Part 13

1.7K 41 0
                                    


Nang makabalik sa kanyang kwarto ay ginawa lang niyang mabilis ang pagbibihis saka na siya nahiga. Ugali na niyang mag-check ng Facebook at Email account niya bago matulog. Hindi kasi siya nakakapagbabad doon maghapon dahil nga busy siya. Habit din niyang i-log out ang anumang social media accounts niya for security purposes lalo at sa Maynila talamak ang mga mandurukot at snatcher.

Una niyang binuksan ang kanyang Messenger. Pagka-log in ay agad na bumungad sa kanya ang isang mensaheng mabilis na nagpasikdo ng kaba sa kanyang dibdib. Ilang beses niyang ikinurap-kurap ang mga mata habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. Pero hindi siya pwedeng magkamali.

Paul Ivan Devantes, iyon pala ang buo niyang pangalan. In fairness maganda. Ang kabilang bahagi ng isipan niya saka pinag-isipan kung bubuksan ba ang mensahe o hindi. At sa kalaunan mas pinili rin naman niya ang una.

Hi Jess, how are you? tanong nito.

Wala sa loob siyang napangiti. Ilang sandaling pinag-isipan kung sasagutin niya ang message o hindi. Sa kalaunan ay pinili rin niya ang una saka nagsimulang magtype ng isasagot. I'm good.

Hindi niya inasahan ang mabilis na pagsagot ni Paul kaya nagulat pa siya nang tumunog ulit ang telepono niya. Ang tipid naman ng sagot mo. Nasa Baguio ka raw?

Nagsalubong ang mga kilay niya dahil doon. Kanino mo nalaman?

;) Importante pa ba iyon? Baka kailangan mo ng travel buddy?

Kahit sabihin pang sa messenger naman iyon ay parang nawalan siya ng anumang pwedeng isagot sa binata kaya matagal bago siya naka-reply. Nagulat pa siya nang makitang rumehistro ang Calling sa kanyang screen.

Lalong naghurumentado ang dibdib niya sa nerbiyos. Hindi niya maintindihan pero parang wala siyang kakayahang ignorahin ang binata at parang wala rin itong planong layuan siya. Dahil una sa lahat naging malinaw naman ang sinabi niya rito nang huli silang mag-usap. At ngayon, heto at nakagawa nanaman ito ng paraan para maabot siya.

"H-Hello?" bungad at kinakabahan niyang sagot.

"Ang ganda naman pala ng boses mo sa phone. Thank you at may messenger, ayaw mo man ibigay sakin ang cellphone number mo atleast may ganito, pwede kitang tawagan" halata sa tono ni Paul na masayang-masaya ito. Humaplos iyon ng husto sa puso niya kaya hindi niya napigilan ang mapangiti.

"Thank you Paul" ang tanging nasabi niya.

"I like the way you speak my name, say that again please?" anito sa tonong mababa pero may pang-akit.

Tinablan siya doon kaya hindi na siya nagtaka at napasunod nanaman siya nito. "Paul" aniya.

"Jess, gusto kitang makita. Pwede ba iyon?" hindi parin nagbabago ang tono nito.

Nagbuntong hininga siya dahil ang totoo kahit siya iyon rin ang bigla niyang naramdaman. "A-Ano kasi eh" ang nagdadalawang isip niyang sagot.

"Please? Promise magiging gentleman na ako this time. Ang totoo niyan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, talagang buong araw akong malungkot with the thought na hindi kita makikita" naramdaman niyang totoo ang sinabing iyon ng kausap kaya mabilis na nag-init ang kanyang mukha.

"S-Sige, kaya lang kaya kailangan mong maghanap ng ibang matutuluyan. For girls lang kasi itong transient house eh" aniya.

"Okay lang walang problema, ano na nga ulit ang pangalan ng transient house?"

"Casa de Esperando, dito sa Camp John Hay" pagbibigay alam niya.

"House of waiting, well then wait for me there at pupuntahan kita bukas na bukas rin. Thank you so much Jess, hindi mo alam kung gaano mo akong napasaya" ramdam na ramdam niya sa tono ni Paul ang sinabi nito kaya hindi niya napigilan ang kiligin.

Nag-init ang mukha niya sa naunang sinabi ng kausap. "Sige, see you nalang" aniyang minabuti nang tapusin ang usapan nila.

"Your cellphone number? I guess magkaibigan naman na tayo hindi ba?" mabait ang tono ni Paul at parang nasasanay na siya doon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay natawa siya habang kausap si Paul. "Sige, message ko sayo. Goodnight" aniya.

"Night, dream of me" anito.

Napahagikhik siya. "Sira" at naputol na ang linya pagkatapos. Ilang sandali matapos niyang isend ang cellphone number na hinihingi ni Paul ay muling tumunog ang telepono niya. Pero sa pagkakataong iyon ay text message na ang natanggap niya.

Good night, this is Paul. Please save my number, see you tomorrow. J

Okay, see you then. Sweet dreams. J

Hindi maitatanggi ni Jessica na mula nang mangyari ang break up nila ni Danny, ngayon siya unang tumawa ng totoo. At dahil iyon kay Paul, ang estrangherong pinagbigyan niya ng bagay na ipinagdamot niya sa dalawang taon niyang nobyo.

Nakakatawa mang isipin pero siya man ay hindi makapaniwala sa naging takbo ng bawat pangyayari. At kahit hindi niya aminin, sa bawat pagkakataong kausap niya si Paul ay talagang nawawaglit sa isipan niya si Daniel. Kagaya nalang kanina. Kaya siguro tama lang na hayaan niyang tumuloy sa buhay niya ang binata. Wala namang masama doon dahil gaya nga ng sinabi nito, silang dalawa ay magkaibigan na.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now