Part 12

1.7K 41 0
                                    


NANG gabing iyon ay minabuti na nga ni Jessica na mag-search sa internet ng pansamantalang matutuluyan sa Baguio. A transient house in particular. Noon niya sinubukang mag-search sa Air BnB kung saan unang bumungad sa kanya ang isang maganda at simpleng two storey house na agad na umagaw ng atensyon niya.

Pine tress ang nasa palibot ng bahay dahil nga Baguio, sa Camp John Hay to be exact. Casa de Esperando ang nakita niyang nasa signage sa labas ng bahay. House of Waiting ang kahulugan niyon kung itatranslate in English.

At noon nga parang may kung anong damdamin ang humaplos sa puso niya habang pinagmamasdan ang larawan ng bahay sa mismong monitor ng kanyang laptop computer. Gusto niyang pumunta doon, at tama nga si Eloisa, kailangan niyang ayusin ang sarili niya para hindi maapektuhan ang trabaho niya sa pagbubukas ng klase sa June.

"NAKU nakaalis na siya" kausap niya noon si Eloisa, ang kaibigan at co-teacher ni Jessica na siyang una rin niyang nakausap nang bisitahin niya ang dalaga sa eskwelahang iyon.

"Nakaalis? Saan ba siya nagpunta? Nasabi ba niya sa'yo?" hindi niya maikakaila ang matinding disappointment na naramdaman niya dahil totoong excited siyang muling makita ang dalaga.

Nagkibit ng balikat si Eloisa. "Somewhere in Baguio. Gusto lang niyang magliwaliw, alam mo na broken hearted iyong tao" kinuha ng sinabing iyon ng kausap ang atensyon niya.

"Broken hearted?" aniya.

Tumango si Eloisa saka sinimulang ikwento sa kanya ang buong pangyayari. "Alam mo aaminin ko sa'yo ang totoo, I like you para sa kaibigan ko. Pero sa ngayon mas maganda siguro kung hahayaan mo na muna siya. O kaya makuntento ka sa friendship lang. Ayaw kasi nun ang kinukulit, may pagkasuplada talaga siya pero sa kabila noon sweet siya at sobrang selosa" salaysay pa nito na ikinatuwa naman niya ng sobra.

Malapad siyang napangiti sa narinig. "May number ka ba niya?" ang tanong niya.

Napakagat-labi ang kausap niya sa tanong na iyon. "Sorry hindi ko pwedeng ibigay, magagalit iyon. Anyway subukan mo nalang siyang i-reach sa Facebook niya. Kaso duda ako kung makapag-online siya" anito.

Tumango siya. "Sige anong username niya?" saka niya sinimulang i-search sa phone niya ang account ni Jessica. Mabilis naman niya itong nakita at napangiti siya. "thank you" aniya at saka na nagpaalam pagkatapos.

GABI nang marating ni Jessica ang Casa de Esperando. Sa may labasan palang ay muli niyang naramdaman ang kaparehong emosyong sumapuso sa kanya kagabi habang pinagmamasdan niya ang larawan ng bahay sa internet. At ngayong narito na siya at nakatayo sa harapan nito mismo, parang lalong nagtumindi ang feeling na iyon sa hindi naman maipaliwanag na kadahilanan.

Isang babaeng tama ang laki ng pangangatawan at sa tingin niya ay nasa fourty to fourty five years old ang sumalubong sa kanya. "Hello, magandang gabi po. Ako po si Jessica Samonte, iyong nagpa-reserve ng room kahapon" pakilala niya.

Ngumiti sa kanya ang babae. "Magandang gabi, ako si Nenet, tulog na si Lola Loreta kaya bukas mo na siya makakausap. Halika na at ihahatid na kita sa magiging kwarto mo" anito sa kanya.

"Pwede kang magluto ng sarili mong pagkain kung gusto mo, kung sakali naman maraming makakainan diyan sa labas. Isa lang ang banyo nitong bahay kasi maintainance lang ang ginagawa rito. Ayaw ipabago ni Lola kasi ang paniniwala niya babalikan siya ni Lolo Lorenzo" ang masayang kwento sa kanya ni Nenet saka itinulak pabukas ang pintuan ng sa tingin niya ay magiging kwarto niya doon.

"Lolo Lorenzo?" muli ay pinukaw niyon ang curiosity niya.

Ngumiti lang sa kanya si Nenet. "Si Lola nalang siguro ang magkukwento sayo, para mas detalyado."

Pumasok siya sa loob ng kwarto. Maganda ang silid, avocado green ang paint nito habang orange and yellow naman ang kurtina, takip ng kama at punda ng mga unan. Malamig sa mata kaya bigla para siyang nakaramdam ng pagod at gusto na niya agad mahiga at matulog.

"O sige gusto man kitang kwentuhan ay gabi na. Teka kumain kana ba?" palabas na ito nang itanong iyon.

Tumango siya ng magkakasunod. "Opo, kumain na ako kanina sa bus" aniya.

"Sige, good night" anitong hinila na pasara ang pinto.

Nang mapag-isa ay saka niya ibinagsak paupo ang sarili sa pang-isahang kama. Ilang sandali rin siyang nanatiling nakatitig sa kawalan nang marinig niyang tumunog ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Noon siya tila natauhang kinuha iyon para sagutin ang tawag. Ang tatay niyang si Francisco ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Tay," bungad niya sa ama.

"Kumusta ang biyahe anak?" nasa tono ng tatay niya ang pag-aalala. Hindi rin naman kasi niya inilihim rito ang totoong dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. At gaya ng inaasahan sumama ang loob nito kay Daniel. Pero ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng dating nobyo ay nanatiling kaniya nalang.

"Okay naman tay, huwag ninyo akong intindihin, kaya ko ang sarili ko" paniniyak niya.

Narinig niya ang mahinang tawa ng ama niya mula sa kabilang linya. "Alam ko, pero gusto parin kitang kumustahin syempre" katwiran nito.

Napangiti siya. "Tay matutulog na ako, nakakapagod ang byahe eh" paalam niya.

"Sige anak, kung sakaling may kailangan ka tumawag ka" bilin pa nito bago naputol ang linya.

Kumilos siya para maglinis ng katawan. Gaya narin ng sinabi ni Nenet kanina, common ang banyo ng bahay. At dahil siya lang ang guest ay mukhang hindi naman magiging problema iyon sa kanya. Lalo at wala rin siyang planong mag-stay doon maghapon dahil balak talaga niyang mamasyal sa mga araw ng paglalagi niya sa Baguio.


ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora