Lovely Day

4.5K 201 38
                                    

Jade's POV

Napakasaya sana ng araw ko kung hindi ko lang nakita ang hitad na si Nathalie sa loob ng studio. Tumatawa pa ito habang nakikipagkwentuhan sa mga kapwa niya models. Hanggang sa mapasulyap ito sa akin.

"Hi Jade.." Maarteng bati nito at feeling close na nakipagbeso pa sa akin. "Glad to see you again."

"Yeah.. same here." Ngiting plastik na tugon ko sa kanya. 'Oh, girl ang bigat ng dugo ko sayo.' Naiiritang sabi ng utak ko.

Sa totoo lang ay isa ito sa dahilan kung bakit ko sinagot agad si Althea. Ayaw kong makitang umaali-aligid na naman sa kanya ang babaeng hitad na ito.

"So ikaw pala ulit ang stylist namin."

"Ah.. Yes! Is there something wrong?"

"Uhm.. wala naman. Alam kaya ng girlfriend mo na nagkakatrabaho tayo rito?"

"Importante bang malaman niya?"

Napatakip siya ng bibig habang natatawa. "My god! Ms. Jade you're so mean. No worries I will not steal her from you. Unless..." Pabitin nitong sabi.

"Unless what?" Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Nagkibit ito ng balikat na animoy nang-aasar pa dahil sa nakakaloko nitong mga ngiti.

She was going to say something nang biglang may tumawag sa pangalan nito. "Nathalie I have something for you, please come here." Pareho pa kaming napalingon sa baklang nagsalita. Isa itong manager na humahawak ng mga talents. So malamang na kukuhanin rin nito ang babaeng ito upang gawing artista.

"Hi Mamang.. I missed you. Mabuti at napadaan ka dito." Sinulyapan muna akong muli nito para siguro mag-excuse sa akin. Ngunit tinalikuran ko na siya. Wala na rin naman kasi ako sa mood para makipag-plastikan pa sa kanya.

Huminga ako ng malalim para irelax ko ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa babaeng iyon. Dahil talagang masisira lang ang araw ko sa kanya.

"Hi Jade.. Goodmorning to you." Malapad ang ngiting bati sa kin ni Ivan. Teka anong ginagawa ng lokong ito dito?

"Oh, Ivan! Huwag mong sabihing isa ka rin sa mga bagong models nila?"

Nakangiting lumapit siya sa akin at nagbeso. "Yes, may problema ba don?"

Naiiling na napatawa ako sa kanya. Naalala ko kasi yong pag-amin ko sa kanya noong nakaraang araw. "Wala naman Ivan. Siguro kung hindi tayo nagkausap tungkol sa mga nangyayari sa akin ngayon ay baka isipin ko na naman na sinusundan mo ako."

"Uy! Grabe siya." Aniyang bigla ring napatawa. "Hindi ko naman alam na ikaw rin ang stylist nila eh."

"Yeah I know right! Pagkatapos kong umamin sayo. I don't think so kung hahabulin mo pa rin ako."

"Well, gustuhin ko mang habulin ka pa rin ay wala na rin naman akong mapapala. Kasi nga inlove ka na diyan sa taong sinasabi mo."

"Sinabi mo pa! Lalo na ngayon na sinagot ko na siya." Masiglang balita ko sa kanya. Ngunit sa muli kong pagsulyap sa kanya ay nawala na ang mga ngiti sa mukha niya.

"Talaga Jade? So kayo na pala.. Congrats huh?" Malungkot ang tinig niyang sabi sa akin.

Huminga ako ng malalim at tinapik siya ng bahagya sa balikat niya. "Hey! Don't be sad Ivan. Ngayon na sumisikat ka na ay baka lalong magkandarapa ang mga girls sayo."

Pilit ang ngiti na tumingin ulit siya sa akin. "Tsk! Bakit kasi pinakawalan pa kita. Ang laki kong gago Jade."

"It's okay Ivan. Matagal na yon eh. Makakahanap ka rin ng para sayo talaga." Malungkot pa rin ang mukha na napatango-tango siya habang nakatitig sa akin.

Can't Get Over YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя