Part 20

1.7K 33 0
                                    


NANG gabing iyon nasa kanya nang kwarto si Jessica nang makarinig siya ng magkakasunod na katok sa pinto. Tumayo siya at pinagbuksan ang kumakatok. Si Aling Nenet na maganda ang pagkakangiti sa kanya.

"Ano ho iyon Aling Nenet?" bungad niya sa ginang.

"Pinatatanong ni Lola kung gusto mo raw siyang sabayang kumain ng hapunan? Simula kasi kaninang umaga pagkatapos mong mag-agahan sa labas eh nagkulong kana riyan" anito.

Sa narinig ay agad na nakaramdam ng gutom ang dalaga. "Sige ho susunod na ako" paunlak niya.

Ginisang gulay at pritong isda ang nakahain sa mesa. Nakita niyang tatlo ang plato, napangiti ang dalaga. Mukhang plano na talaga ni Lola Loreta ang isabay siya sa hapunan. Humaplos ng husto sa puso niya ang isiping iyon.

"Halika na hija, masarap magluto si Nenet kaya tiyak na mabubusog ka" anitong itinuro ang mesang nasa kanan ng kabisera. "mukhang hindi ka yata binisita ni Paul ngayon?" ilang sandali nang kumakain na sila.

Tumango siya. "Lumuwas po ng Maynila, bukas ang balik niya" aniya.

"Nobyo mo ba ang binatang iyon hija?" ang matanda ulit.

Napatitig siya kay Lola Loreta dahil sa tanong na iyon saka magkakasunod na umiling makalipas ang ilang sandali. "Magkaibigan lang po kami" pagsasabi niya ng totoo.

"Ganoon ba? Eh bakit napapansin namin ni Lola laging parpol na rosas ang ibinibigay sa'yo?" salubong ang mga kilay na tanong ni Aling Nenet sa kanya.

Natawa siya ng mahina sa pagkakabigkas ni Aling Nenet ng salitang purple pero hindi siya nagpahalata. "Aling Nenet naman, binigyan agad ng malisya iyon?" pero deep inside ay kilig na kilig siya.

Nakita niyang nakangiti si Lola Loreta nang malingunan niya ito. Noon nagsalita ang matanda. "Hindi mo ba alam na may kahulugan ang bawat kulay ng rosas anak?"

Sandali siyang nag-isip. "Ang alam ko lang po iyong red, love ang ibig sabihin nun di po ba?"

Tumango si Lola Loreta. "Love and Romance" pagtatama nito.

"Ang parpol alam mo ba kung ano?" si Nenet ulit. Umiling siya kaya sumagot muli ang katiwala. "Love at first sight ang ibig sabihin nun!" anitong sinundan pa ng kinikilig na hagikhik ang sinabi.

"Love at first sight?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

I'm sure kapag sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganito hindi mo naman ako paniniwalaan"

Nang maalala ang sinabing iyon sa kanya ng binata kahapon ay bigla siyang kinutuban pero minabuti parin niyang walain iyon. Kahit ang totoo alam niya mismo sa sarili niyang natutuwa siya sa nalaman, totoo man iyon o hindi.

"Ayoko kong umasa" aniya sa mababang tinig saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang magtaas siya ng ulo ay nakita niyang nagpalitang ng makahulugang tingin ang dalawa. Pagkatapos ay nakangiti at masaya ang bukas ng mukhang nagsalita si Lola Loreta. "Tama naman iyon, huwag kang umasa para hindi ka masaktan. Pero gaano man kasakit ang nakaraan mo, lagi mong iisiping nangyari iyon dahil naghihintay sa'yo ang tunay na kaligayahan sa hinaharap. Kaya huwag mong isasara ang puso mo, subukan mo ulit."

Hindi nakapagsalita si Jessica sa narinig. Wala siyang natatandaang sinabi niya sa matanda tungkol sa nangyari sa kanya pero parang alam na alam nito ang dahilan kung bakit siya nandoon. Siguro ganoon talaga ang mga matatanda, malakas ang pakiramdam at kayang basahin ang sinuman.

MALAKAS ang buhos ng ulan kinabukasan nang magising si Jessica past six ng umaga. Kagabi bago siya natulog ay nakatanggap pa muna siya ng tawag mula kay Paul. Pauwi na noon ang binata sa condo nito dahil sa bahay ng mga magulang nito ito kumain ng hapunan.

Kinumusta lang naman siya ni Paul. Tinanong nito kung kumain na siya at kung ano ang ginawa niya maghapon. Narinig niyang tumawa ito ng mahinang nang sabihin niyang maghapon lang siyang nagkulong ng kwarto at nagpahinga. Hindi na niya inamin ritong wala siyang ganang gumala dahil nga nami-miss niya ang company ng binata.

Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay tanaw ang maraming nagtatayugang pine trees. Maging ang makapal na hamog na bumabalot sa paligid na lalong nakapagpaganda sa view. Talagang napaka-romantic at kahit hindi niya aminin nasa puso niya ang panghihinayang dahil wala si Paul sa tabi niya nang mga sandaling iyon.

Noon siya natigilan sabay nagbuntong-hininga. Ano bang nangyayari sa'yo Jessica? Tanong niya sa sarili saka isinarang muli ang makapal na kurtina. Ibinagsak muli ang sarili sa malambot na higaan saka mahigpit na niyakap ang isang malambot na unan. Inabot niya ang cellphone na nakapatong sa sidetable saka parang wala sa sariling tinitigan ang screen niyon.

Tatawagan ko ba siya? Gusto kong marinig ang boses niya.

Iyon naman talaga ang gusto niyang gawin kahit pa alam niyang mamayang gabi ay posibleng nakabalik na ng Baguio si Paul. Ayon narin kasi sa binata ay after lunch ang byahe nito pa-Baguio. At totoong excited siyang muli itong makita at makasama. Pero sa kabila ng matinding paghahangad na makausap ito, nagdadalawang isip talaga siya para tawagan ito. Hindi niya alam kung bakit pero may palagay siyang dahil iyon sa kakaibang damdaming mayroon siya para rito.

"Bahala na nga!" bulong niya. Dalawang ring at narinig na niya ang boses na totoong nagpangiti sa kanya at nagpabilis ng tibok ng puso niya.

"Jess, you surprised me! Kumusta kana?" ang masiglang bati sa kanya ng binatang nasa kabilang linya.

Sa pagkakarinig sa boses ni Paul ay awtomatiko siyang napangiti. "Naku napindot lang, sorry wrong dial!" hindi niya inasahan ang birong lumabas sa bibig niya pero hindi rin naman niya iyon pinagsisihan lalo nang marinig niya ang masayang tawa ng binata mula sa kabilang linya.

"Really? Wrong dial huh?" anito sa amuse na tono. "I miss you" pagkuwan ay banat nito.

Wala man sa harapan niya si Paul ay mabilis na nag-init parin ang mukha niya dahil doon. "I-I-Ingat sa byahe" aniyang hindi naitago ang panginginig ng tinig. "a-ano palang gusto mong d-dinner?" hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na itanong iyon pero gaya kanina, wala siyang pinagsisisihan.

"Ipagluluto mo ako?" ramdam niya ang pananabik sa tono ni Paul kaya mabilis na binalot ng matinding kaligayahan ang puso niya.

Tumawa siya ng mahina. "Oo naman, ikaw pa ba ang hindi ko ipagluluto?" totoo iyon sa loob niya.

"Right, mahilig kasi ako sa tinolang manok, alam mo bang lutuin iyon?" nagbibirong tanong sa kanya ng binata.

"Naman! Kahit nakapikit pa! Sige ako nang bahala basta umuwi ka sakin ng ligtas okay?" mabilis siyang napangiwi dahil sa huling tinuran pero hindi na niya mababawi iyon.

"I kind of like that, sana dalas-dalasan mo ang ganyang mga salita para laging buo ang araw ko" masayang sagot ni Paul.

Tumaba ang puso ni Jessica sa narinig. Alam niyang totoo ang lahat ng sinasabi ni Paul dahil nararamdaman niya ang mga iyon. Bukod pa iyon sa pakiramdam niyang parang matagal na niyang kasama ang binata gayong mag-iisang buwan palang naman mula nang makilala niya ito? Nang may mangyari sa kanila. Sa huling naisip ay muli nanaman siyang pinamulahan.

Hindi nagtagal at nagpaalam narin ang binata. Habang siya naman ay nakangiti at kinikilig pang niyakap ng mas mahigpit ang kanina pa niya hawak na unan. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari at nararamdaman niya. Oo nga at masakit ang ibinunga sa kanya ng pakikipaghiwalay ng biglaan sa kanya ni Daniel, pero iba na ang nararamdaman niya ngayon. At masasabi niyang unti-unti nakakamove on na nga siya mula sa dating nobyo. Sa tulong iyon ni Paul.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now