Part 11

1.7K 39 0
                                    


"DALAWANG taon na iyon anak, bigyan mo naman ng pagkakataon ang sarili mo para maging masaya" pakiusap sa kanya ni Beth habang magkakaharap silang kumakain ng hapunan.

Hindi siya nagsalita at ipinagpatuloy lang ang pagkain. Sinulyapan niya ang ama niyang si Manuel na ngumiti lang muna bago nagsalita. "Tama ang Mama mo hijo, siguro naman sapat nang pagluluksa ang dalawang taon" anito.

Gaya ng sinabi ng mga magulang niya dalawang taon na nga naman ang matuling nakalipas mula nang maaksidente si Andrea kasama ang isang lalaking hinihinalang nobyo ng dalaga. Masamang-masama noon ang loob niya dahil ang alam niya siya lang ang kasintahan nito mula noong kolehiyo sila. Pero nagkamali siya, dahil wala siyang kaalam-alam na niloloko pala siya ng dalaga. At ang ina nito mismo ang umamin sa kanyang nobyo nga ni Andrea bukod sa kanya ang driver nang naaksidenteng kotse na nahulog sa isang bangin sa Ilocos.

Sa kabila ng lahat ay sinikap niyang huwag alagaan ang galit sa puso niya at sa kabila ng pagtataksil sa kanya ng yumaong nobya ay pinatawad niya ito. Dahil ang katwiran niya, wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya kahit nalaman niya ang totoo. Mahal parin niya ito. At simula nga nang mangyari iyon ay minabuti niyang iiwas na muna ang sarili sa malalimang relasyon. Palagi na'y walang commitment ang kundisyon niya sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. At saka niya isinubsob ang sarili sa trabaho.

Real estate ang negosyong itinayo ng mga magulang niya. At isa lang ang condominium tower kung saan naroon ang unit niya sa mga pag-aari nila. Nagtagumpay naman siya at sa loob ng kulang isang taon nakalimutan niya ang masamang karanasang iyon. Pero gaya na nga rin ng sinabi niya, hindi na niya sinubok ang pumasok sa isang seryosohang relasyon. At naging okay naman siya.

"Matagal nang wala sa akin iyon," pagsasabi niya ng totoo.

Noon niya nakitang nagpalitan ng magagandang ngiti ang mga magulang niya. "Kung gayon ay wala palang problema" ang Mama niya, '"go get yourself a girlfriend para naman magkaroon na ng kulay ang mundo mo" anito.

"Look Ma, Pa, hindi madali ang gustong ninyong mangyari" aniya pagkuwan.

"How come? Madali lang iyon anak, at alam kong magagawa mo ng walang kahirap-hirap" makahulugan ang sinabi ni Manuel na nakuha naman niya ang ibig sabihin.

"Alam ko kung ano ako ngayon at hindi ako habang buhay na magiging ganito. Kaya sana, hayaan ninyong ako ang pumili ng babaeng pakakasalan ko" pakiusap niya sa kanyang ama at ina.

Tumango ng nakangiti ang Mama niya. "Oo naman anak," paliwanag ng ina niya. "pero paano kung nandiyan na siya at hindi mo lang nakikita kasi subsob ka sa trabaho?"

Natawa siya ng mahina. "Trust me Ma, makikilala ko siya kahit sa unang pagkikita palang. You know, love at first sight?" aniyang nako-corny-han pang nagkibit ng balikat.

Malakas na tawa ng Papa niya ang pumuno ng silid. "Yeah, totoo iyon anak" sang-ayon nito. "siguro ang mga babae hindi naniniwala sa ganoon pero sa ating mga lalaki, malamang posible" saka nito sinulyapan ang Mama niya. "kasi ganoon ang nangyari sa akin nang una kong makita ang Mama mo" anito pa.

Lumapad ang pagkakangiti ni Paul sa narinig. "Yeah?" saka pinagmasdan ang pamumula ng mukha ng kanyang ina.

Tumango ang Papa niya. "Kung hindi love at first sight iyon bakit hanggang ngayon nandito kami? Kung like lang iyon di sana hindi ko siya pinakasalan at sana hindi ko ako naghintay na maka-graduate muna siya bago ko siya itinanan?"

"Oh stop it Manuel, nakakahiya sa anak mo!" suway ng Mama niya.

Nakangiting pinaglipat-lipat lang ni Paul ang paningin sa mga magulang niya. Taliwas sa paniniwala ng iba, na walang love at first sight, nasa harapan niya ngayon ang buhay na katibayan na mayroon. At siya? Sa isang iglap ay tila nagkakahugis sa kaniyang gunita ang isang magandang mukha, mula sa kaniyang nakaraan. Isang magandang alaala na kung mabibigyan lang ng ikalawang pagkakataon, tiyak na hindi na niya pakakawalan pa.

MAGKAKASUNOD na katok sa pinto ang nagpabalik kay Paul ng kanyang huwisyo. Si Nadine, ang sekretarya niya ang iniluwa ng pinto. "Sir magpapaalam na po ako pauwi" magalang nitong sabi.

Tumango siya. "Sige, see you tomorrow" aniya.

Ilang sandali pagkatapos ay minabuti niyang umalis narin. Alam niyang anumang oras ay tatawagan na siya ng Mama niya kaya nagpasya na siyang kumilos na. Nangako kasi siyang sa kanila ngayon maghahapunan kaya tiyak na naghihintay na ito. Habang daan ay laman ng isip niya ang nag-iisang babae na simula kagabi ay siyang nagpapaligalig ng kanyang isipan. Si Jessica. At ang lahat ng sinabi nito kanina, talagang naaapektuhan siya kapag naaalala niya. Hindi niya maunawaan kung bakit pero iyon ang totoo, apektado siya.

Ayaw niyang isiping one night stand ang nangyari sa kanila ni Jessica nang gabing iyon. Dahil nangyari naman iyon ng hindi sinadya. At higit sa lahat, hindi man niya kayang pangalanan sa ngayon pero ang damdaming mayroon siya nang gabing iyon para sa dalaga ay alam niyang hindi lang simpleng atraksyon at lalong hindi pagnanasa. Dahil kung tutuusin hindi naman iyon nagbago at katulad rin nang kung ano ang naramdaman niya nang una niyang makita ang dalaga sa Richardson University.


ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon