Part 25

1.7K 40 1
                                    


PIGIL ang hininga ni Paul habang hinihintay ang isasagot ni Jessica sa tanong na iyon. Pinauna na siya ni Tito Francisco dahil nagtuloy ito sa itaas para tawagin ang mga anak. At iyon nga ang inabutan niyang usapan ng mag-ina.

"Sa totoo lang po, kahit mahirap paniwalaan pero alam ko mas mamahalin ko siya ng mas higit pa sa ibinigay ko kay Daniel. Hindi dahil gwapo siya, pasensyoso, romantic at mayaman gaya ng lahat ng mga katangiang inilagay ko sa checklist ng ideal man na hinahanap ko. Kasi siguro siya lang ang nagparamdam sa akin na sa kabila ng lahat ng imperfections ko, may isang kagaya niya ang handang mahalin ako ng buo. Willing siyang maghintay, at gaya narin ng sinabi noong matandang may-ari ng transient house na tinuluyan ko sa Baguio, ang lahat ng naghihintay ay nagmamahal."

Mabilis na nag-init ang mga mata ni Paul sa narinig pero pinigil niya ang mapaiyak. Hindi niya alam kung paano niya ipaliliwanag sa salita ang sayang nararamdaman niya pero sobra-sobra iyon at nagawang punuin ang kanyang puso. Nagulat pa siya nang maramdaman ang papalapit na yabag pababa ng hagdan kaya nagmamadali siyang kumilos na.

Na-enjoy niya ng husto ang hapunan dahil totoong masaya ang pamilya ni Jessica. Hindi katulad ng kaniya na maliit lang at kalimitan tahimik sila kapag kumakain. At hindi niya maikakailang kumportable siya sa mga ito. Lalo na sa tatay ng nobya niya na madali niyang nakapalagayan ng loob. Sa kabila iyon ng pag-amin niyang nobyo siya ng dalaga at gusto niya itong pakasalanan.

"Thank you, nag-enjoy ako" aniya nang ihatid siya ni Jessica sa may labasan.

"Nag-enjoy din ako" anitong nangingislap ang mga mata.

"Bukas sa bahay kana mag-dinner? Susunduin kita okay?" aniya.

Lalong nagningning ang mga mata ni Jessica sa tanong niyang iyon. "Ipapakilala mo na talaga ako sa parents mo?" ang tila hindi makapaniwala pa nitong tang.

Natawa siya ng mahina. "Lahat ng sinasabi at ipinapangako ko ginagawa ko" aniyang kinurot ng bahagya ang pisngi ng nobya.

"Okay, tutal Sabado naman bukas. Walang problema" anito.

Matagal niyang tinitigan muna ang magandang mukha ng nobya bago ito niyuko at hinalikan. "I love you" aniya.

Isang mahinang tawa ang isinagot sa kanya ng nobya. Alam naman niya ang sagot dahil sa narinig niya kanina kaya hindi hinayaan nalang niya ito. Pasasaan ba at aamin rin ito, at hindi niya mahintay ang araw na iyon.

"Ingat" pahabol pa ng dalaga.

Kinawayan muna niya ito bago pinatakbo ang kotse habang sa isip niya, hindi na niya mahintay ang bukas. Tiyak na matutuwa ang mga magulang niya, at long last, nakita narin niya ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Ang babaeng bunga ng matagal niyang paghihintay. At gaya na nga ng isang matandang kasabihan, you are worth the wait. At para sa kanya, si Jessica ang you na iyon, wala nang iba pa.

"ANONG masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" ang nakatawang tanong sa kanya ni Manuel nang datnan niya itong nanonood ng TV kinabukasan ng umaga sa kanilang entertainment room.

"Napapadalas yata ang dalaw mo rito hijo?" ang mama naman niyang nanunukso siyang sinulyapan.

Sasagot sana siya pero naunahan siya ng kanyang ama. "Kung magpapaalam ka dahil gusto mo ng mag-asawa, hindi mo na kailangang gawin iyan dahil oo nga agad ang sagot namin ng Mama mo" anitong sinulyapan siya ng natatawa pa.

Noon pinuno ng masaya niyang tawa ang kabuuan ng silid. "Right, mamaya isasama ko siya dito, sigurado akong magugustuhan ninyo siya" aniya pa.

"So totoo nga?" ang Mama niya na hindi makapaniwala pero bakas sa mukha ang labis na tuwa.

"Yeah, tama kayo. I'm getting married soon" paniniyak niya. "actually siya ang dahilan kung bakit biglaan akong bumiyahe pa-Baguio, sinundan ko siya roon" kwento pa niya.

Sa kumpirmasyong iyon ay masaya siyang nilapitan ng kaniyang ina at mahigpit na niyakap. "Masayang-masaya ako para sa'yo anak, kami ng Papa mo" anitong nakangiti pang nagpahid ng mga luha.

"Ma, kahit kailan talaga iyakin kayo. Well I think magkakasundo nga kayo ni Jessica, pareho kayong iyakin" tukso niya sa ina.

Inirapan siya ng mommy niya bagaman nakangiti. "Ako ang personal na maghahanda ng masarap na dinner para sa mamanugangin ko, Jessica. Alam mo bang sa bible ang ibig sabihin ng pangalang iyon ay God's grace?"

Umangat ang makakapal na kilay ni Paul. "Yeah?"

Tumango ang Mama niya ng magkakasunod. "Hindi naman nakakapagtaka sa kislap ng mga mata mo anak, napakasaya mo. Halatang in love ka nga" anito.

Hindi siya nagsalita sa sinabing iyon ng mama niya. Sa halip ay kinabig ito at hinalikan nalang sa noo. Totoo naman iyon, talagang in love siya kay Jessica. At kahit pa sabihing wala parin itong inaamin kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kanya, ang lahat ng narinig niyang usapan nito at ni Tita Rosalyn ay sapat na.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon