Part 18

1.5K 39 0
                                    


KINABUKASAN, magkakasunod na ring ng kanyang cellphone ang gumising kay Paul. Numero ng Mama niya ang naka-rehistro sa screen ng kanyang telepono kaya agad niya iyong sinagot. At dahil tila nahuhulaan na niya ang dahilan ang tawag na iyon, inihanda na nga ng binata ang sarili para sa maagang sermon mula sa kanyang ina.

"Ma..." patamad niyang bungad sa ina.

"Paul Ivan Devantes! Bakit ang sinabi sa akin ng sekretarya mo nasa Baguio ka raw? Anong ginagawa mo riyan at bakit hindi ka man lang nagpasabi?" ang mataray nitong bungad sa kanya na kanya namang ikinangiti.

Natatawa siyang nagsalita. "Mama naman, hindi mo pa nga ko binabati ng good morning iyan na agad ang bungad ninyo sa akin?"

"Tumigil ka! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo! Anong akala mo sa amin ng Papa mo? Tau-tauhan? Hindi porke nasa tamang edad kana at hindi dito sa mansyon nakatira ay magagawa mo nang umalis ng walang pasabi, paano kung may mangyari sa'y? Saan ka namin hahagilapin?" ang galit paring tanong ng kanyang ina.

Noon siya napabuntong hininga saka nagsalita. "Right, I'm sorry. Ang totoo na-excite lang ako, pasensya na" sa mahinahong tinig niyang sagot.

"Okay, nariyan kana man na at wala na kaming magagawa. Pero sana naman anak huwag mo nang gagawin ang ganito, napakadaling tumawag o magtext" noon nagbago ang tono ng Mama niya kaya napangiti narin si Paul.

"I'm so sorry Ma, promise hindi na ito mauulit" paniniyak pa niya.

"Yeah, anyway, ano na nga palang ginagawa mo riyan at mukhang biglaan ang lahat?" ang mabait na tanong ng ina niya sa kanya.

"It's a surprise" ang nakangiti niyang sabi saka sinulyapan ang suot na sports watch.

"Really?" narinig natawa ang kanyang Mama sa kabilang linya. "na-curious tuloy ako. Anyway mag-iingat ka riyan" bilin pa nito.

"Sure, I love you both" sabi niya bago naputol ang linya.

GAYA kahapon, maagang nagising si Jessica. Pero hindi na siya nag-ikot sa kabuaan ng bakuran ng transient house dahil minabuti nalang niyang hintayin si Paul sa may garden set. Tinawagan kasi siya ng binata na on the way na raw ito at sabay na silang kakain ng agahan sa labas.

Maluwang siyang napangiti nang bumaba ang binata sa dala nitong sasakyan. Napaka-gwapo sa suot nitong sweatshirt na maroon. "Hi" ang bati niya nang makalapit ang binata sa kanya. Iniabot ni Paul sa kanya ang isang bouquet ng purple roses, kagaya ng kahapong ipinasalubong nito sa kanya. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon ng nakayuko.

"Let's go?" si Paul sa kanya.

Tumango siya. "Hintayin mo ako sandali ipapasok ko lang ito sa kwarto ko" ang tinutukoy niya ay ang bouquet.

"Sure" ang binatang tumango.

Sa isang sikat na coffee shop siya dinala ni Paul. At gaya ng napagkasunduan nila kagabi, agad na binuksan ng binata ang topic tungkol sa iniaalok nitong kasal sa kanya.

"P-Pwede ko bang pag-isipan pa? Kahit ilang days lang?" aniya.

TINITIGAN niya ng matagal si Jessica kaya nakita niya ang kalituhan sa mga mata ng dalaga. Kung titingnan sa positive side, may chance na mapapayag niya ito sa alok niya. At willing siyang maghintay kung para rin lang sa dalaga.

"Oo naman" aniyang biglang napigil ang ilan pang gustong sabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang screen, si Nadine kaya minabuti niyang mag-excuse para tanggapin ang tawag.

"I'm sorry" aniya nang makabalik sa kanilang mesa.

"Sa office?" ang nakangiting tanong ni Jessica.

Tumango siya. "Kailangan kong lumuwas na muna ng Manila, may aasikasuhin lang sa negosyo. Babalikan kita, hintayin mo ako" hindi pa man ay nami-miss na niya ang dalaga.

Nakita niyang rumehistro ang lungkot sa mukha ng kaharap na mabilis rin namang pinawi nang maganda nitong ngiti. "Really, babalikan mo ako? Baka naman matulad ako kay Lola Loreta? Hanggang ngayon naghihintay sa pagbabalik ni Lolo Lorenzo?" pabiro pero kinuha ng sinabing iyon ng dalaga ang atensyon niya.

"Lolo Lorenzo?" aniya.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now