Part 6

1.9K 45 4
                                    


PARANG mawawala sa sariling tinugon ni Jessica ang ngayon ay maiinit ng halik sa kanya ni Paul. Gaya nga ng sinabi niya kanina, hindi na importante sa kanya tama man ito o mali, ang mahalaga sa kanya, ang makalimot siya. Dahil kahit hindi niya aminin, at kahit pa lango siya nang nainom na alak, malinaw niyang naiisip na simula kanina ay bahagyang nabawasan ang sakit na gawa ng breakup nila ni Daniel. At gusto niyang magtuloy-tuloy iyon, kaya niya ginagawa ang ganito.

"Turn the light off" bulong niya nang bumaba ang maiinit na labi ng binata sa kanyang leeg.

"Huwag" anito. "gusto kitang makita ng mabuti" dugtong pa nito.

Naalarma man pero wala siyang balak na itigil ang ginagawa kaya muli siyang nagsalita. "P-Please?" pakiusap niya.

Narinig niyang huminga muna ng malalim ang binata bago inabot ang lampshade, at nagdilim na nga ng tuluyan ang buong paligid. Pero ang radio ay nagpatuloy parin sa pagpi-play ng malalamyos na awitin. At totoong nakadagdag iyon sa kakaibang atmosphere na mayroon noon ang kabuuan ng kwarto.

"Mabuti nalang pala naiwan kong bukas ang pinto. Kahit papaano nakikita parin kita" habang ibinababa ni Paul ang pagka-zipper ng bestida niya mula sa likuran ay iyon ang narinig niyang sinasabi nito.

Napasinghap siya nang maramdaman niya ang mainit na kamay ng binata sa kanyang likod. Noon siya nagdilat ng mga mata para makita ang tinutukoy nito. "Even in the dark, you're still very attractive" hindi niya napigilang sabihin ng may paghanga saka dinama ang kaliwang pisngi nito.

Ngumiti si Paul saka ibinaba ang suot niyang dress pagkatapos ay walang anuman iyong inihulog sa sahig. Sumunod nitong kinalas ang pagkakahook ng kanyang bra hanggang sa wala na nga itong itinira.

"They're beautiful" anito habang titig na titig sa magkabila niyang dibdib.

Malakas siyang napasinghap nang bigla ay niyuko ni Paul ang isa sa mga iyon saka ikinulong ng mainit nitong bibig. At dahil iyon ang unang pagkakataong naranasan niya ang lahat ng ito maliban sa yakap at halik, awtomatiko nang naipulupot niya ang dalawang braso sa leeg ng lalaki saka ito hinayaang ihiga at kubabawan siya.

Matagal na sandaling nagmistulang gutom na sanggol si Paul na naghahanap ng gatas doon. Pinaglipat-lipat nito ang mainit nitong labi sa dalawa niyang umbok habang ang kamay nito ay abala sa ginagawang pagtuklas sa bawat kurba at bahagi ng kanyang katawan. Kaya naman hindi iilang beses ang impit na mga ungol at daing nang pinakawalan niya dala narin ng matinding kaligayahang ipinadarama sa kanya ng binata.

"Oh baby I want you now" anitong nagmamadaling hinubad ang suot na saplot saka pagkatapos ay binalikan ang ayos nito kanina.

Hindi niya napigil ang sariling mapasinghap nang dahil sa kawalan narin ng saplot ni Paul ay nagkadikit na ng husto ang mga balat nila. Muli siyang hinalikan ng binata at tinugon niya iyon sa kaparehong paraan. Pagkatapos dala narin marahil ng matinding curiosity ay kusang bumaba ang isang kamay niya sa bagay na nasa pagitan ng mga hita ng binata.

Nanlaki ang mga mata niya saka napatitig kay Paul na noon ay napuna niyang nakangiti sa kanya. "Nakita mo ang epekto mo sakin?" anitong niyuko siya saka kinintalan ng isang simpleng halik ang kanyang mga labi.

"S-Sa tingin mo kaya ko ito?" at the age of twenty one ay virgin pa siya. At sa nakapa niya, oh dear, mukhang mahihirapan siya.

Noon hinawakan ni Paul ang dalawang kamay niya saka itinaas. Pagkatapos ay tila nanunukso pa nitong ikiniskis ang ibaba nito sa kanya. Napapikit siya sa tindi at sarap ng sensasyong nilikha niyon sa kanya. "Oh please Paul" siya man ay hindi matiyak kung para saan ang please na iyon.

Maganda ang kislap sa mga mata nang binatang dinama ang bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Sinuyo nito iyon sandali kaya siya impit na napaungol. "You're ready now" anitong muli nanaman siyang hinalikan sa tila ba nagpaparusang paraan. Kung para saan, hindi niya matiyak. Pero hindi rin naman nagtagal at nalaman niya ang ang dahilan kung ano. "damn you for driving me mad" anitong tila wala sa sariling muli nanaman inangkin ang kanyang mga labi.

Nanginig siya nang maramdaman niya si Paul sa kanyang unahan. Pero nanatiling angkin nito ang mga labi niya, kaya naman nang simulan siya nitong pasukin ay hindi kumawala sa kanya ang mahinang hikbi dahil nakulong iyon sa kanyang bibig.

Hindi niya tiyak pero parang may ideya si Paul na iyon ang kanyang una kaya napakarahan nito sa simula. At ang mga halik nito, malaki ang naitulong para kahit paano ay walain ng kaunti ang sakit na sa kalaunan ay nahalinhinan rin naman nang walang kaparis sa ligaya.

Ilang sandali pa at tila pareho narin silang naghahabol. Walang kalaban-laban, kagaya kanina ay hinawakan ni Paul ang dalawa niyang kamay saka iyon itinaas sa kanyang ulunan at hinayaan lang niya ito. Pikit ang mga mata siyang humahalik rin sa binata. Pero alam niyang wala siyang ipapanalo rito dahil mukhang bihasa si Paul sa pagpapaligaya ng babae at ganoon ang ginagawa nito sa kanya ngayon lalo at para na siyang mawawala sa sariling katinuan dahil sa mas papabilis pa nitong galaw.

"Oh Paul, faster please" aniya pa habang tila wala sa sariling hindi manlang tinangkang ibaba ang kamay na hanggang ngayon ay hawak parin ng binata sa posisyong pinaglagyan nito kanina.

Masunurin namang binilisan pa nga ng binata ang ginagawang pag-angkin sa kanya. At doon siya tuluyan na ngang napasigaw. Lumaki siyang conservative at may pagpapahalaga sa pagkababae, pero ngayon, sa kaligayahang nararamdaman niya at ipinadarama sa kanya ng binata alam niyang wala siyang kailangang pagsisihan. Hindi niya tiyak kung bakit at paano pero iyon ang nararamdaman niya at sapat na iyon sa kanya.

Naramdaman niyang malapit na siya doon, at may palagay siyang ganoon rin ang binata kaya naman minabuti nitong pakawalan na ang mga kamay niya. Noon mahigpit niyang iniyakap ang mga iyon sa kaniig. Nanginginig ang kabuuan niya at para siyang sinisilaban. Naging mas mariin ang ginagawa na ngayong pag-angkin sa kanya ni Paul. Na para bang alam nitong iyon ang mas gusto niya.


ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon