Part 15

1.8K 44 10
                                    


BAGO magpananghali ay minabuti niyang maligo na para simulan ang pag-iikot. Kakain narin siya ng pananghalian dahil wala pa siyang nailalaman sa tiyan niya simula kanina maliban sa ininom niyang kape galing kay Aling Nenet. Kalalabas lang niya ng kwarto nang makasalubong ang babaeng katiwala na mukhang sa silid niya patungo.

"May naghahanap sa'yo" anitong magandang-maganda ang pagkakangiti.

Natigilan siya saka napatitig sa kaharap. Ang dibdib niya, biglang binayo ng kaba sa hindi niya malamang kadahilanan. "L-Lalake ho?" napapikit siya sa katangahang tanong na iyon.

Kinikilig na tumango-tango si Aling Nenet. "Oo, at napaka-gwapo. Sige na puntahan mo na doon sa labas at baka mainip" pagtataboy pa sa kanya ng katiwala.

Hindi siya siya kumibo at sa halip ay bumaba na. Alam niyang si Paul ang sinasabi ni Aling Nenet, at hindi nga siya nagkamali nang malabasan niya ito sa may garden at nakaupo sa isa sa apat ng silya ng garden set doon. Agad niyang namataan ang isang pumpon ng rosas na nakapatong sa mesita. Purple roses, napangiti siya bagaman hindi mapigilan ang maguluhan. Parang hindi pangkaraniwan ang mamigay ng ganoong kulay ng rosas pero deep inside, kailangan niyang amining nagustuhan naman talaga niya.

Shut up Jessica! Hindi mo kailangang gumamit ng rebound para lang makalimot. Lihim niyang sermon sa sarili kaya mabilis na parang binuhusan ng tubig ang kilig na nararamdaman niya.

"Hey beautiful!" ang masiglang bati sa kanya ni Paul nang malingunan siya nito. Agad na tumayo ang binata dala ang bouquet ng rosas at iniabot iyon sa kanya. "na-miss kita" anito pa.

Kung ang tono ng pananalita at kislap ng mga mata ni Paul ang gagawin niyang basis, alam niyang nagsasabi ito ng totoo. Bukod pa sa iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Pero hindi tama, alam niyang nagkamali na siya ng minsan at magsusunod-sunod ang mga pagkakamali niya kung hindi niya kokontrolin ang sariling damdamin.

"Thank you" aniyang tinanggap ang mga bulaklak saka ngumiti ay nagpatiuna na sa pag-upo.

"Kumusta kana? Teka, naglunch kana ba?" tanong nito saka sinipat ang suot na wrist watch. "sabay na tayo?" pagpapatuloy nito.

Magsasalita sana siya nang biglang lumabas ng kabahayan si Lola Loreta. "May bisita ka pala?" anitong nakangiting pinagmasdan si Paul.

Yumuko si Paul at nakangiting nagsalita. "Magandang araw po" bati nito sa matanda.

"Nasabi na ba ni Jessica sa'yo na may curfew kami rito? Hanggang alas diyes, at sa mga ganoong oras hindi narin pwede ang mga dalaw na lalaki. Kaya kung may lakad kayo, ihatid mo siya ng mas maaga" napangiti si Jessica sa tono ng pananalita ni Lola Loreta. Para kasi itong tunay na lola niya, sa simpleng mga salitang binitiwan nito, naramdaman niya ang tunay na pag-aalala.

Magkakasunod na tumango muna si Paul bago nagsalita. "Ay opo Lola, makakaasa po kayo" ang binata.

"Loreta, tawagin mo akong Lola Loreta. Sige papasok na ako, maiwan ko na kayo hija" pagkuwan ay siya naman ang binalingan ng matanda. Tumango lang siya.

"So, let's go?" si Paul sa kanya nang maiwan silang dalawa.

Tumango siya saka na umagapay sa paglalakad niya ang binatang hinawakan ang kanyang siko. Mabilis ang daloy ng kuryenteng nanulay doon kaya agad niyang inilayo ang sarili sa binata. "I-I'm sorry" aniya pa nang mapunang umabot sa pandinig ni Paul ang mahina niyang singhap.

"Okay lang" anitong hinila pabukas ang pintuan ng kotse.

"ALAM mo bang magka-school mate tayo sa Richardson University?" kumakain na sila nang maisipang sabihin iyon ni Paul sa dalaga.

Mula sa pagkakayuko nito sa plato ng pagkain ay takang tumitig sa kanya si Jessica. "Taga-RU karin?"

Magkakasunod siyang tumango ng nakangiti. "Yes, that was four years ago" aniya.

"First year lang ako nun eh" anang dalaga na inabot ang baso ng juice at uminom.

"Graduating naman ako noon" aniyang sinimulang ikwento sa kaharap ang lahat. At hindi niya maiwasan ang ma-amuse ng husto habang pinagmamasdan ang namumulang mukha nito. "gusto ko lang malaman mo na hindi ako kagaya ng hagdan, hindi kita sasaktan" aniya pa.

KUNG para saan ang sinabing iyon ni Paul ay hindi niya alam. Pero sa kabila niyon, ramdam ni Jessica ang matinding pag-iinit ng kanyang mukha kaya minabuti niyang magyuko nalang ng ulo. "Natatandaan ko lahat ng ikinuwento mo, pati iyong sa hagdan. Ikaw lang ang hindi ko ma-recall, kasi kahit nandoon ka, parang hindi kita napansin" pagsasabi niya ng totoo, although may isang mukha sa gunita niya ang parang nagkakaroon ng hugis pero hindi rin naman malinaw. "medyo matagal narin kasi ang four years eh. Pero siguro kung nagkataong kinausap mo ako noon, baka sakali" aniya.

Ngumiti lang si Paul na tinapos na nga ng tuluyan ang pagkain. "That's okay, pero kailangan kong amining may bahagi ng puso ko ang talagang nanghinayang noon. At habang lumilipas ang mga taon, hindi ka nawala sa isip ko, kasi alam mo ba kung bakit?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Jessica sa narinig. "B-Bakit?"

Noon siya tinitigan ni Paul nang may tenderness. Nasa mga mata rin ng binata ang matinding paghanga na kahit kay Daniel ay hindi niya nakita minsan man, dahil doon ay mabilis na nahigit ang kanyang paghinga pero minabuti niyang huwag magpahalata at nagtagumpay naman siya.

"Because you have the most exquisite smile in the world for me" nakangiting sagot ng binata. "noong panahong iyon I have a girlfriend, si Andrea, pero kahit hindi kita nilapitan alam kong nagkamali ako sa kanya. Dahil minsan sa buhay ko, nagawa akong ligaligin ng isang babaeng kahit pangalan nga hindi ko nakuha."

"Stop it Paul!" aniya nang unti-unti maramdaman niya ang mabilis na pagbabago ng atmosphere sa paligid.

Sa mabilis at hindi niya namamalayang paraan ay nagawang hawakan ng binata ang kamay niya ng hindi niya namamalayan kaya malakas siyang napasinghap. "Maganda ang kanta," anitong ang tinutukoy ay ang pumailanlang na love song. Ang I Fall All Over Again ni Dan Hill---. "let's dance?"

Tumayo ang binata at wala na nga siyang nagawa nang akayin siya nito patungo sa dance floor. "P-Pwede bang huwag masyadong malapit?" aniyang hindi naitago ang panginginig ng kanyang tinig gawa ng sensasyong lumaganap sa kabuuan niya nang paglapatin ni Paul ang katawan nilang dalawa.

"Para mas maramdaman mo ako" makahulugang sagot ng binata saka pa hinigpitan ang pagkakahapit sa kanyang baywang. "tell me Jess, natatakot ka ba sakin?" mayamaya pa ay naitanong sa kanya ni Paul nang pareho na nilang sinasabayan ang mabagal na kanta.

Taka siyang napatingala sa kasayaw. "A-Ano?"

Umiling si Paul. "Pakiramdam ko lang kasi parang hindi ka kumportable sa akin eh. Why?"

"A-Ano kasi" hindi niya maiwasan ang hindi maapektuhan dahil pakiwari niya ay kaya siyang basahin ng binata. Kung hindi ay paano ito nagkaroon ng ideya na hindi siya kumportable rito?

"Yes?" ani Paul sabay angat ng makakapal na kilay.

Nagbuntong hininga siya saka nagyuko ng ulo. "Normal lang naman siguro iyon hindi ba? Pagkatapos ng ginawa ko?" noon lakas-loob niyang muling sinalubong ang mga titig ng binata.

Matagal na tanging mga mata lang nila ang nag-usap bago nagbuka ng bibig si Paul at nagsalita. "Pinagsisisihan mo bang ibinigay mo sa akin iyon?"

Hindi maintindihan niya Jessica, pero lihim niyang pinagalitan ang sarili nang makita ang kirot na gumuhit sa mga mata ng binata habang nakatitig ito sa kanya. Sa kabilang banda, natanong rin niya ang sarili kung pinagsisisihan ba niya ang nangyari. Kinapa niya ang sariling dibdib at wala siyang naramdaman ganoon, dahil sa halip ay isang napakasarap na kilabot ang tila kamandag na kumalat sa kabuuan niya nang maalala ang lahat ng nangyari nang gabing iyon.

"H-Huwag nalang nating pag-usapan?" sa kalaunan ay nasabi niya.

Tumango si Paul. "Kung iyon ang gusto mo, walang problema" anito pa sa masiglang tinig. 

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon