Between Love & Trust

4.6K 212 17
                                    

Jade's POV

Nakabalik na kami ng girlfriend ko sa Manila pero sa condo niya kami dumiretso.

"Love kailangan ko na munang umuwi sa bahay namin. Baka mapagalitan na ako nina Dada."

"Hmm?" Ang cute ng mukha niya kaya napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Antok na antok pa kasi siya.

"Love magtataxi na lang ako pauwi, okay? Para makatulog ka pa ng mas mahaba." Muli kong bulong sa kanya. Saka palang siya tuluyang nagmulat ng kanyang mga mata.

"Bibi hindi ba pwedeng dito ka na lang ulit matulog? Mamimiss kitang kayakap eh." Sabay pulupot ng mga braso niya sa bewang ko.

"Hindi pwede love. Sa ibang araw na lang ulit ako matutulog dito." Malambing kong sabi sa kanya ngunit napasimangot siya at pagkatapos ay inalis niya na ang mga brasong nakayakap sa akin. "Love nakakainis ka!" Habang tumatagal kasi ay nagiging matampuhin na siya at isip bata pa kung minsan.

Tumalikod siya at hinagilap ang isang unan para ito naman ang kanyang yakapin. "Kapag umalis ka hindi mo talaga ako love." Sabi pa niya. Para talaga siyang bata.

"Althea umayos ka nga! Naiinis na ako sayo." Hindi ko na napigilang pagtataas ng boses. Nakakapikon na kasi ang mga inaasal niya.

Ngunit nang mapansin kong nagpapahid na siya ng kanyang mga luha ay mabilis na naglaho na ang inis ko. Hayst! Mahal ko talaga ang bruhang ito. Hindi ko siya matiis.

"Love naman eh! Halika nga dito." Malambing kong suyo sa kanya. Hinihigit ko ang braso niya ngunit ayaw niyang humarap sa akin. Nahihiya sigurong ipakita na umiiyak siya.

"Sige na ayusin mo na ang sarili mo Bibi. Ihahatid na kita pauwi sa inyo." Aniyang hindi tumitingin sa akin at garalgal pa ang tinig. Pagkatapos ay bumangon na siya sa pagkakadapa niya sa kama.

"Harap ka muna sa kin love."

"Ayaw!" Maarte niyang iwas sa akin. Ngunit wala siyang nagawa nang hilahin ko na naman ang braso niya. "Awts! Bibi bakit ba?!"

"Tsk! Tsk! Napakalaki mong bakulaw pero iyakin naman." Natatawa kong sabi sa kanya upang asarin siya.

"Ganyan ka naman eh. Sige pagtawanan mo lang itong feelings ko para sayo." Maktol niya sa akin na parang maiiyak na naman.

"Wawa naman itong lab-lab ko. Halika nga!" Natatawang niyakap ko siya at hinalikan sa gilid ng ulo niya. "Huwag ka na magtampo love. Babawi naman ako sayo sa ibang araw eh."

Nakasimangot pa rin talaga siya. Hayst! Ang hirap niya nang suyuin. "Bibi bakit ganon?"

"Ano yon love?" Malambing kong tanong habang nakayakap pa rin sa kanya. Hmm.. ang bango-bango ng love ko. Sarap niyang singhot-singhutin sa leeg.

"Magkasama tayo ngayon pero miss na miss pa rin kita." Nag-angat ako nang tingin sa kanya at pagkatapos ay napatawa ako pero may kahalo nang kilig. "Nakakainis ka bibi! Pinagtatawanan mo na naman ako." Maktol na naman niya na sambakol na ulit ang pagmumukha.

"Tss! Hindi kita pinagtatawanan love. Kinikilig ako kaya ako tumatawa." Sabi ko sa kanya na natatawa pa rin. Umiwas siya bigla ng tingin. Kaya alam kong nagpipigil na siya ng kanyang mga ngiti. "Love huwag mong pigilan yang kilig mo baka mautot ka."

"Tse! Marunong ka na talagang mang-asar huh?" Pagsusungit niya sa akin.

Mas lalo akong napatawa sa kanya. Ang cute cute sarap niyang pang-gigilan. "Aray! Althea isa!" Bigla ba naman akong itulak pahiga sa kama sabay sampa sa ibabaw ko.

"Inaasar mo kasi ako bibi. Kaya ito ang magiging parusa ko sayo." Hindi na ako nakapalag nang simulan niya na akong halikan ng mariin sa mga labi ko. "Hmmn.. ang lambot ng mga labi mo mahal ko." Napahawak ako sa batok niya. Ang sarap niya kasing humalik.

Can't Get Over YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant