We belong

4.2K 207 68
                                    

Althea's POV

Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Jade simula nang gabing may mangyari sa amin. Pati tawag ko ay hindi niya sinasagot.

Mababaliw na yata ako sa kakaisip sa kung ano bang nagawa ko sa kanya at ganon na lang ang kanyang pag-iwas sa akin.

Naisipan kong lumabas muna upang magpahanging sandali.

"Oh! Pards saan ang punta mo?" Tanong sa akin ng bestfriend ko nang makasalubong ko siya sa may hallway.

"Tsk! Your sister is making me crazy. Ano bang problema ng kapatid mo Pards?" Inis na turan ko sa kanya. Wala kasi akong mapagbalingan ng inis ko.

"Hey, relax! Wala pa siya Pards. Nasa Cebu pa sila eh." Pagpapakalma niya sa akin.

"Halos mapudpud na daliri ko kakadial at kakatext sa kanya. Hindi siya sumasagot eh! Pards hindi ko na alam ang gagawin ko."

Nag-iisip na napakamot siya sa baba niya bago ulit tumingin sa akin. "Sandali, ano bang nangyari last time na magkita kayo?"

Natigilan akong sandali. Naalala ko kasi ang nangyari sa pagitan namin ni Jade noong gabing iyon na magkasama kami. Napatingin ulit ako sa kanya. Waring naghihintay siya sa isasagot ko. Ngunit hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanya. Geez! Baka upakan niya ako eh.

Nag-iwas ako ng tingin upang hindi niya mahalata na may itinatago ako sa kanya. "Uhm.. ano uhm.. wala naman kaming pinag-awayin eh. Natatawagan ko pa nga siya hanggang tanghali. Pero pagdating ng gabi.. Ayon ring na lang ng ring ang phone niya. Miski text ko hindi niya rin sinasagot." Naiiling na kwento ko sa kanya. "Pupuntahan ko na sana siya sa inyo kahapon kaso may nakita akong post na naka-tag sa fb niya. Yon nga nasa Cebu pala siya."

Nagbaba siya ng tingin at napatango-tango. "Okay, subukan ko siyang kausapin Pards. But for now huwag mo muna siyang isipin. Iinom na lang natin yan sa bahay mamaya." Aniya sabay akbay sa akin. "Tamang-tama at may iniuwing chivas si Dada noong isang araw. Galing sa kumpadre niya na galing abroad."

Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Loko ka Pards! Baka magalit sa atin si Tito Oscar. Pasalubong sa kanya yon eh."

"Hindi yon Pards! Ako ang bahala. Ibinigay na rin naman sa akin ni Mama kasi pinagbabawalan niya si Dada na uminom. Tama na raw ang wine paminsan-minsan sa kanya." Aniyang sabay tawa rin at kumawala na sa pagkaka-akbay sa akin.

"Oh sige.. mag-aaya ka pa ba ng iba or tayo lang dalawa?"

"Ikaw ang bahala kung sinong gusto mo pang isama Pards. Basta huwag lang chicks at baka mabugbog ka ng kapatid ko." Natatawa niyang biro sa akin.

"Siraulo ka Pards!" Mas lalo pa siyang napatawa sa naging reaksyon ko. Baliw talaga itong lokong ito.

"Marami namang ibang alak sa bahay. So okay lang kung magsasama tayo ng ibang kaibigan."

"Okay sige, game ako diyan Pards!" Nagpaalam ako sa kanya na lalabas lang akong sandali dahil gusto ko munang mapag-isa.

"Gusto mo samahan kita? Wala pa naman akong gagawin eh."

"Hindi na Pards! Babalik din naman agad ako. Gusto ko lang humingang sandali. Nakaka-suffocate sa loob ng opisina ko eh."

Tumawa lang siya sa akin bago ako tuluyang makaalis.

************

Pagdating ng hapon ay umuwi muna akong sandali sa condo ko upang makapagpalit ng damit bago magpunta sa bahay ng mga Henares. Ininvite na rin kasi ako ni Pards na doon na magdinner kasabay nila.

Medyo awkward na makaharap sina Tito Oscar at Tita Amanda dahil sa bunso nilang anak na si Jade. Ngunit kinapalan ko na lang ang mukha ko.

"Mabuti naman at napasyal ka Althea kahit wala si bunso dito." Bungad sa akin ng may edad na lalaki pagkakita sa akin. Nasa likuran nito ang asawa.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now