See You Again

12.5K 314 29
                                    

Jade's POV

Isinama ako ni Kuya Dennis sa isang fine dining restaurant. Hindi ko alam kung anong okasyon. Ayaw rin naman niyang sabihin. Malalaman ko na lang raw pagdating namin doon.

"Kuya Den-den ano ba talagang meron? Bakit dinala mo ako dito?" Pangungulit ko sa kanya.

Well, maganda ang place at ambiance. Ngunit ang presyo ng mga pagkain sa menu ay sobrang mamahal. Hindi naman kami masyadong mayaman pero afford naming kumain sa mga ganitong klase ng restaurant. Marahil sobrang espesyal kay Kuya ng taong hinihintay namin. Kaya dito pa talaga niya kami papakainin.

"Wait ka lang diyan mahal kong kapatid. Natraffic lang siguro yon."

Nagtatrabaho ang Dada namin bilang Executive Secretary ng Chairman ng G-Holding Corporation na nagmamay-ari sa buong ka-Maynilaan ng 5 malls, 3 five star Hotels, 1 Hospital and 1 School University.

Dati rati ay ang mga malls at isang School University lang ang pag-aari ng G-Holding. Ngunit nang ipakasal ang panganay na anak ng Chairman na si Gabriel Galves sa nag-iisang anak na babae ng mga Floresca ay naging sakop na ng kompanya ang La Floresca General Hospital. One of the biggest and prestigious hospital in the country.

Ang pangalawa naman nilang anak na si Marco Galves ay ipinakasal nila sa nag-iisang anak na babae ng mga Ricaford na nagmamay-ari naman ng tatlong branches ng five star Hotel.

Samantalang ang bunsong Galves.. Bigla akong nalungkot nang maalala ko siya. Kamusta na kaya siya?



**Flashback**

"Pards! Anong nagustuhan mo dito sa kapatid ko? Eh ang chubby-chubby oh! Iba na lang kasi ang ligawan mo."

Napangiti ako sa pagiging protective ng kuya ko sa akin. Ang buong akala ko ay hahayaan niya na lang akong kulitin ng kulitin ng matalik niyang kaibigan. Totoong chubby ako kaya wala akong dapat na ikapikon. Well hindi naman din ako masyadong mataba. Sakto lang ang pangangatawan ko. Normal lang sa mga babaeng mahilig kumain.

"Pards naman! Si Jade ang gusto ko at sorry pero sobrang ganda niya sa paningin ko kahit medyo may pagka-chubby pa siya." Anitong tumingin at ngumisi pa sa akin.

Hays! Bwisit na babaeng ito. Inirapan ko nga siya. Nakakainis eh! Kung hindi lang talaga nagtatrabaho si Dada sa kompanya ng pamilya niya ay natarayan ko na siya. Maging si Mama ay empleyado rin nila dahil sa pagiging professor at Department Head in College of Arts & Designs sa school na kanilang pag-aari. Kaya kailangan kong magbait-baitan sa kanya.

Kung pumorma ay daig pa ang isang tunay na lalaki. Palagi siyang nakasumbrero ng pabaligtad at kung minsan ay may tangay-tangay na lollipop sa bibig.

Nagmumukha lang siyang babae kapag nasa school at nakasuot ng school uniform. Bagaman sila ang may ari ng eskwelahan ay kinakailangan pa rin niyang sumunod sa mga alituntunin ng paaralan. Kaya kahit ayaw niyang magsuot ng palda ay napipilitan siyang magsuot nito.

"Jade okay lang naman sayo na ligawan kita di ba?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ngunit nang makabawi ay napatawa ako. As if naman papatol ako sa mga katulad niya. Yuck! Straight kayo ako at puro mga lalaki lang ang nagiging crush ko. "Excuse me?! Hindi pa po ako nagpapaligaw kahit kanino Ms. Althea."

"Sus! Ang pormal naman ng Ms. Althea. Babe na lang or love para sweet." Sabay ngisi niya ulit sa akin.

Ang siraulo kong kapatid ay patawa-tawa lang habang pinapanood kami. Ayaw man lang sawayin ang kaibigan niya.

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon