Devastated

3.5K 166 29
                                    

Jade's POV

Napapabuntong hininga na lamang ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang sinabi ni Althea kanina. Mahal ko siya pero ang magpakasal ay parang napaka-aga pa para sa akin. Ni hindi pa nga kami umaabot ng one year anniversary ay kasal agad ang nasa isip niya.

Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iyon pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. Medyo late na ako nakauwi kaya si Kuya na naman ang nadatnan ko sa tabi ng pool at mag-isa na namang umiinom. Ganyan siya kapag may problema. Gusto palagi ay walang nakakakita sa kanya.

"Hey! Umiinom ka na naman Kuya. Hindi pa ba kayo nakakapag-usap ni Ate Jen?"

Lumingon siyang sandali ngunit binawi rin niya agad ang tingin sa akin. Pagkatapos ay narinig ko ang mapakla niyang pagtawa bago ulit siya tumangga ng alak. "Wala na kami bunso. Nakipaghiwalay na siya sa kin. Ang bilis ng karma ko noh? Walang kwenta kasi itong Kuya mo. Tss!" Naiiling na nagsalin na naman siya ng alak sa baso niya.

"Don't you ever say that Kuya. Nagkamali ka lang pero hindi ibig sabihin ay wala ka nang kwenta. Please tama na yan Kuya." Nagsusumamo kong pakiusap sa kanya. "Nag-iisa kitang kapatid kaya nasasaktan akong makita kang ganyan."

Mas lalo akong naawa sa kanya nang impit siyang napaiyak. Ibinaba ko muna ang dala kong gamit at saka ako naupo sa tabi niya. "I'm always here for you Kuya. Palagi mong tatandaan yan." Niyakap ko siya at hinagod ang likuran niya upang mapakalma ko siya. Iyon lang kasi ang naiisip kong paraan para mapagaan ko ng konti ang nasa sa loob niya.

"Ang tanga-tanga ko bunso. Hindi ko dapat ginawa iyon sa kanya."

"It's alright Kuya! Iiyak mo lang iyan para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Nandito lang ako hindi kita pababayaan."

Awang-awa talaga ako sa Kuya ko. Ngunit wala naman akong magawa dahil kasalanan rin naman niya kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya.

Nang mahimasmasan siya ay sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Inalalayan ko siya hanggang sa makapasok sa loob ng room niya. "Bunso kaya ko na ito. Doon ka na sa kwarto mo."

"Sure ka ba? Baka mamaya makatulog ka na nang ganyan."

"Oo kaya ko pa!! Wala kang believe sa Kuya mo?" Sobrang pungay na ng mga mata niya dulot ng sobrang kalasingan.

Umeekis ang mga paa na naglakad siya patungo sa loob ng banyo. Nang maisara niya ang pintuan ay naghintay muna akong sandali upang pakiramdaman siya sa loob. Baka kasi bigla na lang itong matumba. Ngunit nang marinig ko na ang paglagaslas ng tubig ay saka ako lumabas ng kwarto niya.

Pagkapasok ko sa room ko ay chineck ko muna ang celpon ko. Patay! 26 missed calls from my girlfriend. Siguro ay nag-aalala na ito sa akin. Sinubukan kong idial ang number nya subalit isang ring pa lang ay sumagot na agad ito.

"H-hello Bibi? Okay ka lang ba? Kanina pa akong tumatawag hindi ka sumasagot. Napapraning na ako sa sobrang pag-aalala ko sayo." Sunod-sunod niyang sabi na halata ang pagkabalisa sa boses.

"Pasensya na love hindi ko agad nacheck ang celpon ko. Kararating ko lang kasi ng bahay." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ayoko lang kasi pangunahan si Kuya sa pagsasabi sa bestfriend niya ng mga problemang kinakaharap niya ngayon.

"Tsk! Late ka na lage umuwi Bibi. Huwag ka na nga lang tumanggap ng ganyang klase ng trabaho. Magfocus ka na lang sa shop mo or magtayo ka ng sarili mong patahian ng damit at susuportahan kita. Kaysa palaging ganyan ka, pagod at palaging puyat."

"Love masaya ako sa trabaho ko. Oo nakakapagod at nakakapuyat pero iba ang sayang dulot sa akin nito. Lalo na sa tuwing nakikita ko sa tv, movies or sa mga tabloid at magazines ang bunga ng mga pinagtrabahuhan ko." Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Alam ko namang iniisip niya lang ang makakabuti para sa akin. But what will I do? Masaya ako sa ganitong klase ng trabaho. Dito ako nakilala at nagkapangalan sa loob at labas ng industriya. Kaya hindi pwedeng basta-basta ko na lang itapon or sasayangin ang pangarap na pinaghirapan kong maabot.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now