Part 7

1.9K 44 0
                                    


Nang yukuin ng binata ang isa niyang dibdib saka ikinulong sa bibig nito ang dulo niyon ay napaungol siya. Hindi rin nito inihinto at binago ang paraan ng pag-angkin sa kanya kaya tuluyan na nga siyang nawala sa sarili niyang katinuan.

Halos bumaon ang mga kuko niya sa likuran ni Paul nang dalhin siya ng binata sa dako pa roon. Impit ang sigaw na pinakawalan niya na agad ring naputol nang angkinin nito ang mga labi niya sa isang mapusok na halik.

Inakala niyang titigil na noon ang binata. Pero nagkamali siya dahil nagpatuloy lang ito. At sa ikalawang pagkakataon, muli siyang dinala ni Paul sa dako pa roon. This time ay dalawa na sila nang binata dahil gaya niya ay narinig rin niya ang ungol na kumawala sa bibig nitong angkin parin ang kaniya. Maging ang panginginig ng nito sa ibabaw niya mismo.

"You're great" anitong inihulog ang sarili sa tabi niya saka siya kinabig at hinalikan sa noo.

Nag-iinit ang mukhang nginitian niya si Paul. "Hindi ko alam iyon, na may talent pala ako sa ganito. O baka dahil lang ito sa nainom ko" aniyang sinundan ang sinabi ng isang bitter na tawa dahil muli nanamang sumagi sa isipan niya si Daniel. Nag-init ang mga mata niya pero nagpigil siya. Kung kaya lang niya, hihingi siya ng isang round pa kay Paul. Dahil kanina, habang inaangkin siya ng binata ay totoong hindi sumagi minsan man sa isipan niya ang dating nobyo.

Tila inaalo naman siyang niyakap ng mahigpit ng binata, ginagap ang isa niyang kamay saka hinalikan. Aware siya sa kakaibang daloy ng kuryenteng nilikha sa kanya ng simpleng gesture na iyon. Pero minabuti niyang walain nalang.

"Sleep, maaga kitang ihahatid sa inyo bukas. Gusto kong makilala ang parents mo, ang pamilya mo, at ikaw syempre" sinundan pa nito ng mahinang tawa ang huling sinabi. Hindi na siya nagkomento doon. Sa halip ay walang imik saka at home na at home pa niyang isiniksik ang sarili sa tagiliran ng binata.

NAGISING kinabukasan si Jessica na mahigpit paring yakap ni Paul. Natigilan siyang pilit na binalikan sa isipan niya ang mga nangyari sa nakalipas na gabi para lang panlamigan ng buong katawan nang maalala ang buong pangyayari.

Maingat niyang pinakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap ni Paul. Ang isa nitong hita nakadagan rin sa kaniya na tila ba ayaw talaga siyang pakawalan. Pagkatapos sa nagmamadaling mga kilos ay isa-isa niyang isinuot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Masakit ang ibabang bahagi ng katawan niya pero hindi niya iyon ininda. Kailangan niyang makaalis bago magising ang binata.

Nang makapagbihis ay minabuti niyang hanapin ang kanyang cellphone sa loob mismo ng kanyang bag. Nang hindi iyon makita ay inisa-isa niyang inilabas ang laman niyon. Ibinalik rin iyon ng mga dalaga pero nagmamadali na dahil nakita niyang gumalaw ang binata, not knowing na nakaligtaan niyang ipasok sa bag ang kanyang ID dahil kay Paul nga siya nakatingin kaya naiwan iyon sa sofa na nasa kwarto mismo ng binata.

Nakahinga siya ng maluwag nang matagumpay siyang nakalabas ng kwarto. Pagkatapos ay normal lang na naglakad palabas ng gusali. Tapos na ang sandaling nakalimutan niya si Daniel. At wala narin siyang planong dugtungan pa ang nangyari sa kanila ni Paul kagabi kaya wala siyang ibang kailangang gawin kundi ang mag-move on.

Sumakay siya sa pinara niyang taxi. Sa isip niya, magbubukas na ang klase sa susunod na buwan kaya naman kailangan niyang ayusin na ang sarili niya. Araw-araw naman kasing nasa eskwelahan sila kapag ganitong buwan na dahil sa ginagawa nilang paghahanda sa pagbabalik ng mga bata sa pasukan.

Napangiti siya. Aabalahin nalang niya ang sarili sa trabaho, sa pagdidisenyo ng kanyang classroom. Siguro naman noon hindi na niya gaanong maiisip si Daniel. At si Paul? Napapikit siya sa huli.

Ano ba itong nagawa niya? Ngayon dalawa na sila? Parang ang hirap naman, at mas lalong gumulo ang lahat. Dahil kahit hindi niya aminin parang nararamdaman parin niya ang mainit na labi ni Paul sa kanya. Ang mga haplos nito, at sa isip niya parang sirang plakang paulit-ulit na ume-eksena sa isipan niya ang lahat ng ginawa nila kagabi na nagdadala nanaman sa kanya ng kakaibang klase at taas ng temperatura sa katawan niya.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka isinandal ang ulo sa headrest ng upuan. Ayaw na niyang isipin iyon. Gusto niyang ituon ang isip niya sa mas magagandang bagay gaya nalang ng mga estudyante niyang silang nagpapangiti sa kanya. Pasasaan ba at lilipas rin ang lahat. Mawawala rin si Daniel sa puso niya, at mawawala rin si Paul sa isipan niya.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora