Part 8

1.9K 51 0
                                    


NAPABALIKWAS ng bangon nito si Paul nang makapang bakante na ang kanyang tabi. Malalaki ang mga hakbang niyang hinanap sa kabuuan ng kanyang unit si Jessica pero nanlulumo siyang napaupo sa silya ng dining table nang matiyak na nakaalis na nga ang dalaga.

Matamlay siyang nagbalik sa loob ng kanyang kwarto saka hinaplos ng mainit na damdamin ang puso niya nang mamataan ang marka sa bed sheet ng kanyang kama. To think na wala itong karanasan, paano nito nagawang maging ganoon ka-agresibo sa paraang nakikiusap at nahihiya? Napangiti siya.

Hindi si Jessica ang unang babaeng walang karanasan na nadala niya sa kama, pero ito lang ang babaeng isinama niya sa condo niya. Ang hinayaan niyang matulog sa kwarto niya. At alam niyang may kakaiba rito kaya siya nagkakaganito ngayon. Gaya nalang nang naramdaman niya noon apat na taon na ang nakalipas nang una niya itong makita sa Richardson University. Napangiti siya sa mga alaala.

Noon nagmamadali niyang hinablot ang bed sheet, itinupi saka inilagay sa laundry basket niyang walang laman at itinuloy sa kanyang walk in closet. Wala siyang planong palabhan iyon, hindi niya alam kung bakit pero nakatitiyak siyang may tamang panahon para doon.

Nang makalabas ay mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya nang mamataan ang isang bagay sa sofa. Nilapitan niya iyon saka dinampot para lang mapangiti. Ngayon naniniwala na siyang destiny nga ang may takda ng lahat. Dahil matapos ang dalawang taon ng kalungkutan, nakatitiyak siyang sa pagkakataong ito tunay na nga siyang magiging masaya.

"HINDI ka yata pumasok ngayon Jessica?" tanong sa kanya ng nanay niyang si Rosalyn nang mabungaran niya ito sa kusina na abala sa paghahanda ng pananghalian.

Umiling siya saka naglabas ng malamig na tubig sa refrigerator. "Masama po ang pakiramdam ko" totoo iyon dahil parang binibiyak ang ulo niya sa tindi ng hang over na mayroon siya.

Tumawa ng mahina ang nanay niya saka siya ipinagtimpla ng kape. "Hindi ka naman talagang umiinom hindi ba? Alam ba ni Daniel ang tungkol diyan?" anitong inilapag sa harapan niya ang tasa ng kape.

Malungkot ng ngiting pumunit sa mga labi niya dahil doon. "Break na ho kami" aniya kinontrol ang sariling emosyon at nagtagumpay naman siya doon.

Nakitang niyang natigil sa paghihiwa ng gulay ang nanay niya. Mataman siya nitong pinagmasdan saka naupo sa kabisera ng dining table, nasa mga mata nito ang simpatya. "Totoo ba iyang sinasabi mo?"

Nag-iinit ang mga mata niyang tinitigan ang nanay niya saka marahang tumango. "B-Biglaan lang nay," aniyang nabasag na ng tinig. "kaya naisip ko baka hindi rin niya ginusto ang lahat. Baka balikan pa niya ako" sa huling sinabi ay napaiyak siya.

Ano ba ang dahilan kaya niya nasabi iyon? Samantalang kagabi nagawa niyang ibigay sa isang estranghero ang ipinagdamot niya kay Daniel na siyang naging dahilan kung bakit siya nito hiniwalayan. Umaasa pa ba siyang babalik ito sa kanya? Tinawanan niya ng lihim ang sarili. At kung sakaling mangyari iyon? Alam naman niyang wala na siyang maipagmamalaki kay Daniel. Alam niyang susumbatan siya ng dating nobyo kapag nagkataon, paanong hindi niya maiisip iyon. Hindi ba nga kagabi katakot-takot nang pang-iinsulto ang tinanggap niya mula sa binata?

Noon nakakaunawang ngumiti ang nanay niya. "Baka nga, pero anong dahilan? Gusto mo bang pag-usapan natin?"

Umiling siya. "Hindi na ho nay," aniyang tumayo.

"Saan ka pupunta?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.

"Sa eskwelahan ho, magha-half day ako. Sayang maraming trabahong kailangang tapusin" aniya sa isang pinal na tono.

Tumango lang ang nanay niya. "Uminom ka nalang ng gamot para mawala iyang pananakit ng ulo mo. Maligo kana at ipaghahanda kita ng makakain" pahabol ng nanay niya.

"Sige po" aniyang nagtuloy na sa kanyang kwarto.

Panganay siya sa kanilang apat na magkakapatid. Ang sumunod sa kanya ay si Jasper at kasalukuyang kumukuha ng Electrical Engineering sa Richardson University. Sina Janina at Janine naman ang sumunod na identical twin ay nasa grade six. Ang tatay nilang si Francisco ay Senior Operations Manager sa isang kilalang specialty store sa bansa. Habang ang nanay nila ay dating sales clerk doon at doon nga nagkakilala at nagsimula ang love story ng mga ito.

Hindi sila lumaking hirap na hirap sa buhay at hindi rin naman maluho sa kabila ng lahat. Siguro dahil napalaki sila ng tama ng mga magulang nila. Istrikto ang tatay niya kaya siya lumaking conservative. Sa katunayan ay si Daniel ang una niyang boyfriend at sa kabila ng marami niyang manliligaw, ito ang talagang nagustuhan ng tatay niya. Kaya sobra ang panghihinayang na naramdaman niya.

BO7

ESPERANDO SERIES BOOK 3: PURPLE ROSES (UNEDITED_TO BE PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon