maganda ang pagkaka-arko ng mga kilay na bumagay sa suot nitong eyeglasses na itim na ang frame. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Pero ang totoong umagaw nang pansin niya kanina nang pumasok ito ay ang suot nitong floral dress na hindi karaniwan sa ganoong mga lugar.

Noon niya naisip na baka hindi ito sanay sa ganoong mga lugar. At hindi nga siya nagkamali. Napatunayan niyang tama ang kanyang hinala nang sa halip na simsimin ay matagal muna nitong pinagmasdan at tila pinag-aralan ang lamang alak ng baso nito.

I think I just met the most beautiful girl in the world. Ang naisip pa niya nang makita itong sumulyap sa kanya at saka palang nagtama ang kanilang mga mata. Noon sumabay ang kakaibang sikdo ng damdamin sa kanyang dibdib.Kaya naman walang pagdadalawang isip siyang tumayo saka mabilis na humakbang palapit sa babae. At habang papalapit siya rito noon nagkaroon ng linaw sa kanya ang lahat. Kung saan at kailan niya ito unang nakita.

I'm glad we meet again. Dahil kung noon hinayaan kitang makawala, hindi na ngayon dahil wala ng dahilan para gawin ko iyon.

"HI" ang bungad kay Jessica nang lalaking kanina ay pansin niyang panay ang sulyap sa kanya. Naupo ito sa katabi niyang stool saka nakangiting pinagmasdan siya.

Gwapo ang lalaki kung tutuusin. Mestisuhin at matangkad, pero dahil siguro sa iyon ang unang pagkakataong uminom siya at aminado naman siya sa sariling tinablan na siya ng alak ay matalim ang titig niyang sinulyapan ang kaharap. "Hi yourself" ang mataray pero mahina niyang sagot saka tinunggang muli ang laman ng baso. Ikalawa na niya iyon.

Narinig niya ang mahinang tawang pinakawalan ng lalaki. "Mukhang hindi ka sanay dito? First time mo ba?" nakita niyang sinenyasan ng lalaki ang bar tender at humingi ng maiinom.

Nagkibit siya ng balikat. "Ano bang pakealam mo?" ang sa halip ay isinagot niya saka sinulyapan ang lalaki.

Umaaasa siyang kakikitaan niya ng pagkapahiya ang mukha nito pero nabigo siya. Sa halip ay matinding amusement ang pirming nasa mga mata nito. "You are very beautiful, alam mo ba iyon?"

Sa sinabing iyon ng lalaki ay mabilis siyang pinamulahan. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakatanggap si Jessica ng compliment. Kaya naman agad siyang naguluhan nang maramdaman ang matinding pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "T-Thanks" aniya parin.

Tumango ang lalaki. "I'm Paul" anitong iniabot ang kamay sa kanya.

Nakangiti niya iyong tinanggap. "Jessica" aniyang tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki.

"Lovely name" anito.

Napaingos doon ang dalaga. "Ganyan din ang sinabi niya ang una niyang nalaman ang pangalan ko" mapait niyang sambit nang maalalang bigla si Daniel.

"Are you okay? Gusto mo bang ihatid kita?" nag-aalalang tanong ni Paul sa kanya.

Tumawa siya saka naiiling na sinulyapan si Paul. "Okay ka lang? Hindi mo naman ako kilala ah!"

Tumango ang lalaki. "Come on?" anitong tumayo para alalayan siya.

Nahihilo niyang sinapo ang noo saka nagsalita. "Tumigil ka, kaya ko ang sarili ko kaya layuan mo nalang ako" aniya sa mababang tono pero mariin.

"Look Jess, hindi ako masamang tao. Hayaan mong ihatid kita? Sa ayos mo ngayon hindi na kita pwedeng talikuran nang basta-basta nalang kasi..." nasa tono naman talaga ni Paul ang pag-aalala pero hindi niya gustong paniwalaan iyon kaagad dahil nga noon lang niya ito nakita.

"Because you're involved now?" aniyang sinundan pa iyon ng mahinang tawa saka nagpatuloy at muling sinimsim ang alak sa kanyang baso. "narinig ko na iyan, sinabi iyan ni Jack kay Rose" saka niya nakakalokong sinulyapan ang lalaki.

Hindi nagsalita si Paul at sa halip ay tinitigan lang siya. Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan. Mayamaya pa ay nagpasya na siyang umuwi. Tumayo siya pero iba ang nangyari. Mabuti nalang at mabilis siyang nasalo ng lalaki.

"I told you" anitong nangingiti. "halika na," pagpapatuloy pa nito saka siya walang kahirap-hirap na pinangko.

Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na ikawit ang sariling kamay sa batok ng lalaki saka tila matagal na kakilala na niyang isinubsob ang mukha sa leeg nito. Noon nanuot ng husto sa ilong niya ang scent ng cologne na gamit nito.

"Saan kita pwedeng ihatid?" ang narinig niyang tanong ng lalaki sa kanya matapos siyang ipasok at maayos na naiupo sa loob ng kotse nito.

Nahihilo man ay sinikap niyang idilat ang kanyang mga mata. "Ang gwapo mo naman pala" ang nasabi niya sa halip saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa nang mapagmasdan niya ng husto ang mukha nito. Nang makaramdam ng pagkahilo ay muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Maganda ka rin, perfectly beautiful actually" pikit man ang mga mata ay ramdam niya sa tono ni Paul ang katotohanan ng sinabi nito. Pero sa halip na ma-flatter ay mabilis na nag-init ang mga mata niya sa narinig.

"Alam mo ba ang pakiramdam ko ngayon? Ako ang pinakapangit na babae sa buong mundo?" at nagsimula na nga siyang umiyak. "tapos ngayon sinasabi mo iyan" aniyang nilingon ang lalaki. "nakakatawa, gusto kong maniwala pero parang ang hirap" saka siya nagpahid ng mga luha.

"Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko at kung ano ang totoo" anitong binuhay makina ng sasakyan pagkatapos. "tell me,saan kita pwedeng ihatid?"

Nang mga sandaling iyon, noon lang napatunayan ni Jessica na totoo ang sinasabi ng iba na kahit lasing ay malinaw paring nakapag-iisip ang isang tao. Dahil mabilis siyang nabahala nang maalala ang pwedeng maging reaksyon ng mga magulang niya oras na umuwi siya nang ganoon ang ayos at kasama pa ang isang estrangherong lalaki.

"K-Kahit saan, basta huwag samin" ang sa halip ay naisagot niya.

"Are you sure?" paniniyak ni Paul.

Naramdaman niya ang paggalaw ng sasakyan. "Oo, nakakahiya sa pamilya ko, ano nalang ang iisipin nila kapag inihatid ako ng isang estranghero sa ganito ayos?"

"Okay" ang tanging narinig niya. "sa condo ko, ayos lang sa'yo?"

"Bakit doon? Wala ba kayong bahay?" ang pikit-mata parin niyang tanong.

Narinig niya ang mahinang tawang pinakawalan ng binata. "Meron, mas malapit lang kasi ang unit ko sa office. Ayoko kasi ng nata-traffic. At isa pa, regalo iyon sa akin ng Papa ko, sayang naman kung hindi ko matitirhan" ang mahabang paliwanag ng binata.

"Mayaman siguro kayo kaya pinanreregalo lang ninyo ang condo" aniyang sinundan pa ang sinabi ng mabining tawa.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Kde žijí příběhy. Začni objevovat