Part 17

1.6K 41 0
                                    


LALONG napaluha si Jessica sa narinig. "I don't know what to say Paul. Magulo ang lahat ngayon lalo na ang isipan ko. At isa pa hindi naman tamang itali mo ang sarili mo sa akin nang dahil lang sa nangyari at ikaw ang nauna sa akin. Siguro naman kahit ganito na ako matatanggap parin ako ng tamang lalaki para sakin" aniyang nagpahid ng mga luha saka sinikap nag awing normal ang tinig sa kabila ng bitterness at awa sa sarili na nararamdaman niya.

Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng binata saka pagkatapos ay ginagap ang kamay niya at nagsalita. "Listen, hindi mo naman ito kailangang harapin ng mag-isa. Nandito ako, tutulungan kita. I care so much about you at wala nang naging laman ang isipan ko kundi ikaw lang."

Napatitig siya kay Paul sabay napalunok. "Pero hindi madali ang hinihingi mo Paul. Hindi lang para sakin kundi lalo na para sa'yo" paliwanag niya.

"Huwag mo akong isipin, ginagawa ko ito para sa'yo. Dahil gaya na nga ng sinabi ko, I care so about you. Iyon nalang muna ang isipin mo, kasi I'm sure kapag sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganito hindi mo naman ako paniniwalaan" paliwanag pa sa kanya ng binata.

"What are you talking about?" ang naguguluhan niyang tanong.

Noon nakangiting hinaplos ni Paul ang kanyang pisngi. "Ang lahat naman ng espesyal na damdamin naipadarama. At ganoon ang gagawin ko, para kapag nagtapat na ako sa'yo, hindi na magiging mahirap para sa'yo ang paniwalaan ang mga sinasabi ko."

Nang manatili siyang nakatitig lang kay Paul ay muling nagsalita ang binata. "Sige na, I'll see you again tomorrow okay? Pag-usapan natin iyong tungkol sa alok ko sa'yo."

"Iyong tungkol sa kasal?" paglilinaw niya.

Tumango ang binata. "Sabihin na nating, let's stay married for a year?"

"After nun, what?"

"I will make you fall in love with me. Para makalimutan at mapatawad mo na siya" anang binata.

Hindi niya alam kung bakit pero napangiti siya sa sinabing iyon ni Paul. "How sure you are na ma-i-in love ako sayo sa loob ng isang taon halimbawa?"

"Trust me sa mga panahong iyon baka patay na patay kana sakin? Lalo na kapag naranasan mo kung gaano ako kasarap mag-alaga?" makahulugan ang huling sinabi ni Paul kaya mabilis siyang pinamulahan.

"Sira!" aniyang natatawa.

NAKAPASOK na si Jessica sa loob ng kanyang kwarto ay nanatili parin ang kilig sa puso niya at ang magandang ngiti sa kanyang mga labi, dahil iyon kay Paul. Noon siya naupo sa gilid ng kama saka pagkatapos ay ibinagsak ang sarili pahiga.

Kailangan niyang amining crush niya si Paul. At noon nga siya napatitig sa bouquet ng rosas na nasa ibabaw ng mesa sa loob ng silid na iyon. Bumangon siya saka hinaplos ang mga iyon para lang muling mapangiti. Alam niyang may rosas talagang ganito ang kulay, purple. Pero ngayon lang siya nakatanggap at nakakita kaya amazed na amazed siya.

I'm sure kapag sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganito hindi mo naman ako paniniwalaan"

Pagkatapos ng lahat, alam niyang deserve niya ang maging masaya. Kay mainam narin siguro iyong sumunod nalang siya sa agos ng lahat ng nararamdaman niya. Besides ang binata narin naman mismo ang nag-aalok sa kaniya ng kasal na para sa kanya ay senyales ng pagiging mapaninindigan nito.

Parang si Lolo Lorenzo. Ang isip niya bago siya kumilos para maglinis ng katawan.

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon