Part 22

1.6K 36 0
                                    


HINDI na nakasabay sa hapunan si Lola Loreta dahil maaga itong natulog. Ganoon rin naman si Aling Nenet. Kaya binilinan nalang siya ng huli na siya na ang bahala sa kusina. Wala namang problema sa kanya iyon dahil sanay naman siya sa gawaing bahay. Ang totoo ay mas natuwa pa nga siya dahil feeling niya ay simpleng may-bahay siya ni Paul nang mga sandaling iyon. Tahimik na nagkakape ang binata habang pinanonood siya sa ginagawa niyang pagliligpit sa mga pinagkainan nila.

"Bukas huwag mong kalimutang magpaalam kay Lola bago ka umalis" bilin niya sa binata nang maihatid niya niya ito sa attic.

Ngumiti lang si Paul saka siya matamang tinitigan. "Thank you for letting me stay here" anitong hinawakan ang kamay niya na kanyang ikinabigla, itinaas iyon saka dinampian ng isang simpleng halik. Pero gaano man iyon kasimple ay napasinghap parin siya at umabot iyon sa pandinig ng binata. "halika" anitong hinila ang kamay niya papasok ng kwarto.

Parang wala sa sarili siyang napasunod. Narinig niya ang pagtunog ng lock ng knob at mabilis nanamang nag-init ang buo niyang mukha. Nang hawakan ni Paul ang balikat niya ay napakislot siya kaya naman natawa ng mahina ang binata sa naging reaksyon niya.

"O-Okay ka na? M-Matutulog na ako" nararamdaman niya ang mabilis na pagbabago ng hangin sa loob ng silid. Tinalikuran niya si Paul para sana lumabas na pero mabilis nitong napigil ang braso niya saka siya hinila paupo sa gilid ng kama. "P-Paul" protesta pa niya. Feeling kasi niya ay para siyang napapaso sa mga titig ng binata, at hindi niya kayang tagalan ang mga iyon.

Noon naupo sa tabi niya si Paul saka nito hinawakan ang suot niyang salamin, hinubad iyon at saka ipinatong sa ibabaw ng side table. "Dito ka muna" anitong hinawi ang buhok niya saka iniipit sa kanyang tainga. "na-miss kita ng sobra eh" dugtong pa nito sa isang tila nang-aakit na tinig.

Nahigit ang paghinga niya sa ginawing iyon ng binata. Pero sa kabilang banda ay hindi parin niya napigilan ang sariling salubungin ang mga titig nito. "B-Baka kasi makita tayo" totoo iyon sa loob niya.

Noon umangat ang sulok ng labi ng binata. "Kung sakaling ma-in love ka ulit, o ready ka nang mag-take ng risk, pwede bang humingi ng pabor? Pwede bang ako nalang ang piliin at pag-aralan mong mahalin?"

Matagal na nanatiling nakatitig lang siya kay Paul. Sa simula palang naman ay hindi itinago sa kanya ng binata na gusto siya nitong pakasalan. Pero ang sinabi nito ngayon? Parang gusto na niyang maniwala sa sinabi sa kanya ni Lola Loreta at Aling Nenet kung bakit ganoon ang kulay ng bulaklak na ibinibigay sa kanya ni Paul.

"What are you talking about?" ang naguguluhan niyang tanong sa binata.

Hindi sumagot si Paul na nanatili lang na nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya kinakabisa nito ang kabuuan ng kanyang mukha. Nang mapuna niya ang paglapit niyon sa kanya ay minabuti niyang tumayo para umiwas na pero iba ang nangyari. Sinaklit ng binata ang baywang niya kaya muli siyang napaupo pero sa pagkakataon iyon ay sa kandungan na ng binata.

"Dito ka muna, please?" nakikiusap pang bulang sa kanya ni Paul. Ang mainit nitong labi ay pasimpleng humalik sa puno ng kanyang tainga kaya wala sa loob siyang napapikit kasabay ang isang mahinang singhap.

"P-Paul, please stop" taliwas iyon sa totoong nararamdaman niya dahil sa katunayan ay nasasabik siyang maulit ang nangyari sa kanila noon ng binata.

Noon hinawakan ng binata ang mukha niya saka iyon marahang ibinaling paharap rito habang ang isa nitong kamay ay nanatiling nakahapit sa baywang niya. "Hindi pwede, hindi ko kaya. I'm sorry" anitong inihiga siya ng tuluyan sa kama pagkatapos.

Magkahalong kaba at excitement ang pumuno sa dibdib niya dahil sa ginawing iyon ng binata. Pero alam niyang hindi tamang magpadala doon kaya inilagay niya ang dalawang kamay sa dibdib ni Paul para sana itulak ito palayo.

"You want this, don't you?" parang siguradong-siguradong tanong sa kanya ni Paul na inilapit pa ng husto ang mukha sa kanya.

Mabilis ang naging reaksyon ng katawan niya sa pagkakalanghap niya sa mabangong hininga ng binata. At nang angkinin nito ang mga labi niya sa pinakamapusok na paraang naranasan niya ay tuluyan nang nalunod ang lahat ng pagdadalawang-isip na mayroon siya.

"Don't look back, tingnan mo lang kung anong mayroon tayo ngayon. Feel it, inside your heart, alam kong nandiyan ako" nang pakawalan ni Paul ang mga labi niya ay iyon ang isinatinig nito. "Hindi ako pwedeng magkamali dahil iyon ang sinasabi ng mga mata mo, maging ng mga labi mo" matapos ang huli nitong sinabi ay muli siyang niyuko ng binata para sa isang mas matagal na halik.

Hindi na namalayan ni Jessica ang sumunod na mga nangyari. Basta nalang niya nagtapuan ang sariling kusang nagpapaubaya sa anumang naisin ng binata. Nang gabing iyon naulit ang muli nilang pag-iisa. At masasabi niyang iba iyon sa nauna, dahil iba na ang nararamdaman niya sa mga haplos ng binata. Dahil kung noong una ay mas ramdam niya ang init at matinding atraksyong mayroon si Paul para sa kanya, ngayon mas nangingibabaw ang pagmamahal. At ang damdaming iyon ang totoong nagbibigay ng matinding kalituhan sa kaniya.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now