Part 5

1.9K 46 0
                                    


NAIHIGA na niya si Jessica sa mismong kama niya sa kanyang condo nang malingat ito. "P-Paul?" tawag nito sa kanya.

Nakatayo siya noon at kasalukuyang nagsasalang ng CD sa player sa kagustuhan niyang mas ma-relax ng husto ang kanya na ngayong bisita. Ilang sandali pa pumailanlang na ang isang magandang love song, ang I Fall All Over Again ni Dan Hill.

Napangiti siya. Ang lamyos ng boses nito, humamplos ng husto sa damdamin niya kaya maingat siyang naupo sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang maganda nitong noo. "Yes?" tanong niya.

Pikit parin ang mga matang nagsalita ang dalaga. "Bakit kayong mga lalaki ang dali ninyong itapon ang isang bagay na pinaghirapan ninyo ng matagal kapag nainip kayo?"

Natawa siya sa tanong nito. Parang alam na niya kung saan papunta ang usapang iyon. At parang tama rin siya ng hinala kung paano at ano ang dahilan kaya nasa ganoong klase ng lugar ang dalaga kanina. Noon siya maingat na naupo sa gilid ng kama, pero tinatantiya parin niya, baka kasi magalit si Jessica. "Hindi ako ganoon, hindi kami magkapareho" sagot niya.

Nakita niya ang pagpupumilit ni Jessica na magdilat ng mga mata. "Really?"

Tumango siya. Iba ang ginagawa sa kanya ng namumulang pisngi ng dalaga dahil sa nainom nitong alak. At maging ang pungay ng magaganda nitong mga mata. "Yeah, at sa totoo lang tanga siya kasi pinakawalan ka niya. Kasi kung ako iyon, hindi ako magsasawang intindihin ka, huwag ka lang mawala sa akin" totoo iyon sa loob niya.

Hindi niya tiyak kung paanong napukaw ng babaeng ito ang damdamin niyang kung tutuusin ay dalawang taon naring natutulog. Pero hindi niya maikakailang masaya siya at sa isang iglap biglang nagkaroon muli ng kulay ang mundo niya.

TOTOONG nasorpresa siya nang maramdaman niya ang kamay ni Jessica na ginagap ang kaniya. Pagkatapos ay hinila siya nito palapit rito hanggang sa mailapit nito ng husto ang mukha niya rito.

"Gusto ko siyang kalimutan, kahit ngayong gabi lang" alam niya kung ano ang ibig sabihin ng dalaga at naramdaman din niya ang mabilis na reaksyon ng katawan niya sa sinabi at ginawi nito. "matutulungan mo ba ako?" tanong ulit nito saka sinuyod ng tingin ang kanyang mukha.

Literal na napalunok doon si Paul saka pinanlabanan ang matinding init na unti-unting pinagniningas sa kanya ni Jessica. "Jess, hindi ko kaya" totoo iyon. Lasing ang babae at hangga't maaari ayaw niyang samantalahin ang kahinaan nito. Pero iba ang epekto ng mabangong hininga sa kanya ng dalaga. At iyon ang totoong nagpapaulol at nagpapawala ng kontrol niya sa sarili.

"I need you tonight Paul, ngayon mismo. Please tulungan mo akong makalimutan siya, hindi na importante sa akin kung tama man ito o mali. Basta ayokong maramdaman ang sakit, please?" pakiusap nito saka sa nagsusumamong mga mata ay mataman siyang tinitigan.

Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero iba ang nangyari. Dahil hindi niya inasahan ang ginawang pagkabig sa kanya ni Jessica saka siya mariing hinalikan sa mga labi. Parang yelong unti-unting nalusaw ang lahat ng pag-aalangan ni Paul nang malasahan niya ang pinaghalong natural na tamis at lasa ng alak na nasa mga labi ng dalaga. Kaya naman sa pinakamahusay na paraang alam niya ay tinugon niya ang maiinit na halik sa kanya ng babae.

"Gawin mo ang lahat ng gusto mo, hindi ako magagalit at hindi ako magpoprotesta. Alam kong gusto mo rin ito so stop being gentle at ipakita mo ang totoong ikaw, in bed" nang pakawalan niya ang mga labi ni Jessica ay iyon ang sinabi nito habang tila nag-aakit pa siyang tinitigan saka pagkatapos ay nginitian.

Ngumiti lang siyang saka hinaplos ng marahan ang noo ng dalaga. "You're sure about this?" tanong niya.

Tumango ang dalaga. "At kung gusto mo pwede nating ulitin ito" anitong sinundan pa ang sinabi ng tila nanunuksong tawa. "kahit ilang beses pa" pagpapatuloy ni Jessica.

Hindi niya maintindihan, pero iba ang naging dating sa kanya ng sinabing iyon ng dalaga. Kaya naman sa unang pagkakataon mula kanina ay siya na ang unang humalik rito. Sa paraang mariin at puno ng pananabik.


ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Where stories live. Discover now