Fear of Losing Someone

3.8K 177 12
                                    

Althea's POV

Kinailangan kong umuwi ng mansyon dahil sa pagtawag ni Mommy. Darating raw kasi sina Kuya Gab at Kuya Marco kasama ang mga kabiyak nila para sabay-sabay kami na magdinner.

Busy kaming magkakapatid kaya minsan lang kami magpangi-pangita. Kaya kahit madalas na hindi kami nagkakasundo ay namimiss pa rin namin ang bawat isa. Maging ang pamangkin kong si Gabin ay miss na miss ko na rin.

Sinubukan kong ayain si Jade ngunit hindi pa raw siya ready na makaharap ang buo kong pamilya. Gustuhin ko mang magtampo sa kanya ay hinayaan ko na lamang. Ayoko rin naman kasi siyang pilitin.

"Anak bakit hindi mo isinama ang girlfriend mo? Hindi mo man lang ba siya ipapakilala sa min ng pormal?" Bungad sa akin ni Mommy pagkarating ko sa mansyon.

"Next time na lang Mom, busy si Jade ngayon eh." Palusot ko na lang sa kanya. Bagaman ang totoo ay nasa bahay lang si Jade.

"Hi Thea!" Nagsilapitan sa akin ang mga nag-gagandahang sister in law ko at bumeso sa akin.

"Hello Ate Peal and Ate Jelly." Yong dalawa ko namang kuya ay yumakap sa akin at humalik sa pisnge ko.

"Hindi nyo naman siguro ako masyadong namiss?" Sabay tawa ko sa kanila.

"Miss na miss ka namin siyempre. Wala na akong kaasaran eh." Tugon naman ni Kuya Marco. Kaya napaingos ako rito.

"Sino ba namang hindi makakamiss sayo eh ikaw ang baby girl namin." Sabi naman ni Kuya Gab na mas lalong ikinagusot ng mukha ko.

"Kuya Gab naman eh!" Maktol ko sa kanya pero sa halip tumawa pa sila. Ayoko kasi na tinatawag nila ako na baby girl. Gusto ko kasi baby boy. Haha.. Charot!

"Ninang!!" Ume-echong hiyaw ni Gabin nang sandaling makita ako nito.

Akay-akay ito ni Daddy galing sa ikalawang palapag ng mansyon. Malapit na itong mag-four years old at dahil madalas silang magbakasyon noon sa US ay sobrang naging malapit ito sa akin. Then nagvivideo call ako palagi sa kanya. Para kahit papaano ay hindi niya makalimutan ang mukha ko.

"Baby Gabin!! I miss you so much. Halika dito bilis." Sinugod ko siya ng yakap at pinupog ng halik sa pisnge. "Hmp! Miss na miss kita talaga. Sunduin kita minsan sa school para makapagbonding tayo."

"Talaga Ninang? Sige po pasyal mo ko tapos bili mo ako maraming toys."

"Aba oo naman! Hihinge tayo ng pera sa Papa mo para kahit ano magustuhan mo bibilhin natin."

"Naku naman!" Natatawang react ni Kuya Gab. "Kuriputan pa raw ang nag-iisa niyang pamangkin."

Tatawa-tawang bumaling ako sa kanya. "Kuya magastos magpakasal at gumawa ng baby sa US. Kailangan ko na magsave ng pera."

Nagkatinginan sila na parang hindi natuwa sa sinabi ko. "Sure ka na ba talaga Thea diyan sa Jade na yan?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Marco sa akin.

"Oo naman Kuya Marco. Bakit na naman ba?" Nakakapikon talaga siya minsan. Hanggang ngayon kasi ay parang hindi pa rin niya tanggap na nagmamahal ako ng kapwa ko babae.

"Eh siya ba sure na talaga sayo? Pano kung nahihiya lang siya kina Dad kasi halos ang buong pamilya niya ay empleyado natin sa kompanya?" Naiiling na sabi pa nito.

"Hey! Enough na yan Marc. Hayaan na natin siya kung saan siya magiging masaya." Saway ni Kuya Gab sa kanya. Kahit papaano ay palagi ko siyang kakampi sa lahat ng bagay.

"Ayoko lang masaktan ang kapatid natin Kuya. Alam mo naman sa mga ganyang klase ng relasyon. Bihira ang tumatagal."

Nakatingin lang sa amin sina Dad at Mom pati na rin ang mga asawa nila.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now